Chapter 6: She Saw Him Change

25 1 0
                                    

"Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny."
- Steve Maraboli

Nabasa ko lang yan sa Twitter kaninang umaga. May sense naman diba? May mga taong hindi talaga para sayo. Makikilala mo lang sila dahil may importante silang kailangan ituro sayo. At kailangan mong marealize yun. Hindi lahat ng tao ay meant to be.

Hindi ko pa din kinakausap si Lawrence. Isang linggo na ang nakalipas. Pero panay kulit niya pa din saken.

I just needed space to think.

Paano kapag totoo talaga yung sinabi ni Greg? Paano kapag pati ako matulad kay Demi? Paano kapag-

"Amie!" tawag saken ni Mama.

"Po?"

"Kakain na tayo. Bumaba ka na diyan,"

"Opo! Susunod na po," sagot ko at dali dali nang bumaba galing kwarto.

Sunday ngayon kaya wala akong pasok. Tumutulong lang ako sa mga gawaing bahay at kapag nakapagpahinga ay magbabasa ng libro o di kaya'y phone ko ang aatupagin ko. Minsan, lumalabas ako ng bahay at mamasyal mag isa. Ganito kasi ginawa ko nung nagbreak kami ni Josh para masanay akong mag isa.

At nung Sunday na yun, naisipan kong lumabas. Nakakabagot kasi sa bahay. Tulog naman na si Mama at naglalaro lang sa computer si Mel.

Nagpunta ako sa court ng village namin. Meron kasi dun playground at dun sa isa sa mga swing ako tumatambay para magbasa ng libro habang nagsasounstrip.

Naligo na ako at nagbihis. Shorts, shirt at sneakers. Kahit na sa playground lang ang punta ko, ayoko lumalabas ng bahay tapos muka akong gusgusing bata.

Ilang minutes akong naglalakad lakad papunta sa pkayground. Sa sobra ko kasing dalas na pagpunta dun, nalaman ko na yung mga pasikot sikot at iba't ibang daan para makarating doon. Kaya, bawat punta ko na dun, kung saan saan ako dumadaan para pampalipas oras.

Pag nakarating ako dun sa court, dadaan ako sa may mga nakaharang na halaman para di ako pagtinginan ng mga naglalaro ng basketball. Nasa likod naman kasi ng puno yung swing set, kaya hindi pa din nila ako makikitang nakatambay doon.

At pag nagsimula na akong magbasa, wala na akong pake sa mundo dahil nandun na ko sa libro. Kaso..

"Oy, Amie!" sigaw niya.

Istorbo naman tong lalaking to oh. Ano namang trip niya ngayon.

"Greg? Paano ka napadpad dito?"

"Tinanong ko si Zoey kung saan ka nakatira,"

"At bakit? Gaganti ka sa ginawa sayo ni Lawrence?"

Nakita kong nainis siya, akala ko nga magagalit siya saken at sisigawan nanaman ako, pero ngumiti pa siya, "Hindi, magpapatulong sana ako sayo."

"Ha? Para saan? Kung math yan nako sa iba ka na lang magpatulong."

"Kay Demi,"

Yung totoo? Magpapakatanga ka nanaman sa kanya? Pwede ba tumigil ka, Greg?

"Ha? Bakit? Para saan pa?"

"I want her back, Amie," mahina niyang sabi, tapos umupo siya sa swing na katabi nung inuupuan ko, "I want her back sooo much. I figured out why I was so heartless. Tama ka sa sinabi mo dati. Hanggang ngayon pala kasi, nasa kanya pa din."

Grabe. Naaalala mo yun? Nakikinig ka pala saken? Pero, Greg.. Mahal na mahal mo talaga siya ano?

Bumuntong hininga ako, "Sige na nga. Ano matutulong ko?"

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon