Chapter 3: She Got Brokenhearted

31 1 0
                                    

But there comes that one point in your life, where everything just becomes so magical.

Then you wake up. And reality hits you hard.

"Oo! Nang maintindihan ko din kung bakit ako iniwan ng ex ko without even explaining anything!"

Iyan ang sinabi kong dahilan kay Greg kung bakit ko siya tinatanong kung bakit niya iniwan si Zoey. Pero, sa totoo lang alam ko. Alam ko kung bakit ako iniwan. Too much info pa nga kung ako tatanungin mo.

Kaya ko tinanong si Greg nun, kasi gusto ko maintindihan kung bakit nakakaya ng sikmura ng isang tao na manloko.

"Babe, bakit kanina ka pa tahimik? Wala ka ba sa mood? May nangyari ba?" tanong ko sa kanya after namin manoud ng sine sa mall.

Hindi siya sumagot agad, kaya alam kong may problema.

"Babe, bakit ba? Ano ba yun?"

Pinigilan ko siya sa paglalakad. Ayoko ng nararamdaman ko. Feeling ko may mangyayaring masama.

"Babe?"

Tinignan na niya ko nun, at ang lungkot ng ngiti niya. Hindi tulad dati. Hinila niya ako papunta sa malapit sa may hagdanan na papuntang fire exit.

Ano bang meron?

"Babe," sabi niya, "I love you so much."

Pero??

"Pero.."

Aaanooo!

"Di ko na kaya to."

Nanahimik ako.

"Hindi ko na kayang patagalin pa to. Mahal kita at ayokong saktan ka ng sobra pag pinatagal ko pa. Sorry talaga, babe. I'm so sorry."

Tumutulo na luha niya pero hindi ko pa din maintindihan ang sinasabi niya.

Bakit ka nagsosorry? May ginawa ka ba? Anong nangyayari?

"Babe, I cheated on you," sinabi niya na parang diring diri siya na nanggagaling sa kanya yun, "Babe, I'm so sorry."

"Kailan pa?" bulong ko. Nakayuko na ko nito. Ang diin na ng pagkakasarado ko sa kamay ko na feeling ko magdudugo yung kamay ko mamaya maya.

"Ha?"

"KELAN PA!"

"Last week," sagot niya, "Remember, Michael and I went to a party? We got drunk. And.."

"One night stand," pagtutuloy ko sa sasabihin niya. Ayoko na din kasi marinig ang iba pang details ng nangyari.

Humikbi siya at umiling, "Hindi."

Ang sakit. Ang sakit sakit.

"We met the other day sa labas ng dorm kung san siya nagstay. I was supposed to tell her na kalimutan na ang gabing yun. Na may girlfriend ako and what happened was a mistake. We were drunk and it should never have happened."

Pero..

"Pero ayaw niya. Sabi niya iwan kita. She said she would be better for me. Sabi niya she would give me everything. ANYTHING. Then.."

Naiiyak na ako. Umiiyak na ko actually. I didn't have to hear him say it. I already knew what happened. Matatanggap ko pa sana yung unang beses, dahil lasing siya at hindi niya alam ang ginagawa niya. But a mistake done once is a plain mistake, if you do it again, it's all on you.

"Then she kissed me. And, I.. I-"

Ang lutong ng pagkakasampal ko sa kanya na yung mga malapit samen napalingon at tinignan kami. Hinila ko siya pababa ng ilang steps ng hagdan.

"Amie, I'm so-"

"Sorry? Sorry? Tingin mo mababalik ng sorry mo yung mga nangyari? Tingin mo ba pag nagsorry ka mauundo lahat ng ginawa mo?"

Ang sakit ng ginawa mo hinayupak ka!

"Hindi, pero-"

"Walang pero pero Josh! Tapos na eh. Wala na ding magagawa yang sorry mo. Tanggap ko pa sana nung naglasing ka. Mapapatawad pa ata kita kung ganun lang eh. Pero Josh inulit mo eh! Umulit ka pa!"

Sarap na sarap ka ba ha?! Porket malandi pinatulan mo na!

"Amie-"

"Bakit, Josh? Ha? Bakit? Ano bang mas okay sa kanya? Mas maganda kasi siya? Mas sexy? Mas matalino? Mas maputi? Mas ano! Ano? Sumagot ka!"

Subukan mo lang sumagot ng mali masasampal ulit kita!

"W-wala. Hin-hindi. Hindi ko din alam-"

"Pwes ako alam ko! Mas MALANDI kasi siya! Kasi binigay niya sayo ang inaasam ng lahat ng lalaki sa isang babae. Kasi masyado kang nag enjoy sa kabalastugang pinag gagawa niyo!"

Hindi na siya nakakibo dun. Kasi alam naman na niyang totoo.

"Wag na wag ka na ulit magpapakita saken," sabi ko at tumakbo na palayo ako at umiiyak pa din.

Hindi ko tuloy nakita na may nasa harap ko at nabangga ko. Muntik na siyang tumumba kung hindi siya hawak ng boyfriend niya.

"Hala, sorry, miss. Hindi ko sinasadya," mahinahon kong sabi.

"Watch where you're going!" sigaw saken ng boyfriend niya, "bakit ba kasi nanakbo ka sa mall ha? Muntik nang tumumba yung girlfriend ko!"

Tumingin ako dun sa lalaki, at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Kuya," sabi ko, at hindi ko na napigilang magtaray, "sa pagkakaalam ko, yung girlfriend mo ang nabangga ko at hindi ikaw. Kaya pwede ba, wag ka makisali?"

Sumama tingin niya saken. Pero humarap pa din ako dun sa babae, ngumiti, sabay sabi, "Miss, sorry po talaga ah. Hindi ko sinasadya. Medyo nagmamadali lang kasi eh."

"Okay lang po, ate. I'm fine. Wag mo na alalahin sinabi niya," sagot niya.

Tinignan ko ulit yung lalaki sabay irap sa kanya at naglakad na papalayo.

Gwapo ka pa naman sana. Ang sungit sungit naman. Parang bading.

Pagkauwi ko, dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Tinawagan ko si Gracie at si Zoey. Kinwento ko sa kanila lahat lahat, miski na yung nabangga ko.

"Wait," sabi ni Zoey, "what does that guy look like?"

And in short, nalaman kong si Gregory Roque pala ang boyfriend ng nakabangga kong babae, which is ang ex ni Zoey, at ang dakilang Mr. Playboy ng bayan.

Lalo akong nainis ng gabing yun. Dalawang manloloko pa pala ang nakasalamuha ko.

Ayoko na muna magmahal. Ang sakit eh. Nag expect kasi ako eh, sobra sobra. Nag expect ako na forever na kami ni Josh. Nag expect ako na hindi kami maghihiwalay. Ayan tuloy, disappointed ako ng sobra sobra.

Bakit ba ganun mga lalaki? Hindi sila consistent sa mga salita at actions nila. One day mahal ka nila, the next may iba na. Just like that.

Laruan lang ba talaga kaming mga babae para sa kanila? Nothing but an object that  they would play with kung kelan nila gusto, and then iiwan at itatapon na lang basta basta pag nagsawa na sila.

Pwes ayoko maging laruan. Ayoko maging patapon na lang.

Hindi ko isasarado tong puso ko. Malay ko ba baka biglang dumating si Prince Charming, diba? Aasa nanaman? Oo naman! Tanga? Pwede na din.

Masakit sa ngayon, pero time will heal, ika nga. Matututunan ko ding magmahal ulit. Pero sa ngayon, wala pa kong tiwala sa ganyan.

Sa ngayon, I would do all I can to move on.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon