Chapter 6

15 2 0
                                    

Archie Domingo POV

Sa labas ng University ay may mga nakahilerang nagtitinda ng street food kaya takam na takam na naman kami, una kong kinuha ay Kwek kwek, Sunod ay Kalamares, Habang si Marlon naman ay uhaw na uhaw sa palamig, Si Allison ay Maglalagay ng fishball sa plastik cup nya tapos mag susubo din ng isa, Imbis na sampung piso lang ang bilhin nya naging trenta pa.

Si Lucas naman ay kumain ng Banana cue, Chicken skin, Kalamares at Kwek kwek, Kaya pala nagsungit kanina Gutom na pala si Doc, Hahaha.

Dahil mabait akong kaibigan, Ako na manlilibre sa kanila kaya nang magpresinta akong manlilibre ay dinamihan pa nila ang kain, Hahaha Mga adik talaga sa libre.

Napalingon ako kay Lucas ng tumutuhog pa ito ng kwek kwek at saktong napahinto ng malingunan akong nakatingin sa kanya.

" Ahh, Kuya Last na ito " Sabi nito sabay alis sa tabi ko para kumuha ng sawsawan, Hahaha Nahiya pa eh.

" Kuya, Uubusin na namin tinda mo ayos lang ba sayo? " Marlon.

" Aba'y Ayos na ayos, Hahaha Meron pa ako dito tatlong balde " Kuya Mag fifishball.

" Ahh, Kuya Ito na yung uubos nyan " Turo ni Allison kay Marlon na Nakain pa ng Kalamares.

" Gago, Gusto mo ba akong pagalitan ni Kuya Reggie " Marlon, Nagkatinginan kami ni Allison at mukhang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin.

" Uyyy!! Kuya Reggie? " Sabay naming sabi ni Allison tsaka tumawa din ng sabay.

" Kailan ka pa nagkaron ng kuya, Hahahaha! " Sabi ko dito.

" Baka kuya with benefits, Bwahahahaha " Allison.

" Uhmmm! Paano mo nalaman! " Marlon, Napatigil kami sa pang aasar dahil di namin inexpect yun, Totoo ba?? Sila?? Anong nang yayari sa Tropang ito??

" Joke lang, hahahahaha!! Ang Priceless ng mukha nyo mga ugok!! " Sabi ni Marlon sabay sya naman ngayon ang tawang tawa sa akin, Humarap sya kay Kuyang nagtitinda ay tutuhog pa sana ng Kwek kwek kaya agad ko syang sinakal ng mahina.

" Gagi ka, Lakas talaga ng amats mo Marlon " Sabi ko dito habang nakuha na din ng Para sa akin.

" Kuya, Naalala mo pa ba mga kinuha namin? " Allison.

" Ha?? Ahh, Ano nga iyon? " Tanong ni Kuya mag fifishball.

" Hahaha, Ito nalang kuya oh di na din namin maalala " Sabi ko sabay labas ng isang libo, Agad pumalakpak si Marlon.

" Wow, Yaman talaga Archie " Kumento nito sa akin, Inambahan ko sya ng suntok kaya nagtago sya kay Allison.

" Mabuti nga si Archie mayaman nanlilibre, Eh Ikaw Marlon, Saan mo ba itatago kayamanan mo? Manlibre ka naman " Allison, Tinulak sya ni Marlon sa likod kaya natawa ako.

" Gago ka, Parang sinasabi mong kuripot ako " Marlon.

" Talaga, Marlon Kuripot ka, Ngayon ka pa ba magrereklamo " Allison.

" Matagal na naming alam na may Balat ka ng kalabaw dyan sa katawan, Bwhahahaha " Dugtong ko naman dito.

" Nanyo talaga, Wala na talaga akong kakampi sa tropang ito, Mag eevacuate na ako " Marlon, Kaya tumawa na naman kami ni Allison.

" Parang may sinabi si Tita shellyn na Ililibre tayo ni Marlon sa Baguio " Biglang sabat ni Lucas.

" Hala, Baguio ko buhay mo " Marlon.

" Uyy, Baguio, Lakas mo naman Marlon!! Mahal na mahal mo talaga kami " Allison, sabay akbay Kay Marlon paalis.

" Sukli nyo " Napalingon ako sa nagtitinda ng fishball at agad inilingan ang Sukli na inaabot nya.

Yani swimmer 2: College Love (On going)Where stories live. Discover now