Chapter 9

446 6 0
                                    

Wala na akong ginawa kung di ang umiyak ng umiyak dito. Himdi naman talaga totoo na may lalaki ako. Mali ang mga sinasabi ng step mother ni Devon. Hindi ko alam kung bakit naniniwala doon si Devon.

Hindi na tama ito. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng umiyak at masaktan pa muli. Buo na ang loob ko na iwan si Devon at hindi na ako natatakot ngayon. Basta kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas sa impyernong ito. Kahit pa pigilan ako ni Devon wala na siyang magagawa. Eto na ang pinaka tamang desisyon na gagawin ko ang iwan si Devon at maging malaya na.

Bumukas ang pinto ng bodega. Ang nagbukas ang isa sa mga maid.

"Mam Valerie, binuksan ko na po ang pinto ng bodega. Naawa po ako sa inyo nakunan na kayo kinulong pa ng asawa ninyo," saad ng maid.

"Salamat. Tatanawin ko itong malaking utang na loob. Si Devon nasaan pala?"

"Bigla pong umalis si Sir Devon."

"You may go now. Huwag kang mag-alala di ka madadamay dito."

"Okay, po Mam Valerie."

Dumirecho na agad ako sa kwarto ko agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Annika.

"Napatawag ka?" bungad niya.

"A-Anika..... Can you book me a plane ticket?"

"Plane ticket para saan?"

"Aalis na ako dito. Iiwanan ko na si Devon."

"Aba! Magandang balita yan. Tama talaga na iwan mo na si Devon."

"Ikuha mo ako ng ticket. Patungo sa malayong probinsiya."

"Okay, kapag naka book na ako magkita na lang tayo sa airport."

"S-Sige maghahanda lang ako."

Buo na ang loob ko. Aalis na ako dito sa mansion. Lalayo na ako kay Devon. Agad kong kinuha ang isang bag at nilagay doon ang ilang damit ko. May nilagay din akong mga pera na magagamit ko pag nakaalis na ako dito.

Balak kong lumayo at magtago sa probinsiya na malayo at di makikita ni Devon. Sana magtagumpay ako sa plano kong ito.

Pagkakuha ko ng mga gamit ko. Siniguro ko muna na walang mga tao ngayon sa mansion. Napagalaman ko na ang mga maid nasa kabilang bahay. Eto na yung pagkakataon ko na tumakas. Luminga muna ako sa paligid siniguro kong wala talagang mga tao. Nang masiguro ko na walang tao tumakbo ako hanggang sa makalabas ako.

Hindi pwede na sa main gate ako dadaan lalo na at may CCTV doon. Sa likod ng mansion ako dadaan. Pagkadating ko sa likod inihagis ko na ang dala kong bag. Pagkatapos umakyat ako sa pader. Kahit mataas ang pader inakyat ko makatakas lang ako. Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. Nakaalis na ako sa mansion. Agad kong sinuot ang jacket at black cap para hindi ako makilala.

Agad akong sumakay ng taxi paalis ng mansion.

"Manong airport po pakibilisan ninyo po," saad ko sa driver.

"Okay, po mam." saad ng driver.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakaalis sa mansion. Ang iniisip ko na lang ngayon kung paano ako makakaalis ng Manila. Di gaanong traffic kaya nakarating na agad ako sa aiport pagka abot ng bayad bumaba na agad ako.

Agad kong pinuntahan si Annika sa departure area. Pagkadating ko naroon na siya naghihintay.

"Annika!" saad ko.

"Valerie. Akala ko hindi ka na makakarating eh. Ano sigurado ka na ba talaga sa plano mo na tumakas?"

"Yes, sigurado na ako. Gusto ko ng makalayo sa impyernong ito. Ano may nabook ka na ba na ticket?"

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon