Chapter 4

656 12 0
                                    

Doctor Zachary POV

"Doc Zach, sabi po ni Direk mag ready na daw po kayo in five minutes magsisimula na ang show," saad ng staff.

"Okay." tugon ko.

Sinuklay ko ng kaunti ang buhok tapos ay tumayo na ako.

"K-Kuya Zach ready ka na ba sa appearance mo sa Tonight with Karen?" tanong ng kapatid kong si Wade.

"Kanina pa, Wade," sagot ko.

Nasa TBS network ako ngayon. Naimbitahan kasi ako na mag guest sa top-rated lifestyle show na Tonight With Karen for an exclusive interview.

Dumirecho na ako sa studio, kasama ang kapatid kong si Wade.

"Doc Zach, pumunta na po kayo sa stage," saad ng floor director.

"Okay."

"Good luck, Kuya Zach," sigaw ng kapatid kong si Wade.

Dumirecho na ako sa upuan sa stage katabi ni Miss Karen ang host ng show.

"One, two, three action!" sigaw ng direktor ng show.

"Good evening everyone. Narito na naman po ang inyong lingkod ang inyong Ate Karen. For tonight episode makakasama natin ngayon ang famous plastic surgeon sa bansa walang iba kung di si Doctor. Zachary Sebastian," aniya ni Miss Karen.

"G-Good evening po," bati ko sa masayang tono.

"Masaya kami na pinaunlakan mo ang show namin."

"It's my pleasure to be part of your top rating show."

"Thank you, Doctor. Zachary Sebastian."

"Doc Zach na lang itawag mo, Miss Karen."

"Okay, Doc. Zach."

The interview was good. Puro tungkol sa pagiging plastic surgeon ko ang mga tinanong sa 'kin nagbigay din ako ng advice sa mga nais magpabago ng mukha at sa mga binabalak na maging plastic surgeon kagaya ko. Buti na lang at hindi napagusapan ang private life ko lalo at ayoko talaga na pagusapan ang mga yun.

Pagkatapos ng interview agad akong nilapitan ni Miss Karen.

"Doc Zach, thank you for this interview. Natutuwa ako na makausap ang isang kagaya mo."

"It's my pleasure to talk to you, Miss Karen. Paano mauuna na kami ng kapatid kong si Wade."

"Okay, Doc. Zach. Again, thank you for the interview."

Pagkatapos ng TV guesting ko umalis na rin kami ng kapatid kong si Wade.

"Didirecho na ba tayo sa bahay?" tanong ni Wade.

"Ihahatid lang kita sa bahay. May pupuntahan pa kasi ako eh."

"Okay, Kuya Zach."

Pagkahatid ko kay Wade sa bahay dumirecho na ako sa Saint Mary Memorial. Balak kong dalawin si Agnes ngayon.

"Hi, it's been a while since dumalaw ako dito medyo naging busy lang ako sa clinic ko," sambit ko sabay lagay ng sunflower sa puntod niya.

Today is her birthday. Kung nabubuhay siya magkasama naming ipagdiriwang ang kaarawa niya, kaso maaga siyang nawala sa'kin.

She's my wife, and she died in a car accident three years ago at hanggang ngayon masakit pa rin ang pagkawala niya. Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari.

"Doc. Zach, may tumatawag po sa telepono sagutin ninyo po," saad ng assistant ko.

"Sino daw?"

"Taga Saint Agatha hospital daw po."

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon