Archie Domingo POV
Umunat ako nang magising ako at napangiti ng may madali yung braso ko na ulo ng isang tao, Minulat ko ang isang mata ko at nakita ko itong nakatitig sa akin habang tulog, Naghilamos ako gamit ang kamay ko at agad pinunas sa kanya.
" 'wag mo akong titigan ng ganyan " Sabi ko dito at gumaya sa kanya, tinukod ko yung siko ko sa kamay habang nakatagilid, Hinaplos ko yung gilid ng noo nya pababa sa Gilid ng pisngi nya, Mas humanga ako ng pumikit sya.
" Good Morning " Bati ko dito, Nagmulat sya at ngumiti din.
" Good Morning " Bati din nito sa akin, Nang magkatitigan kami ay hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan sya ng malalim, Bumagsak sya sa kama kaya pumaibabaw ako sa kanya, Pinagpatong ko ang dalawang kamay nya sa ibabaw ng ulo nya tsaka ito hinawakan ng mahigpit.
" I love you " Malambing kong sabi dito.
" I love you too " Jonathan, Parehas kaming ngumisi at tinatayuan na ako ng balahibo ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto ko.
*Tok.Tok.Tok*
" Ako'y kumakatok, Ha!Ha!Ha! Ako'y natatawa, L.O.V.E Lalalala sobrang Gwapo Hahaha!! Hoy, Gising na " Kanta ni Kuya Warren sa labas ng kwarto ko kaya naudlot yung intimate kiss namin sana ni Jonathan.
" Badtrip talaga si Kuya " Inis kong sabi dito.
" Oo, Gising na!! " Pasigaw kong sagot kay kuya Warren.
" Gising na gising " Sabi ni Jonathan at hinawakan ako sa leeg para ihiga sa kama, Hinalikan nya ako ng malalim kaya napapikit ako, I was about to kiss him back nang bumaba ang halik nya sa leeg ko ay sinipsip ako dito, Pababa ng pababa ang labi nya hanggang sa hawakan nya ang boxer ko at hilahin iyon tapos binitawan.
" Puta!! " Sigaw ko ng maramdaman ko yung hapdi ng Garter na lumapat sa tiyan ko, Gagi!! Ang Sakit.
" Ahhh, Bakit mo ginawa yun?? " Inis kong sabi sa Boyfriend ko na ngayon ay tumatawa tawa na habang nagsusuot ng Damit nya.
" Gumising na " Jonathan, Inis akong umupo sa kama at pinanood syang mag damit.
" 'Wag na lang tayo pumasok " Sabi ko dito at tinry syang hawakan sa kamay, umiwas ito sa hawak ko tsaka ipinakita ang kamao sa akin.
" Ito gusto mo? " Banta nito sa akin, Ngumisi ako.
" Pwede din " Ako, Sabay kaming tumawa dahil sa naisip ko.
" Baliw " Jonathan, Agad itong lumabas ng kwarto ko.
" Sumunod ka na, ah " Paalala nito at agad sinarado ang pinto paglabas nya.
Nang maiwan ako mag isa ay napangiti ako tsaka nagkamot sa ulo, Kinuha ko ang Cellphone ko para makita ang Oras ngayon, Masyado pang maaga, Nagsuot na din ako ng sando para makababa na din sa hapagkainan.
" Ang Bango ahh " Bungad ko kay kuya na nagsasangag ng kanin.
" Syempre, Ako nagluto kapag ikaw kasi nagluto baka sunugin mo pa yung bahay " Kuya Warren, Kumuha ako ng kutsara at umamba na ibabato ito sa kanya.
Sabay kaming pumasok ni Jonathan sa university, nag away pa kami kung sino ang unang ihahatid pero sa huli siya ang una kong naihatid sa department nila, Sabi ko text text nalang kami, Bago ako pumunta sa Department namin ay dumaan muna ako sa Swimming pool, Kaso may ilan ilan na estudyante ang naglilinis duon kaya mamaya pa siguro ang Practice namin.
" Archie! " Napahinto ako sa pag alis sana ng may biglang tumawag sa akin.
" Oy, Kirk!! " Nakangiti kong bungad din dito.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...