Inihinto ko ang ginagawa ko ng biglang dumating ang stepmother ni Devon.
"M-Mom..." nauutal kong saad.
"Don't call me Mom. You're not my daughter!" galit nitong saad. "Just call me Doña Victorina," dagdag nito.
"D-Doña Victorina ano po ginagawa ninyo dito?"
"Wala lang. Gusto ko lang tignan kung ano pinagkakaabalahan mo."
Nilibot ni Doña Victorina ang tingin niya sa working area ko.
"What a trash," rinig kong bulong nito.
"I-Its not a tra---"
"Huwag mo ng ituloy! Alam mo Valerie imbes na inuubos mo ang oras mo sa mga walang kwentang bagay na ito bakit hindi mo pagtuunan ng pansin ang asawa mo!"
"Inaalagaan ko po naman si Devon."
"Really? Ilang taon na kayong kasal, pero hindi mo pa rin mabigyan ng anak. Anong klaseng asawa ka!"
"D-Doña..."
"Ano pa bang aasahan ko sa kagaya mo. I know pera lang naman ang rason kaya mo pinakasalan ang anak ng asawa ko."
"H-hindi po. Mahal ko po si Devon."
"Huwag mo akong gawing tanga. Pera lang ang nais mo kay Devon."
"H-hindi..."
"Isa ka lang hampaslupa!"
Akmang sasampalin na niya ako ng biglang dumating si Devon.
"Don't you dare lay hands on my wife's face!" galit na saad ni Devon.
"H'wag kang makialam dito!."
"She's my wife! Wala kayong karapatan na saktan siya."
"Go! Ipagtanggol mo pa yang hampaslupa mong asawa."
"Can you please get out? Hanggang nagtitimpi pa ako sa'yo!"
Hinawakan ko ang kamay ni Devon. "Devon, kumalma ka. Ayoko ng gulo ngayon."
"Sa tingin mo hahayaan ko na saktan ka ng matandang ito?"
"How dare you Devon say that? Nakalimutan mo yata na pinalaki kita simula noong iwan ka ng wala mong kwentang ina."
Biglang hinawakan ni Devon ang kamay ng stepmother niya. "H'wag mong idadamay dito si Mommy!"
"Totoo naman di ba? Walang kwenta ang mommy mo kaya ka nga iniwan di ba?"
"Tama na! Huwag mo nang idamay pa dito si Mommy!"
Galit na galit na si Devon ngayon parang bulkan na ito na sasabog dahil sa galit.
"Isa pang banggit ninyo kay Mommy di na ako magtitimpi na kalabanin kayo!" banta ni Devon sa Stepmother niya.
"You're mother is worthless. Iniwan kayo ng Daddy mo. Alam mo kung nasaan man ngayon ang Mommy mo sana nakakatulog pa siya or should I say sana buhay pa siya?"
"Tama na!" sigaw ni Devon sabay tulak sa Stepmother niya.
Napalakas ang tulak ni Devon sa stepmother niya halos masubsob ito sa sahig. Agad akong lumapit sa stepmother ni Devon para alalayan ito.
"D-Doña... Okay lang po ba kayo?" nagaalalang tanong ko.
Agad niya akong tinulak ng malakas.
"H'wag mo nga akong hawakan hampaslupa ka!" sigaw nito.
Sa lakas ng pagkakatulak ng stepmother ni Devon, napa upo ako sa sahig. Nakita ko na lang na may bahid ng dugo sa hita ko.
"D-Devon....." ani ko.
BINABASA MO ANG
Hiding From My Ruthless Billionaire Husband
RomanceMeet Valerie, who has beauty and wealth but not freedom from her abusive husband, Devon. Doc Zachary is a good and famous plastic surgeon in the country who still can't move on from his deceased wife, Agnes. Valerie and Doc Zach meet at an unexpect...