Last Part

19 1 0
                                    

"GirlfriendNotes: "I knew you were gonna break my heart but a part of me really hoped you wouldn't.""

Sabi nila masakit na bigla mo na lang malalaman na hindi na pala ikaw yung mahal niya. Hindi na pala ikaw ang pipiliin niya sa dami ng tao dito sa mundo. Isa ka na lang alaala.

Pero sa totoo lang..

Mas masakit yung alam mo na. Alam mo nang sa umpisa pa lang, hindi talaga ikaw. Umpisa pa lang, wala ka nang pag asa. At sa umpisa pa lang, yun na ang sinasabi sayo ng isip mo, pero hindi mo pinigilan ang puso mo na mahulog. Hindi mo pinigilan ang sarili mo maging tanga nanaman. Paunti unti kang nahulog sa mga salita at ginawa niya nang hindi mo sinasadya. Paunti unti mong kinain mga salita mo na hindi ka na magmamahal ulit, para hindi ka na masaktan ulit.

Paunti unti, natutunan mong magmahal ulit. At hinihiling mo na sana, sa pagkakataong to, siya na ang taong para sayo.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon