Chapter 9

13 0 0
                                    

Archie Domingo POV

Napangiti ako ng manalo si Jonathan, Yes!!! Tatawagan ko na sana sya kaya lang naalala kong kakaubos lang ng load ko kanina, Magpapaload nalang ako sa labas, Pumasok ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko sa bag, pero imbis na cellphone ang makapa ko ay ticket ang nakuha ko, Binasa ko ito.

" Hayst!! " Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras, Alas tres na ng Hapon?? Tapos na kaya yung play nila?

Lumabas ako ng kwarto at nang Hindi naman sila nakatingin ay lumabas na ako ng dorm, Para magpaload, Tatawagan ko mamaya si Jonathan, Pero imbis na tumawid ay napasakay ako ng jeep patungong school, Halos makisiksik na din ako sa mga taong galing sa simbahan dahil sa palaspas na mga bitbit nila, Yung isa inupo pa sa upuan yung palaspas nya, Tao lang? Paano naman yung pasahero na sumakay at nagbayad ng tama tapos pauupuin lang nya yung palaspas nya?!

" Para po " Para ko sa jeep ng marating na namin ang school, Pinakita ko ang school ID ko kaya pinapasok naman agad ako ng guard, Sa Theater ay madami ng mga nagsisilabasan na mga nanood ng play, Late na nga ako!!

" Ahh, Ex-Excuse me, Miss, Miss " Habol ko sa babae na tawa ng tawa kausap ang boyfriend nya.

" Po? " Tanong nito.

" Ahh, Tapos na ba yung play? " Tanong ko dito, Lumingon sya sa theater kaya ganun din ako.

" Oo, Kakatapos lang nakakaiyak nga eh " Sabi nito, Pagkasabi nya nuon ay nadismaya ako, Sayang hindi ko napanood, Nang maubos na ang mga taong lumabas galing sa loob ay tsaka lang ako pumasok at may iilan pang mga tao na nag aayos ng stage yung ibang naglilinis na.

Sa kabilang banda ng theater ay may isang taong nakaupo paharap sa stage kaya dahan dahan akong lumapit dito, Nang masigurado kong si Asher nga ang nakaupo ay napangiti ako, Tinabihan ko siya sa upuan na katabi nya at sumandal na para bang may pinapanood akong umaarte sa stage.

" Ang Galing " Kumento ko, Bigla namang nagising si Asher na galing sa pagkakatulog tsaka ako nilingon, Nagkusot muna ito ng mata bago nya ako nakilala.

" Archie? " Nagtataka nitong tawag sa akin.

" Ako nga " Sabi ko dito, Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin na mapangiti ng unti unting sumilay ang sigla sa kanya.

" Ikaw nga " Sabi nito tsaka umayos ng upo.

" Oo nga, Ako nga Pasensya na hindi ako nakanuod, pagdating ko dito naglalabasan na yung mga tao, Nagtanong pa ako sa babae kung tapos na, Ang sabi pa nya ay nakakaiyak daw " Sabi ko dito, Tumawa sya.

" It's okay, Tulad nga ng pangako ko kapag hindi ka nakapunta ivivideo ko " Asher, Tsaka excited na nilabas ang cellphone nya, Sa sobrang chismoso ko ay nakita ko ang wallpaper nya na dalawang lalaki na nakatalikod tas yung isa nakaakbay sa isa.

" Wait, Wait! Sino itong nasa wallpaper mo? " Kuryoso kong tanong dito dahil feeling ko pamilyar yung likod ng lalaki.

" Ito? Ahh, Ex-Friend ko unfortunately some unexpected event happened kaya nagkalayo kami " Sabi nito, Tumango ako.

" Nasaan na sya ngayon? " kuryoso kong tanong dito.

" Uhm, I'm not sure pero bali-balita na nasa Ibang bansa sya ngayon " Asher.

" Ahhh, Pero sure ka Friend lang kayo? " Nangungutya kong tanong dito, Ngumiti siya.

" Actually umamin sya sa akin na gusto nya ako, but I refused him after denying him I suddenly felt guilty and something inside me wants to tell him that I like him too " Asher, Medyo nagulat ako.

Yani swimmer 2: College Love (On going)Where stories live. Discover now