Chapter 7

13 1 0
                                    

Archie Domingo POV

Nagising ako sa Biglang pagtama ng matigas na bagay sa mukha ko at ang pagkalat ng masangsang na amoy sa ilong ko, Kinusot ko ang ilong ko baka mawala pero hindi pa din talaga kaya nagmulat ako ng mata kahit ayaw ko pa, Bumungad sa mata ko ang Paa ng kung sino at halos maduling na ako ng biglang lumapit ito at hindi ko napansin na nasa dulo na ako ng kama kaya nahulog ako sa sahig.

Potek!!! Agad akong tumayo habang hinihimas ang pwet kong tumama sa sahig, Nakita ko si Allison na humihilik pa din, Kinuha ko ang unan para ihampas ito sa kanya ng malakas, Napabalikwas sya sa gulat kaya binato ko na ang unan sa kanya.

" Gago ka, Pre!! Ang sakit ng likod ko " Reklamo ko dito at nilayo ang paa nya para makaupo ako sa dulo ng kama, Umupo naman ito tsaka nagkamot sa ulo, Parehas kaming walang damit pang itaas.

" Sayo likod lang ang masakit, Sakin ulo! Putek " Allison sabay bato pabalik ng unan sa akin , Sabay kaming lumingon ni Allison ng bumukas ang pinto at nakita namin ang Kadorm ni Allison na si Jeric, Kagabi ko lang ito nakilala.

" Gising na pala kayo? " Bungad nito sa amin, Napatingin ako sa Kapeng hawak nito.

" Sakit ng Ulo ko, Brad May Malamig na tubig ba tayo dyan? " Allison.

" Meron sa kusina, Hinanda ko talaga para sa inyo, Budots pa " Sabi nito.

" Budots? " Tanong ko dito.

" Pagdating namin dito ng Girlfriend ko nasayaw kayo ng Budots " Sabi ni Jeric paglabas namin.

" Ehh, Nag sayaw kami ng Budots? " Tanong ni Allison.

" Ayaw nyo maniwala? May Ebidensya ako " Jeric, sabay labas ng Cellphone, Seryoso syang nagtitipa sa cellphone at maya maya ay hinarap na nya ito sa aming dalawa ni Allison na Halos masuka.

Nanlaki ang mata namin ni Allison habang pinanood ang mga sarili naming magtawanan habang nagsasayaw, Sunod ay pinakita ni Jeric ang Girlfriend nya na parang hindi na kaya mapanood pa ang mga ginagawa namin.

" Gagi, Nakakahiya sa girlfriend mo, pre Andyan pa ba sya? " Sabi ko dito habang nakayakap sa sarili ko at tila kinikilabutan na makita ang live reaction nya habang nagsasayaw kami.

" Hahaha, Ngayon pa kayo nahiya talaga " Jeric, Sabay tingin sa Kwarto nya.

" Wala na sya, Umuwi din siya kagabi Bawal kasi dito magtagal ang babaeng bisita " Jeric at pinagsandukan kami nito ng pagkain na kanyang niluto para sa umagahan.

" Bawal? " Tanong ko dito.

" Oo, Bawal! Kahit pa mukhang hindi ganun kahalata ay bawal talaga magtagal ang babaeng bisita, Alam mo na baka mabuo si Junjun " Allison, Agad ko siyang siniko habang kumakain ng Tinapay.

Katulad nga ng sinabi ni kuya Warren ay nanghiram muna ako kay Allison ng Damit, Yung pantalon ko ay yung suot ko kahapon, Mabuti nalang at may naliligaw na Underwear sa bag ko minsan, Kaya iyon ang sinuot ko.

Sabay kaming tatlo sumakay ng Bus patungo sa university, Bago ako makapagtap ng ID ko sa ID Scanner ay nakareceive ako ng Gcash mula kay Mama, 200 pesos.

Mama ko:
Archie, Baon mo ngayon umuwi ka kaagad ah, Love ka ni Mama.

Napangiti ako at nagpatuloy na sa pagpasok dahil inaantay na pala ako ng magkasama sa Dorm, nagsend ako kay Mama ng Thank you, Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may humarang na isang pares ng paa sa harap ko, Pag angat ko ng tingin dito ay si Asher pala.

As usual, nakacroptop ulit sya at nagmumukha na talaga syang babae kahit walang make up, Ngumiti ito sa akin tsaka nag abot ng papel, Binabaan ko ito ng tingin para basahin.

Yani swimmer 2: College Love (On going)Where stories live. Discover now