Archie Domingo POV
Inayos ko ang Suot kong Jacket bago hilahin ang Maleta ko palabas, Kasunod ko si Kuya Warren at si Mama palabas pero nag uusap pa sila tungkol sa mga Bagahe namin.
Paglabas ko ng Terminal 3 ay napansin ko agad ang mga tropa kong naghihintay sa pagbalik namin.
" Archie!!! " Sigaw ni Allison habang hawak ang manila paper na may Mukha kong naka wacky, Si Marlon naman ay may Dalang Isang boteng Red horse at may baso, Pinuno nya ito, Si Kuya Reggie naman ay nag vivideo dito, Si Lucas ayun Poker face lang pero ang totoo, Ganyan na yung mukha nya kapag masaya sya.
" Tang ina mo, Domingo!! " Sigaw ni Allison kaya nagtinginan ang mga tao sa kanya at dahil bobo sya nagtago sya sa likod ni Lucas.
" Shot puno muna " Sabi ni Marlon at inabot sa akin ang baso na pinuno nya ng Red Horse, Putek! Kakauwi lang ng pinas shot puno agad, Hindi ko pa din ito tinanggihan kaya nilagok ko ito ng ilang beses at Ibinalik kay Marlon ang Baso.
" Welcome back, Pare " Bati nilang Tatlo sa akin.
" Salamat " Sabi ko dito at isa isa silang tinignan pero yun taong syang inaasahan kong makikita ko sa pagbalik ko ay wala dito, Nakaramdam ako ng lungkot, Ibig sabihin lang nito ay may Training sila ng Swimming ngayon sa national Team ng pilipinas.
" Susunod yun " Sabi ni Allison habang tinatapik ako sa likod, Tumango ako at ngumiti.
" Wuuuhh!! Welcome back Kuya Warren " Biglang sigaw ni Allison at nagtago na naman sa likod ni Lucas.
" Shot puno muna " Marlon at pinuno ang baso para kay Kuya Warren.
" Wow, Red Horse!! " Natutuwang sabi ni Kuya Warren at agad ininom ang Bigay sa kanya.
*Boogshh*
Halos Maramdaman ko na din ang paghampas ni mama sa Braso ni Kuya Warren ng lumagutok ito, Pre!! Solid!! Parang hindi ka na bubuhayin sa lakas at dahil hindi pa tuluyang nalulunok ni kuya Warren ang nasa bibig nya ay nanlaki ang mata nya tsaka tinuro ang Bibig nya na may tumutulong alak.
" Puro inom na naman ang nasa isip nyong mga bata kayo, Ahh " Sermon sa amin ni Mama, Napansin namin na nagbigay si Lucas ng panyo kay kuya warren, Ang sweet naman!
Agad tiniklop ni Allison ang Manila Paper na may mukha ko at umastang parang anghel pero ang totoo marami pang kalokohan ang nasa isip nya.
" Tita, Ito pasimuno nyan " Tinuro ni Allison si Marlon at agad pinalo sa ulo, Agad namang hinawakan ni kuya Reggie ang ulo ni Marlon para protektahan, Ayy!! Sino kayo dyan, Pre???
" Anong ako? Yung Facebook may kasalanan, Napanood ko lang sa FB yun, Tita " Marlon.
" Ayan, Puro kayo Cellphone ng Cellphone Ayaw nyong mag tino lalo na at ngayong Mga College student na kayo, Kailangan nyong mag tinong magbabarkada, Para din sa kinabukasan nyo iyang sinasabi ko " Sermon pa ni Mama, Napatingin naman ako sa Paligid dahil seryoso ba si Mama na dito nya kami pagagalitan mag totropa sa Airport? Baka bukas viral na kami hahahaha.
Kasama naming umuwi ng Bahay ang mga Tropa ko at dahil hindi namin pwedeng isama si Bodhie sa Taiwan ay pinaalaga muna namin ito kina kuya Reggie, kesa naman iwan namin ito dito mag isa Edi! Pag uwi namin baka nategi na yun dahil walang pagkain at walang mag aalaga.
" Magluluto muna ako " Sabi ni Mama habang naghuhubad ng jacket nya.
" Tita, Okay na po nakaorder na ako ng foods, Parating na po iyon " Biglang sabi ni Kuya Reggie para pigilan sa pagluluto si Mama.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...