Archie Domingo POV
Pagpasok ko sa Dorm ay naabutan kong may natutulog, May Nagbabaraha, May naglalambingan agad bumungad si Jeric sa harap ko na may dalang plato at tsaka ko lang napansin yung babae na kasama nila dito.
" Uy, Nagbabalik!! " Marlon, Tsaka nagbaba ito ng Baraha, Sa likod naman nya ay si Kuya Reggie na nakikichismis, Mukhang nag Totong its sila.
" Saan ka galing, Pre? Tumawag si Jonathan samin tapos bigla kang nawala " Tanong ni Allison.
" Naghanap ng Loading station, Hindi mo kasi kinokonek sa wifi " Sabat ni Lucas, Tsaka nilapag ang Supot ng 7/11 sa lamesa.
" Bakit ko ikokonek yan? Baka mamaya pag magkatabi kaming natutulog nalindol sa kama ko, Yun pala nanonood na ng Bold " Allison, Bigla naman nagtawanan ang mga kasama namin lalo na si Marlon na mukhang panalo.
" Gagu!! " Mura ko dito at kinuha ang Islander na tsinelas ni Kuya Reggie, Hinigit ko pa ito galing sa paa ni kuya tsaka ito inamba kay Allison.
" Ay, Gagu!! 'wag mong ibato yan mas mahal pa sa buhay mo yan, Pre " Marlon.
" Na nyo " Mura ko pa ulit sa mga ito tsaka pumasok sa kwarto ni Allison, Umupo ako sa kama tsaka nilabas ang Cellphone ko, Binuksan ko ang wifi at unang lumabas na wifi ay 'Singkwenta muna Bago connect' Talaga nga namang pinagkakitaan na ng Gagung yun yung wifi nila, Nilapag ko nalang ang cellphone ko sa kama, Saktong bumukas ang pinto tsaka pumasok si Kuya Warren na Umupo din ito sa kama kagaya ko.
" Ano? Uuwi ka na ba mamaya? Isasabay na kita sa amin ni Lucas " Kuya Warren.
" Yoko, baka maabala ko pa kayo sa Bebe time nyo " Sabi ko dito at itinukod ang dalawa kamay ko sa kama.
" Gago, Ano nga?? " Kuya Warren, Ngumisi ako.
" Sige, Para makatipid din sa pamasahe " Sabi ko dito, Inismiran nya ako tsaka inirapan.
" Kamusta mukha mo? Hindi ba nila dinagdagan yung bugbog sayo? " Kuya Warren.
" Naks, Ang Sarap mo naman maging kuya " Sarkastiko kong sabi dito.
" Syempre, Baka Warren Domingo ito " Sabi nito.
" Sus!!! " Irap ko dito, Yabang talaga!! Wala talagang duda na sa kanya ako nagmana ng kayabangan, GGSS!! Gwapong Gwapo sa Sarili.
" Kuya " Sinanggi ko ang balikat ni kuya Warren, Nilingon nya ako ng nakakunot ang noo tsaka pinagpagan ang balikat na sinanggi ko, Nag inarte pa nga.
" Ano? " Kuya Warren.
" Kamusta kayo ni Lucas? " Tanong ko dito.
" Wala, Ayos lang " Sagot nito, nilingon nya muli ako para asarin, " Bakit mo natanong? Naiinggit ka ba kasi wala yung Jowa mo dito? " Nang aasar nitong tanong.
" Oo, Malamig yung gabi ko " Sabi ko dito at ngingisi na sana ako kaya lang nakatanggap ako ng batok mula kay kuya.
" Baka kapag magkasama kayo ni Jonathan, Kung ano anong ginagawa nyo ah " Kuya Warren.
" Uyy, Di ako ganun kaano kuya " Tanggi ko dito.
" Kaano? " Tanong nito.
" Basta, Hindi naman kami laging magkasama " Sabi ko dito, Sabay himas ng parte ng ulo kong binatukan nya.
" Sakit ng batok mo ah, Mukhang tambay ka na naman sa Gym kuya " Sabi ko dito.
" Sabi ko naman sayo, Sumama ka sakin sa Gym Para lumaki laki naman yung payatot mong katawan " Kuya Warren, Agad kong inilabas ang Abs kong dalawa lang.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...