Chapter 5: A Different Him

48 1 0
                                    

"Hi, pwede ba manligaw?"

Siguro nakailang tanong na ko niyan ngayong linggo na to sa kung sino mang babae na matipuhan ko. Puro sila mga pakilala ng mga katropa o kakilala ko sa iba't ibang school. Sinasabi ko kasi na naghahanap akong girlfriend, at ififix kami na magdate. At dahil gwapo ako, kapag tinanong ko na sila kung pwede ako manligaw matapos ng ilang date namin, lahat sila "Oo" ang sagot saken.

Pero syempre may kasunod silang tanong.

"Seryoso ka ba talaga?"

"Oo naman. Seryosong seryoso ako sayo. Matagal na kitang gusto. Hindi ko lang maamin sayo kasi pinanghihinaan pa ako ng loob."

"Talaga? Kelan pa?"

Kapag ganyan, hinuhuli ka lang nila. Kapag masyadong sandali pa lang sinabi mo, magdududa yan. Kapag masyadong matagal, torpe ka naman. Kaya dapat..

"Isang buwan na siguro. Nung una kitang makita, nung pinakilala ka saken ng kaibigan ko, naniwala na talaga ako sa love at first sight. At simula noon, humanap talaga ako ng lakas ng loob para umamin sayo."

At syempre, dagdagan mo pa ng onting lambing at pambobola yan, onting pagpapakilig at panunuyo dyan, tapos.. Nako! Mahuhulog na yan panigurado.

Yung iba nga sa nililigawan ko sinasagot ako matapos ang isang buwan, at matapos ang isang linggo nakikipagbreak din ako.

"Ha? Bakit, babe? Anong problema? May nagawa ba ako? Sabihin mo. Ayusin natin to, babe," sasabihin nila habang umiiyak sa telepono, o kaya'y sa personal.

Minsan, ang sagot ko:

"Wala naman tayong problema eh. Narealize ko kasing hindi pa pala ako ready na pumasok sa isang commitment. Sorry napaasa pa kita."

O kaya nama'y:

"Wala tayong problema. Pero nafall out of love na ako. Siguro hindi pa nga tayo ang para sa isa't isa."

Tapos ibababa ko na ang phone o kaya'y magwowalk out na, at wala akong pake kahit mag iiyak siya at pagtinginan kami ng mga tao. Hindi ko siya kilala dahil hindi siya importante saken. Hindi ko na siya itetext o tatawagan. Hindi ko na din siya sasagutin sa mga text o tawag niya.

Minsan, may naging girlfriend akong sobrang desperada. Hinabol niya talaga ako ng todo todo. Hindi niya ako tinantanan ng pagtetext at pagtawag, kaya minsan pinapatay ko na muna phone ko.

Minsan umabot pa sa point na nagstalk siya saken. May kadate ako nun, at bigla na lang siyang sumulpot na parang kabute sa tabi namin.

"Greg!" sigaw niya.

Ako naman nagulat. Sino bang hindi? Bigla na lang may sisigaw na baliw sa tabi mo.

"Kaya pala nakipagbreak ka! May iba ka na! Manloloko ka! Ang landi landi mo!"

Hinampas hampas niya ako at nagwawala siya sa mall.

"Babe, sino siya?" Naiiyak na tanong nung kadate ko.

Ano kaya magandang excuse?

"Di ko siya kilala, babe. Hayaan mo siya. Tara na."

"Eh bakit alam niya name mo?"

Ang dami namang tanong. Uso mag isip! Common sense na lang paganahin!

"Babe, naka ID tayo oh. Baka nakita niya lang. Tsaka diba sabi ko sayo famous ako sa school? Oh, di yun biro."

"Ah. Sige, babe. Tara na."

Ang tanga mo talaga ateng.

"Hooooy!" Sigaw nung isang nababaliw na, "At saan ka pupuntang lalaki ka? Talagang kasama mo pa yang haliparot mo ah!"

Siguro natuwa ako sa nangyari kaya hinayaan ko lang, pero ang astig kasi eh.

Caaaatfiiiiight!!!

Sinugod ng kadate ko yung ex ko at pinagsasabunutan siya.

"Sino tinatawag mong haliparot ha? Leche kang babae ka ah! Wag ka na ulit magpapakita saken kundi hindi lang to aabutin mo!"

"Hindi ako takot sayo! Ang landi mo! Mang aagaw!"

"Excuse me wala akong inaagaw sayo!"

Nagsasabunutan sila ng mga panahong yan, at ako nakatayo lang sa tabi at nanonoud. Pinipigilan ko pang matawa. Pero after ilang minutes pinuntahan ko yung kadate ko at pinaghiwalay sila.

Niyakap ko yung kadate ko at hinalikan siya. Ginawa ko yun kasi hindi ko yun ginawa dun sa ex ko na nandoon. Mamatay na siya sa selos.

Hindi iyon ang first kiss ko syempre. Ang first kiss ko ay si.. Nevermind. Huwag na nating pag usapan.

"Babe, okay ka lang ba?" tanong ko matapos ko siyang halikan.

Tulala lang siya, miski yung ex ko. Pero yung ex ko matapos ang ilang segundo ay umiyak iyak na at tumakbo na palayo sa amin.

Hinatid ko pauwi yung kadate ko at super sweet namin. Napaniwala ko nanaman tong isang to. At matapos ang ilang linggo ay nakipagbreak din ako. Isang cycle na paulit ulit na lang saken. Isa na siyang routine. Kapag nakikipagbreak ako, wala na akong pakielam sa kanila. Magkasakit o mamatay man sila. Para bang hindi ko sila nakilala kahit kailan. Para bang walang nangyari na ano pa man.

Para bang namingwit ako ng isda, at nung nakuha ko na't nasaktan na siya sa pagkakasabit niya sa pamingwit, at tsaka ko siya ibabalik sa tubig pag mamatay na.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon