I was browsing internet ng makita ko ang news isang article tinignan ko ito tungkol ito sa pamilya ni Devon. Patay na pala ang Mommy ni Devon at ayon pa sa news article binaril ito ni Doña Victorina ang step mom ni Devon and now Dona Victorina is now a fugitive.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon sa nabasa ko. Bigla akong naawa kay Devon ngayon grabe ang pinagdadaanan niya. Gusto ko siyang puntahan para damayan at makiramay na rin pero hindi pwede ayokong malaman niya na ako si Valerie ang nawawala niyang asawa. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa ng Mommy ni Devon at sana rin mahuli na rin si Dona Victorina. Mali kasi ang nagawa niya. Sana mahuli na siya at mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya kay Devon at siyempre sa mga nagawa niya sa akin. Dahil sa kanya nawala ang anak ko.
Ilang araw ko na rin pinagaaralan ang kilos at hitsura ni Agnes at mukhang magiging maayos naman.
Dumating sa kwarto si Zach may mga dala itong paper bags.
"Binili kita ng mga damit. Yan yung mga paborito ni Agnes." aniya.
"Salamat, Devon."
"Ikukuha rin kita ng stylish na magaayos sa'yo."
"Stylish? May lakad tayo ngayon?"
"May pupuntahan tayong party."
"Okay, sige."
Lumabas na si Zach at dumating na yung hair stylish na mag-aayos sa akin.
"Ako po yung mag-aayos sa inyo."
"Ah, okay."
Inayusan na ako ng hair stylish na hinired ni Zach para sa akin. Pinaiksi niya ang buhok ko gaya ng kay Agnes. Bukod sa pagaayos ng buhok siya na rin ang nagsilbing make up artist ko.
Makalipas ang mahigit dalawang oras natapos na rin niya ako ayusin. Napatingin ako sa malaking salamin hindi ako makapaniwala sa nakita ko ibang-iba na ang look ko ngayon. Tinignan ko ang larawan ni Agnes kuhang-kuha ko na ang look niya. Pagkatapos ayusan nagbihis na ako ng isusuot ko sa party. Red dress at red heels ang sinuot ko nagsuot din ako ng pearl necklace na pag-aari ni Agnes according to Zach.
"You look beautiful," saad ng hairstylist.
"Thank you."
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na naroon na si Zach na naghihintay. Nakasuot na ito ng black suit ang gwapo-gwapo ngayon ni Zach.
"Zach," sambit ko.
Napatulala si Zach ng makita niya ako ngayon.
"A-Agnes," aniya sa di makapaniwalang tono.
"Zach...."
"You look elegant. You look like exactly my late wife even the way you talk and move you like her."
"Pinag-aralan ko talaga yan Zach."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa isang party sa isang hotel."
"Okay."
Dumirecho na kami ni Zach patungo sa isang hotel.
"Anong party ba itong pupuntahan natin."
"Wedding anniversary ng isa sa mga most trusted clients ko. We will be here as a husband and wife."
"H-husband and wife?" curious kong tanong sa kanya.
"Like I said we will be here as husband and Wife."
"Are you sure? Di ba nila alam ang tungkol sa nangyari sa asawa mo?"
BINABASA MO ANG
Hiding From My Ruthless Billionaire Husband
عاطفيةMeet Valerie, who has beauty and wealth but not freedom from her abusive husband, Devon. Doc Zachary is a good and famous plastic surgeon in the country who still can't move on from his deceased wife, Agnes. Valerie and Doc Zach meet at an unexpect...