Chapter 20

438 4 0
                                    

WHindi pa rin ako makapaniwala na nakabenta ako ng mga paintings at dahil yun sa tulong ni Zach. Yung pinagbentahan ng paintings gagamitin ko para muling makapagsimula.

May pera naman ako na naipon kaso kulang ang mga iyon. Hindi ko rin pwede na galawin ang isa ko pang pera dahil alam yun ni Devon kapag nalaman niya na bawas iyon tiyak matutunton niya ako at ayokong mangyari yun.

"Mauuna na ako Valerie kanina pa naghihintay ang patient ko. Dadalawin na lang kita mamaya dito."

"Okay, Zach. Salamat sa tulong mo na maibenta ang mga paintings ko."

"You're welcome Valerie. Gusto mo bang sumama sa clinic ko. Baka nabobored ka na dito sa tinitirahan mo."

"Tatapusin ko na lang itong ginagawa ko."

"Okay."

Umalis na si Zach pinagpatuloy ko ang bago kong art piece na ginagawa. Isang babaeng may hawak na bulaklak ang ginawa ko ngayon. Nasa kalagitnaan ako pagpipinta ko ng may narinig akong bumisina na kotse. Nakakapagtaka naman bakit nandito na agad si Zach eh may patient pa siya sa clinic niya. Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba. S-Sino kaya yung dumating. Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino yun. Isang lalaki ang bumaba sa kotse.

Tinignan ko ang lalaking bumaba sa kotse at nagulat ako sa nakita ko. Ang lalaki ay walang iba kung di si Devon. F*cking sh*t how did he know where I live? Patay ano ng gagawin ko ngayon. Hindi niya ako pwedeng makita tiyak huhulihin niya ako at ikukulong.

"Is anyone here," aniya.

Agad kong sinara ang bintana at binaba ang mga kurtina.

"I found out na dito daw nakatira yung artist sa painting na nakita ko," dagdag nito.

F*cking sh*t anong sinasabi ni Devon? Siya kaya yung nakabili ng mga paintings ko pero ang sabi ni Zach isang CEO Ang nakabili ng paintings ko at kilala yun ni Zach. Hindi naman siguro si Devon yun dahil kilala ni Zach si Devon.

Tatlong beses na kumatok sa pinto si Devon.

"I know someone's here."

Kinakabahan at nanatakot na ako ngayon. What if mahuli ako ni Devon ngayon? hindi pwede ito ayoko ng makasama pa muli si Devon. Nakita kong bumukas ang pinto agad akong nagtago sa ilalim ng mesa.

Nakita ko na papalapit si Devon sa kinaroroonan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ngayon. Nagbubutil na rin ang pawis ko sa kaba.

"I know someone's here. May mga pintura na nakabukas. Kung sino ka man magpakita ka na."

Patay na ako nito ano ng gagawin ko ngayon.

"Valerie, is that you? I know that art style at si Valerie lang ang kilala kong ganoon ang art style."

Oh my god! Alam na niya na ako si Valerie. Agad kong kinuha ang phone para tawagan si Zach pero hindi siya sumasagot marahil busy ito sa client niya. Nakita kong tumungo ito sa kinaroroonan ko.

"Nandito ka lang pala," saad nito.

F*ck it.... He saw me already ano ng gagawin ko. Napabuntong hininga na lamang ako. I need to face him. Hindi dapat ako magpahalata na natatakot.

"A-Ano pong ginagawa nila dito?" natataranta kong tanong sa kanya.

"You must be the artist behind the paintings right?"

"Uhmm... Yes," sagot ko.

"You're art style was quite familiar to me. Someone close to my heart do that art style of yours."

I'm doomed natunton na ako ni Devon dahil sa art style ko. Wala na akong kawala pa ngayon.

"I'm Devon. Isang CEO ng kumpanya. Interested ako sa paintings mo."

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon