Archie Domingo POV
Naiwan kaming dalawa ni Jonathan sa Bahay kasama si Bodhi, sumandal ako sa Sofa at napalingon kay Jonathan na hindi na din mapakali.
" So???? " Simula ko, Inangat ko ang kamay ko para hilutin ang balikat nya at dahan dahan itong inamoy, Nagkatinginan pa kami ng gawin ko iyon.
" I miss you " Bulong nito at hinawakan ang Baba ko para bigyan ng halik, Pero hindi pa tuluyang naglalapat ang mga labi namin ay Nagring agad ang Cellphone ko kaya dalawa kaming napatingin duon ni Jonathan at nagflash ang Pangalan ni kuya at mukha nyang nakanganga matulog.
Sinagot ko agad ito baka may nakalimutan at ipapaabot nalang sa akin.
" Hello? " Ako.
" Hoy, Archie Gago ka 'wag kayong gagawa ng kalokohan magkaibigan ha " Kuya Warren, Napaismid ako sa sinabi nito.
" Muntik na " Sabi ko.
" Lagot ka sakin mamaya " Pagbabanta ni Kuya Warren kaya napairap ako at nakita iyon ni Jonathan kaya sumenyas sya ng pagtatanong kung sino ang nasa kabilang linya.
I whispered my Brother's name, Kuya Warren tumango siya at tumahimik nalang sa isang tabi.
" NapakaOA mo talagang mag alala, Sige na! Abala ka pa eh " Inis kong sagot kay Kuya.
" Aba't ako pa talaga ang tinawag mong abala?? Humanda ka sakin pag uwi ko tignan natin sinong abala " Kuya Warren, Wuuuhhh! Takot ako, Men.
Tumayo ako para lumapit sa lamesa namin tsaka ko Binabaan nalang sya ng tawag para manahimik na sya at ginamit ko ang hinliliit kong daliri para kalikutin ang loob ng tenga ko tsaka ako humarap sa nakaupo na si Jonathan, Ang Gwapo talaga.
" Anong gusto mong inumin? " Tanong ko kay Jonathan ng mabuksan ko ang Ref, May Malamig kaming tubig, Juice at Fresh milk, Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang nakatingin sa akin.
" Ikaw " Sagot nito, Napaangat ang gilid ng labi ko at kinuha ang Malamig na tubig, Kumuha ako ng baso para sa aming dalawa, Matapos ko iyong gawin ay ibinalik ko na ang pitsel ng tubig sa Ref, Itinukod ko ang palad ko sa lamesa at tumingin kay Jonathan na pinapanood ang mga galaw ko.
Jonathan nyo Nag SeSexy Side Eye.
" Anong gusto mong kainin? " Tanong ko dito.
" Ikaw " Sagot nito, Napailing na naman ako at hindi na matanggal ang ngiti ko kaya napakagat ako sa labi, Makulit ka ah.
" Anong gusto mong papakin? " Tanong ko, Tumayo sya mula sa pagkakaupo at naglakad.
" Ikaw " Sagot nito.
" Anong gusto mong Tikman? " Tanong ko pa.
" Ikaw " Sagot nito, Napatingin ako ng ipatong nya ang kamay sa lamesa at palakarin ang daliri nya palapit sa akin.
" Sinong mahal mo? " Ako.
" Ikaw " Sagot nito.
" Sinong gusto mo? " Tanong ko pa, Tuluyan na syang nakalapit sa akin at idinikit ang likod ko sa lamesa.
" Ikaw " Sagot nito.
" Lahat gusto kong gawin sayo " Sabi nito at hahalikan na nya sana ako kaya lang mabilis kong idinikit ang daliri ko sa pagitan ng labi namin kaya napakunot sya ng noo.
" May CCTV " Sabi ko dito at itinuro ang nasa taas.
" Turn it off " Sabi nito.
" Si kuya Warren lang may alam nyan " Sabi ko dito at tuluyan na syang lumayo sa akin, Napalingon sya sa CCTV at natawa ako ng pakyuhan nya ito at kumuha ng basahan para takluban ang Nakatutok sa aming CCTV.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...