Chapter 17

6 0 0
                                    

Anthony 'Tonton' Romualdez POV

Nang makarating kami sa bahay nila Warren ay kinuha ko agad ang Regalo na dala ni Reggie, Syempre kunwari sa akin galing, Madami naman dala yung isang ito Hahaha!!

" Wala kang dala? " Tanong ni Reggie.

" Wala, Nakalimutan kong bumili, may pinuntahan kasi kami kanina, Babawi nalang ako " Sabi ko kay Reggie, Natawa syang umiiling tapos bumaba, Problema nun?

" Lagot ka kay Warren " Pananakot nito sa akin.

" Babawi nga ako " Sabi ko dito at papasok na sana sa Gate nila Warren ng biglang may umakbay sa akin paglingon ko si Warren pala.

" Uyyy, Sa wakas nandito na din kayo " Warren.

" Saan ka galing? " Tanong ko dito, Inangat nito ang plastic na dala.

" Bumili lang at nagsundo " Warren, Sunod ay narinig namin ang pagbaba ni Lucas sa Kotse ni Warren, Naks!! Lumalove life ang Renren na yan.

" Hi po " Bati ni Lucas sa amin ni Reggie.

" Hi " Bati ko dito, Ganun din si Reggie, Nauna ng pumasok si Warren kaya sumunod na kami dito.

" Tonton!! Ayyy, Naku!!! " Nagulat ako ng takbuhin ni Tita Arlyn ang kinaroroonan nya patungo sa akin.

" Ma, Dahan dahan naman " Warren.

" Tita, Alam kong namiss mo ako pero dahan dahan lang baka hindi makakapit si Baby " Paalala ko dito at yumakap sa kanya, Feeling ko din talaga ako ang bunso ng pamilyang Domingo, Grabe din kasi mag welcone si Tita Arlyn.

" Hay, Naku!! Madami kang ikukwento sa akin ha " Tita Arlyn.

" Opo " Sagot ko dito at Nag angat ng tingin sa loob ng bahay dahil napansin ko na may ibang tao na naduon, Isa na dun si Allyson, Katabi si Jonathan na nakangiti din.

Mas mukhang disente ngayong tignan si Allyson, Ayos na ayos at tila pupunta sa babaeng liligawan nya, He still have those mesmerizing eyes na kahit titigan mo ng matagal ay hindi mo pagsasawaan, His lips are always swoollen na akala mo ay nakipaglaplapan ng magdamag kagabi, Siguro nga nakipaglaplapan siya kagabi sa kasama nya?

" Nakuu! Nag abala ka pa, Tonton " Tita Arlyn, Ngumiti ako at napalingon sa paglabas ni Bunso, Hinawakan agad ni Warren sa braso ang kapatid nya.

" Pumasok na tayo " Tita Arlyn, Tumango ako at sumunod na sa kanya, Hindi sadyang narinig ko ang pag uusap ng nagkapatid.

" Bakit nandito yang si Allyson? " Tanong ni Warren.

" Kaibigan ko sya, kuya " Archie.

" Alam ko, Pero hindi ko naman sinabing imbitahan mo yan " Warren.

" Tsk, Ayusin mo yang kaibigan mo, 'wag mong pag gagawin ng kalokohan, Kundi ikaw ang malalagot sa akin " Warren, Napalingon ako sa magkapatid kaya napalingon din sila sa akin, Para ngitian ako, Nag angat ako ng tingin kay Allyson na parang ako lang ang gusto nitong makita, Pero hindi ko na siya pinansin.

" Wow, Tita Ang daming pagkain " Kumento ko ng makita ang Handa nila sa lamesa.

" Syempre, Ngayon nalang ulit tayo nagkasama sama dito sa bahay at thankful ako dahil isa sa rason yung Bagong Baby ng Domingo Family " Tita Arlyn, Ngumiti ako at agad hinaplos ang Tyan ni Tita Arlyn, Hindi pa naman ganun kalaki ang tyan nya, Pero dahil Masyadong OA yung mga anak nya ay malalaman agad na buntis ang Mama nila dahil sobra yung proteksyon nila, Lalo na si Warren.

Yani swimmer 2: College Love (On going)Where stories live. Discover now