Chapter 5: Will He be Able to Prove It to Me?

11 0 0
                                    

"Forget the past. What's important is here and now. We should treasure what we have right now. I promise, I'll never do those things to you. I'll never hurt you."

Narinig ko na ang mga salitang yan. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi saken ni Lawrence nung araw na tinanong ko if totoong niloko niya si Demi at nag explain siya ng mga nangyari.

"Ang importante, yung ngayon. Dito. Yung tayo ngayon. Kalimutan mo na ang nakaraan. Hindi ko gagawin sayo yun."

Paulit ulit kong inaalala sa utak ko yung sinabi saken ng hinayupak na yun. At nakakalungkot na ganun din ang sinabi saken ni Greg. Natakot nanaman ako. Ayoko nang masaktan ulit. Mas mabuti na atang.. Mas mabuti na atang hanggang friends na lang kami. Lalo na't may nararamdaman na ako para sa kanya, ayoko nang palalimin pa yun. Takot na kong masaktan nanaman ng isang.. isang manloloko.

Manloloko? Wala kang kwenta Amethys. Nagbago na nga yung tao dahil sayo oh. Para sayo. He's doing everything he can para mapatunayan sayo na ikaw lang ang gusto niya, para mapatunayan sayo lahat ng gusto mong patunayan niya. Ano pa bang pinuputakte mo dyan?

It's been three months now ever since nagtanong siya tungkol sa sagot ko sa tanong niya. I told him to prove to me kung totoo talaga yung nararamdaman niya para saken. And he has been very diligent sa pagprove saken nun. He takes me to dates basta pareho kaming may time. Malapit naman na rin bakasyon, pero ibig  sabihin malapit na rin ang finals week. Kaya hindi kami pwedeng pachill chill lang. Kaya nga once or twice a week lang kami lumalabas on a date. Pero madalas kami magkita kapag may vacant kaming sabay sa school.

Biglang nagvibrate yung phone ko na nasa lap ko. Nagbabasa lang ako ng bagong pocketbook na binili niya para saken sa date namin kahapon. Kahit na ininsist kong ako na magbabayad, syempre, hindi yun papatalo saken.

Vacant mo ba? 

Text niya saken. Speaking of the devil.

Yup! Jst reading a book. Bkit? 

Let's eat lunch? Kumain ka na ba?

Infairness, hindi ko alam kung bakit pero kinilig ako dun. Napatakip ako ng libro sa mukha ko at baka may makakita na nakangisi ako dito ng parang tanga.

Sure, where?

San ka ba? Puntahan kita.

Napaisip ako. Sabihin ko ba? Nooooo waaaay hiiiigh waaaay!

Nasa puso mo! HAHA. Hanapin mo Mr. Playboy! :p

Hanapin niya ko ano! Siya tong nag-aaya eh. Hindi pwedeng gora na agad agad. Magpakahirap muna siya aba. Effort effort din pag may time.

Yes, Amie. Matagal ka nang nasa puso ko, tinatanong pa ba yan? :)

WAAAAAAAAHHHHHH! Bakit mo kinailangang sakyan yung joke ko omg ka, Greg! Whoo. Maghulos dili ka nga dyan babaita ka! Hinay hinay lang oy. Yung puso mo oh maluluwal mo na. Whoooooo. Mga banatan talaga ng lalaking to. Halatang expert.

Pinipigilan ko pa rin yung kilig ko at pag ngisi ko. Nakatakip na yung libro sa paniguradong namumula kong mukha. Yung phone ko ang higpit na ng pagkakahawak ko, sa paniniwalang matatransfer sa higpit ng kapit ko sa phone yung energy na nilalabas ng kilig ko.

Pero don't get me wrong ha! Hindi ko pa siya fully trusted. Sino bang oo? After niya manloko ng too-many-to-count na mga babae? After niya paglaruan at ichapwera na lang yung mga babaeng nag-akalang mahal niya?

After ka niya ipagtanggol at ipaglaban kay Lawrence. After ka niya icomfort at damayan nung mga panahong wasak na wasak ka. After lahat ng ginawa niya to prove to you na totoo yung pinapakita niya sayo. Really, Amie?

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon