Chapter 11

474 8 0
                                    

Minulat ko ang mga mata ko. Isang di pamilyar na lugar ang nakita ko. Napatingin ako sa harapan ko may isang lalaking natutulog sa harapan ko.

"S-Sino ka?" mahinang tanong ko.

Nakita kong gumalaw ang lalaki nagising yata ito.

"Gising ka na pala," aniya.

"S-Sino ka? Nasaan ako?" sunod-sunod kong tanong sa lalaki.

"Huwag kang matakot. Ano kasi nakita kita tumatakbo kagabi sa gitna ng malakas na ulan."

Bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi. Tumakas ako kay Devon at tumakbo papalayo sa kanya. Muntik pa akong mabundol ng kotse tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Tinulungan mo ba ako?"

"Oo, tinulungan kita. Bigla kang hinimatay kaya dinala na kita dito sa bahay ko."

"S-Salamat...."

"Ako pala si Doc. Zachary Sebastian," pakilala niya sa akin.

"Doctor ka?"

"Plastic surgeon."

"Okay."

"A-Ano pala pangalan mo? Bakit ka tumatakbo sa gitna ng ulan?"

"V-Valerie ang pangalan ko. May humahabol kasi sa akin."

"Sino naman?"

"H-Hindi pa ako handang magkwento sa'yo."

"Naiintindihan ko. Mabuti pa magpahinga ka pa. Nilagnat ka kagabi, Valerie."

Nakatakas nga ako kay Devon at sa mga tauhan niya. Bigla kong naalala yung kapatid kong si Adrian baka may kung anong gawin na namang masama si Devon sa kanya kailangan ko siya matawagan ora mismo.

"Maari bang makahiram ng phone may tatawagan lang ako. Nalaglag ang phone ko kakatakbo."

"Walang problema, Valerie."

Agad na iniabot ni Doc Zachary ang phone niya. Kinuha ko iyon at tinawagan si Adrian ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"My god Adrian pick up this phone!" bulalas ko.

Tatlong beses kong tinawagan ngunit di sumasagot. Iniisip ko baka busy pa yun pero hindi eh dinukot siya ng mga tauhan ni Adrian at iniwan sa parking lot ng airport. Baka binalikan ulit ni Devon pero sana hindi dahil baka kung anong gawin ni Devon sa kapatid ko. Tinawagan ko din si Annika buti at sumagot ito.

"Annika...." saad ko.

"Valerie?"

"Ako nga ito. Nakikitawag lang ako maari bang puntahan mo si Adrian ngayon din."

"Bakit Annika?"

"Si Devon may ginawang masama."

"Ano?"

"Basta puntahan mo si Adrian pagkatapos ilayo mo siya sa condo unit niya. H'wag din sa inyo dahil baka maabutan pa kayo ng mga tauhan ni Devon."

"Naguguluhan ako Valerie. Ano ba talaga nangyari?"

"Saka ko na ikukuwento sa iyo Annika ang mahalaga makalayo kayo ni Adrian."

"Okay, Valerie."

"Tatawag na lang ako kapag ready na ako."

"Sige, Valerie."

Binaba ko na ang phone at binalik kay Doc Zach ang phone niya.

"Salamat Doc Zachary Sebastian."

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon