Chapter 14

433 7 0
                                    

"Doc Zach?"

"Bilis sumakay ka na maabutan tayo ng mga tauhan ng asawa mo."

Agad akong sumakay sa kotseng minamaneho ni Zach. Teka familiar itong kotse na ito ah? This car owned by my husband.

"Kay Devon ito Paano nakuha?" tanong ko kay Zach.

"Hindi ko alam na sa asawa mo pala ito. Nakita ko lang sa kalsada."

"Yung kotse mo nasaan? Paano kung makita iyon ni Devon tiyak aalamin niya kung sino ang may ari noon. Madadamay ka kapag nagkataon."

"Wala dito yung kotse ko. Pinarada ko sa malayo. Hindi nila makikita iyon. Ang importante ngayon makatakas na tayo sa asawa mo at mga tauhan niya."

"S-Salamat Zach. Niligtas mo ako."

"I can do anything for you, Valerie."

Napatingin ako sa side mirror ng kotse. May mga sasakyang sumusunod sa amin ni Zach.

Fucking shit... Mga tauhan yun ni Devon patay anong gagawin namin ngayon?

"Zach, sinusundan na nila tayo!" bulalas ko.

"Don't worry di nila tayo mahahabol. Basta kumapit ka lang."

"A-Anong gagawin mo?"

"Ako na bahala Valerie. Kumapit ka lang. Isuot mo ang seatbelt."

Agad kong sinunod ang utos ni Zach. Nagulat na lamang ako ng biglang bilisan ni Zach ang pagmamaneho niya ng kotse.

"Zach...."

"Kumapit ka lang diyan, Valerie."

Nakita ko sa side mirror na lumabas yung tauhan ni Devon sa bintana at nagpaputok ng baril. Tinamaan ang likod ng sasakyan.

"Oh my god!" sigaw ko.

Patuloy sa pagpapaputok ng baril ang tauhan ni Devon sa amin.

"Zach, ano ng gagawin natin?" natataranta kong tanong sa kanya.

"Huwag ka ng matakot. Ako na ang bahala."

Napansin ko ang isang baril sa drawer sa driver's seat. Kukunin ko iyon.

Nakita ni Zach ang baril agad niya itong kinuha sa kamay ko.

"Let me handle this!" aniya.

"A-Anong plano mo?"

"Just trust me, Valerie."

Binuksan ni Zach ang bintana ng kotse ni Devon. Kinasa niya ang baril at pinaputukan ang mga sumusunod sa amin. Gumanti naman sila ng putok.

"Zach, itigil mo na yan. Ayokong madamay ka dito."

"I will save you from your ruthless husband, Valerie!"

Isang malakas na putok ang umalingawngaw. Napasilip ako sa bintana ng kotse tinamaan ang gulong ng kotse namin. Nagpagewang gewang ang minamanehong kotse ni Zach.

"Mababangga tayo Zach!"

Nagpaikot-ikot ang kotseng minamaneho ni Zach hanggang sa tumilapon ito sa ere. Ilang saglit pa tumaob ang kotse pabaligtad sa kalsada. Nakita kong umuusok ang likod nito.

Si Zach nawalan ng malay agad ko siyang ginising.

"Zach, gumising ka. Umuusok ang kotse!"

"V-Valerie...."

"Umalis ka na dito sasabog na ito."

"No! Hindi kita hahayaan na mamatay dito."

"Please, umalis ka na paparating na ang mga tauhan ni Devon. Ayokong madamay ka dito!"

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon