Chapter 8: Double Whammy

17 1 0
                                    

"Na saan na daw sila, babe?" tanong saken ni Lawrence. Kanina pa siya hindi mapakali.

"Ten minutes daw nandito na sila,"

Nandito na kami sa meeting place namin. Sa may labas ng Timezone.

"Amie, ikaw lang makikipag usap ah. Ayoko siyang-"

"Kinakabahan ka ba?"

Tumango siya.

Hinawakan ko mga pisngi niya at tinignan siya sa mata, "Mahal mo ba ako?"

"Oo naman, Amie. Mahal na mahal na kita,"

Ngumiti ako, "Eh di wag ka na kabahan. Isipin mo na lang hindi mo siya kilala. Parang blind.. double date kunwari,"

"Hm. Okay," tapos hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako, "I don't wanna lose you, anyone but you,"

"I love you, Lawrence,"

"I love you, too,"

Ilang minutes lang ay dumating na din sila.

"Lawrence?" gulat na tanong ni Demi, "Is that-is that you?"

"Hi, Demi. Ka-kamusta ka na?"

Hindi makapagsalita si Demi. Kaya tinignan niya si Greg.

"Demi, hindi ko alam na siya yung boyfriend niya. Hindi niya nabanggit saken. Diba, Amie?"

Ha? Leche ka, Greg! Talaga palang wala kang balak sabihin sa kanya!

"Ah-um. Oo, hindi ko nabanggit sa kanya," sagot ko, "Ang sabi lang ni Greg magdouble date tayo, kaya sumige ako. Hindi ko alam na ex mo pala si Law-"

"Ha? Teka, ano nangyayari?" tanong ni Lawrence.

Omg. Hindi nga din pala alam ni Lawrence yung plano. Palpak!

"Alam mo na ex ko siya Amie, diba? Bakit-"

"Greg, you better explain this or-"

"Demi, I-"

"Teka," sabi ni Demi, at nilapitan niya ako, "diba ikaw yung babaeng kasama niya sa park nung nagmeet kami?"

"Oo, pero-"

"Amie, bakit kayo magkasama ng lalaking yan? Anong meron?"

"Lawrence, kasi-"

"Bakit, Amie? Kasi ano? Kasi gwapo? Mayaman? Ano? Akala ko iba ka sa mga babae,"

"Pre," sabi ni Greg at hinawakan siya sa balikat, "Hindi ganun, nagkakamali ka. Wala kaming-"

At bigla na lang siyang sinapak ni Lawrence. Napaupo si Greg sa sahig, pero si Demi parang natulala na lang dahil hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Napansin ko na ang dami nang tao na nakatingin samen. Hiyang hiya na ako pero wala din naman akong magawa.

"Para yan sa pagsapak saken ng hindi inaalam ang lahat!" sigaw ni Lawrence, "Tsaka pwede ba tol, wag ka makielam! Problema namin to."

"Hindi mo naman kasi kailangan magalit kay Amie! Wala kaming ginawang masama! Kinausap ko lang siya tungkol sa kung bakit kami nagbreak ni Demi noon. At dahil sayo yun bobo!"

"Hindi ko kasalanan kung hindi ka na mahal ni Demi nung kayo pa, kaya kami naging close. Hindi ko siya sinulot sayo pre! Ikaw may kasalanan dahil hindi mo siya inalagaan!"

Pero inalagaan siya ni Greg! Sobra sobra pa nga! Hindi ko nga maintindihan kung bakit nawala na lang bigla ang feelings ni Demi. Sobrang minahal siya ni Greg.

"Hindi ko inalagaan?" tinignan niya si Demi, at tumingin ulit kay Lawrence, "Binigay ko sa kanya lahat! Lahat lahat!"

"Pwes hindi yun sapat!"

Nasaktan dun si Greg. Paanong hindi? Binigay mo na lahat lahat, pero sa huli hindi pa rin pala sapat yun para sa kanya. Sa huli magsasawa na lang pala siya at iiwan ko dahil may gusto na siyang iba. Sa huli, isa ka lang malaking tatanga tanga.

Nakita kong sumarado yung mga kamay niya, pinipigilan niyang manapak.

"Wala kang karapatang sabihin saken yan! Hindi mo alam lahat ng ginawa at binigay kong effort para lang sa kanya! Para lang sumaya siya!"

"Kahit na ano pang sabihin mo, wala ka naman nang nagawa o magagawa pa! Tapos na eh. Ilang taon na kayong tapos! Wala na nga din kami diba? Oh ano, masaya ka na ha?"

"Hindi pa ko-"

"Tapos na ang usapang to. May girlfriend na ako at siya na ang mahal ko. Sayong sayo na si Demi kung gusto mo!"

Nakita kong nagbago yung facial expression ni Demi. Nalungkot. Nasaktan. Sino ba namang hindi? Kung ganun na lang pagkakasabi ng taong minahal mo, na parang tira tirang pinamigay na lang basta basta sa pulubing nangangailangan.

"At pwede," pagtutuloy ni Lawrence, "layuan mo si Amie. Wag mo siya itulad sa mga babae mo na pwede na lang loko-lokohin at iwanan basta basta! Nilalandi mo na nga ex ko, may balak ka pang landiin girlfriend ko!"

Tumumba din si Lawrence sa pagkakasapak sa kanya ni Greg, pero bago ko pa siya maalalayan para tumayo, nakabangon na siya at nagsasapakan na sila.

"Lawrence! Greg! Tama na!"

"Guys, please! Stop!"

"Taaamaa naaa!"

Wala kaming magawa ni Demi. Hindi namin sila maawat at baka kami naman yung matamaan nila. Buti at mamaya maya lang dumating na yung security guard para awatin sila.

"Huwag kayo dito mag sapakan! Dun kayo sa kalye kung saan kayo nababagay!"

Mamaya maya lang ay sabay sabay kaming apat na pinalabas ng mall.

Inaalalayan ni Demi si Greg, habang inaalalayan ko naman si Lawrence.

"Demi," sabi ko, "pwede ka makausap?"

Lumapit ako sa kanya at lumayo kami dun sa dalawa. Magkalayo naman sila ng kinauupuan kaya naisipan ko na din na iexplain kay Demi ang mga nangyari.

"Bakit?"

"Alam mo, mahal na mahal ka ni Greg. Sobra. Hanggang ngayon. Hanggang ngayon hindi pa din siya makamove on. Kaya siya naging manloloko eh, kasi hindi na niya alam kung paano magmahal ng tama,"

"Pero-"

"Patapusin mo na lang muna ako,"

Tumango siya.

"Nung nakilala ko siya, ang sarap niyang sapakin!"

Natawa siya dun, pero tinuloy ko lang sinasabi ko, "Ang sungit sungit niya. Heartless. Talagang walang pake sa mundo. Pero, Demi, nung nakita ka ulit niya, nagbago aura niya. He was happy. Finally. Masaya na ulit siya."

"Paano ko masasabing hindi siya gaganti saken?"

"Kasi mahal ka niya. Hindi ka niya kayang saktan. Ayaw na niyang mawala ka pa ulit sa kanya,"

Niyakap ako ni Demi, "Thank you. Thank you for letting me know and understand him. I believe you. I would give it a try,"

Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Hindi naman ganun kalala ang mga sugat ni Lawrence kaya nakapagdrive pa siya.

Habang nasa biyahe pauwi, nagtext si Greg.

Thank u for explaining to her. Even though it didnt go as planned, I now know that I have a slight chance to get her back. All thanks to u.

And pls tell Lawrence that I'm sorry. And, thanks din, for giving her back to me.
Ingat kayo!

I texted him back.

Wala yun, Greg. It was a big risk, but I guess it was worth it. Napatunayan ko din na nakamove on na si Lawrence. Thanks to u.

Sana maging ok na din kayo ni Demi. Ingat!

And at that moment, I thought everything will finally be okay. But, I was wrong.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon