Chapter 3

698 15 0
                                    


"Mam Valerie..." saad ni Manang Lucia ang mayordoma sa buong mansion.

Napahinto ako sa paggawa ng merienda. "B-Bakit manang Lucia?" tanong ko.

Iniabot ni Manang Lucia ang isang paper bag. "Pinabibigay po sa inyo."

"Kanino galing?"

"Buksan ninyo na lang po, Mam Valerie."

Kinuha ko ang paper bag at tinignan kung ano ang laman nito. Nagulat ako sa nakita ko. Isang mamahaling damit.

"Mam Valerie, marami pa pong paper bag sa sala."

Pumunta ako sa sala tumambad ang napakaraming paper bags.

"Kanino kaya galing ito, Manang Lucia?"

"Baka po kay Sir Devon."

Nakita ko ang isang note na nakadikit sa isang paper bag.

I brought you some expensive dresses and shoes. You can pick one and wear it tonight.

Love, 

Devon.

"Kay Devon galing ang mga ito, Manang Lucia."

"Ang sweet talaga ni Sir Devon. Siguro birthday ninyo po?"

Umiling ako. "Malayo pa birthday ko, Manang Lucia."

Nagtataka talaga ako anong nakain ni Devon at naisipan niya na bumili ng mga ganito.

"Maari bang iakyat ninyo na sa kwarto ni Mam Valerie ang mga ito," maotoridad na utos ni Manang Lucia sa mga maids.

Agad namang sumunod ang mga maids. Kinuha nila ang mga paper bag at dinala sa closet ko. Sumunod ako sa kanila.

"Salamat sa inyo. Ako na bahala dito."

"Sigurado po kayo, Mam Valerie?"

"I can do this. Bumaba na kayo baka may ipapagawa pa si Manang Lucia sa inyo."

"Okay, po Mam Valerie."

Umalis na ang mga maids. Naiwan ako sa closet ko. Sa totoo lang ang dami ko ng mga sapatos at damit galing kay Devon. Buwan-buwan kung ipag-shopping ako ni Devon. Halos mapuno na nga ang closet ko sa dami at hindi ko rin nagagamit ang iba. Bukod sa mga damit at sapatos na binili ni Devon mayroon din na mamahaling kwintas at hikaw. Gawa ito sa purong diamante. 

Wear this expensive jewelry tonight. Naka sulat sa kahon na pinaglagyan ng alahas. 

Agad akong naghanda para sa lakad namin ni Devon ngayong gabi. Kailangan kong maging presentable sa kanya.

Napili kong isuot ang pink na dress at red high heels na bagong bili ni Devon kanina.

Abala ako sa pagsuklay ng buhok ng biglang pumasok si Devon sa walk in closet ko. Nakabihis na ito ng formal attire. Napaka gwapo ni Devon sa gray suit na suit niya. Kinilig tuloy ako ng makita siya.

"Are you ready?" tanong nito.

"Ano ba kasing meron, Devon?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nothing. Gusto lang kita makasama ngayong gabi sa isang romantic dinner date."

Lumapit si Devon sa akin kinuha niya ang necklace na nasa ibabaw ng mga lagayan ng mga alahas ko at isinuot ito sa leeg ko.

Napatingin ako sa malaking salamin ang ganda-ganda ko talaga ngayon. Bagay na bagay sa akin ang dress at necklace na binili ni Devon.

"You look beautiful, Valerie."

"Thank you, Devon."

Nagulat ako ng bigla akong amuyin ni Devon. Nakikiliti tuloy ako.

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon