Archie Domingo POV
Kinabukasan ng Breaktime namin ay nagpaalam ako kay Marlon at Allison na Mag ccr lang, Pero ang totoo sisilip lang ako sa Swimming pool kung may tao duon at kung sakaling mayroon ay magtatanong ako sa try out nito.
Humakbang ako paakyat ng dahan dahan, May natanaw akong lalaking nangongolekta ng mga dumi mula sa Swimming pool.
" Who are you? " Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang magsalita mula sa likod ko at paglingon ko ay nanlaki ang mata ko sa gulat.
" Kirk? "
" Archie?? " Gulat din nitong tanong sa akin.
" Archie, Anong ginagawa mo dito? " Tanong nito at sumilip din sa swimming pool.
" Ha?? Ahhh!! May tinitignan lang " Sagot ko dito at ngumiti.
" Ikaw? Anong ginagawa mo dito?? Akala namin sa La Salle ka mag scholarship? " Tanong ko dito, Dahil malaki ang offer sa kanya ng De La Salle University- Cavite Campus.
" Ahh, Hindi ako pumasa " Sabi nito, Nawala ang ngiti ko, Hindi sya natanggap? Kahit na napakatataas naman ng mga Grades nya sa Lahat ng sem namin?? Paano pa kaya ako kung nagTry din ako ng Scholar dun?? olats na talaga.
" Hindi ka pumasa?? Sorry, Pre " Sabi ko dito at nalungkot din sa nalaman mula sa kanya, Si Kirk ang Captain namin sa Swimming, Madami din talaga ako natutunan sa kanya.
" Ano ka ba? Ayos lang, Infact maganda din naman ang offer sa akin dito at Nandito din kayo " Sabi nito, Bumalik ang ngiti dahil sa samahan namin nung grade 12 ay naging close din kami.
" Oo nga, Anong kinukuha mong course? " Tanong ko dito.
" Uhm, HRM " Sagot nito.
" Ako, Business Katulad ng course ni Allison at Marlon " Sabi ko dito, Tumawa sya at sinundan ko sya ng umakyat sya ng tuluyan.
" Business? Tropa goals pa din ba kayo? Kung ano ang kuning course nung isa kukunin din nung isa? " Tanong nito, Agad akong umiling.
" Hindi, Pare-parehas kasi kaming may Family business diba " Sabi ko dito, Napatango sya.
" Uhmm, Kayo ang mga magtutuloy? " Tanong nito, Tumango ako at itinuro sya.
" Tama " Sagot ko, Umupo sya sa Bench para din makasandal.
" Upo ka " Alok nito sa akin, umiling ako at napatingin sa oras ng relo kong bigay sa akin ni Jonathan, Couple Watch kung tawagin, Uyy! Kinilig.
" Hindi na, Babalik na din ako " Sabi ko dito.
" Hindi ka ba sasali sa Swimming club? " Tanong nito ng seryoso.
" Ahh, Ewan ko " Sagot ko dito.
" Bakit? Dahil ba wala na si Jonathan? " Tanong nito, Nanlaki ang mata ko, May Alam ba sya sa amin??
" Haha, Base sa nakikita kong reaksyon mo ay tama ako? " Kirk.
" Gusto ko ding sumali, Kelan ba ang try out? " Tanong ko dito.
" Anytime naman, Pero friday ang evaluations, Katulad lang din nung senior high tayo, Pero hindi porket kakilala kita ay may special treatment ako sayo, We need to be fair to everyone ,Try out, Evaluation then salang na sa training, Kaya Ba Domingo?? " Kirk, Determinado akong tumango sa kanya, Tumayo naman sya at ngumiti napatingin ako sa kamay nyang inabot sa akin, Kaya nakipagkamay ako.
" Sasabihin ko na sayo, Domingo Hindi biro ang Training ng college, Hindi na tayo senior high, Kaya kung hindi ka papasa sa Evaluation, See you nalang next year " Sabi nito, Ngumisi ako.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...