Jonathan Villegas POV
Sumakay ako sa Motor ni Archie para maiangkas sya sa likod, Papunta na kami sa NU kung saan gaganapin ang Friendly Competition nila, malapit na din matapos ang unang quarter ng 1st sem.
" Oh " Nagulat ako ng lumitaw ang isang paper bag sa tabi ko.
" Ano yan? " Tanong ko kay Archie, Lumapit sya para mayakap ako ng mahigpit.
" Couple shirt natin " Archie, Kinuha ko ang Paper bag tsaka nilabas ang Tshirt na nanduon, Napatingin din ako sa suot nya.
" Wow, Bumili ka? " Tanong ko dito.
" Oo, Suotin mo yan ah? " Archie, Ngumiti ako.
" Salamat, Oo naman " Sagot ko dito at ipinasok na ulit ang damit sa paper bag.
" Hawakan mo muna ah, Magdadrive pa ako " Sabi ko dito.
Nauna na ang mga kaibigan ni Archie sa NU kaya malamang inaabangan na nila kami, Nandito din Si kuya warren at Kuya Reggie, Wala si Kuya Tonton dahil ewan ko, Pero nag goodluck naman daw si Kuya Tonton kay Archie.
Maayos kong ipinarada ang Motor sa Parking lot ng mga motorsiklo, Habang pausad ng pausad ang oras ay parami ng parami ang mga taong dumadating para manood, Habang nakaupo dito sa tabi ni Allison ay lumingon ako sa paligid, Wala naman akong kakilala dito sa NU Pero napahinto ako sa paglingon ng may mahagip ang mata ko.
Sigurado akong nakita ko sya, Tumayo ako para sundan ang lalaki.
" Uy, Pre Saan ka pupunta? Mag I-Start na " Hawak ni Allison sa Palapulsuhan ko.
" Ahh, Mag Ccr lang sandali " Sabi ko dito, Agad naman nya akong binitawan.
" Sige, Bilisan mo Pre ah " Allison, Kaya tumango ako, Lumabas ang lalaki sa Swimming pool area kaya hinabol ko ito at pabalang na tinulak sa likod.
" Anong ginagawa mo dito, Ha? " Galit kong tanong dito.
" Hindi ko alam na nandito ka " Sabi nito, Pinagmasdan ko ang kabuuan nya hindi na sya yung lalaking nagustuhan ko dati, Hindi na sya yung lalaking nagsumbong sa teacher na hinalikan ko sya kaya nya ako nasuntok, Hindi na sya Yung Asher na lalaking lalaki kumilos.
" Sinusundan mo ba ako? " Tanong ko dito.
" Hindi, Nagkataon lang na may sinosoportahan din ako dito kaya Nandito ako, Pero aalis na din ako, Jonathan " Paliwanag nito sa akin.
" Wala akong pakialam kung sino yung sinosoportahan mo sa laban na ito, Pero sana Asher ito na yung huli nating pagkikita " Sabi ko dito, Hindi ito nakapagsalita kaya napagpasayahan kong iiwan nalang sya duon dahil wala naman saysay kung magsalita pa ako sa kanya.
Tumalikod ako mula sa kanya at nakakatatlong hakbang palang ako ay tinawag na nya ako para pahintuin.
" Jonathan " Asher.
" Jonathan, Sorry sa mga nagawa ko, Alam kong walang kapatawaran yung ginawa kong kagaguhan, Sorry kung nasaktan kita, Siguro nagawa ko lang iyon sayo kasi takot akong tanggapin ang sarili ko, Takot akong tanggalin ang sarili kong nararamdaman para sayo " Mahinahon na sabi nito kaya napalingon ako sa kanya ng seryoso.
" Hindi ba parang huli na ang lahat para sa sorry mo " Sarkastiko kong tanong dito, Tumango sya.
" Alam ko, Pero gusto ko pa ding mag sorry kahit hindi mo na ako patawarin, Sa pamamagitan man lang non ay masabi kong nakahingi na ako ng sorry " Asher.
" Pero hindi pa din kita mapapatawad " Sagot ko dito, Tumango siya at tila wala ng salita ang lumabas sa bibig nya.
" Anong nangyari sayo? Hindi na ikaw yung Asher na nakilala ko, Pakiramdam ko ibang tao na ang nasa harap ko ngayon " Sabi ko dito.
YOU ARE READING
Yani swimmer 2: College Love (On going)
Teen FictionStory that continue their Love story from day 1. Madaming pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan, May Nasaktan, Umalis, Nagmahal, Nafriendzone at Nagkajowa, Pero lahat naman sila naging masaya. Magpatuloy pa kaya ang Saya, Lungkot at sakit sa mga ist...