Chapter 8: Then Something Happened

27 1 0
                                    

"Amethys nga pala. Amie na lang for short."

Nakikipagkamay siya saken, pero hindi ko inabot ang kamay niya.

"Suplado!"

"Anong sabi mo?!"

"Oh ano, gusto mong masipa ulit ha?"

Natahimik ako at yumuko na, "Ano ba kasi kailangan mo saken? Ginugulo mo yung pananahimik ko dito eh. You're wasting my time."

"Wala akong kailangan sayo. Kaibigan ko meron!"

"Oh, ano kailangan ng kaibigan mo?"

"Tell me why you broke up with her! Tapos may napalit ka agad! Ano bang trip mo sa buhay ha?"

"Wala na kayo dun. Leave me the hell alone."

"I won't leave until you tell me!"

"Gusto mo talaga malaman?"

Tinignan ko siya, at nakakunot na ang noo niya saken.

"Oo! Nang maintindihan ko din kung bakit ako iniwan ng ex ko without even explaining anything!"

"Hindi ka kasi niya mahal, okay? Tapos. Yun na yun. End of story. Tanggapin mo na lang. Magmove on ka na!"

Natahimik siya.

Hay salamat aalis na din ang bwiset na to.

Pero bigla ko siya narinig na humikbi.

Umiiyak.. Umiiyak siya?

"Huy, Amie. Umiiyak ka ba?"

"Ay hindi! Pinagpapawisan lang mga mata ko!"

Talaga nga naman oh. Nayayamot na din ako sa pagkapilosopo ng babaeng to eh.

"Tumahan ka na pwede ba? Tanga ka na nga mas lalo ka pang nagmumukang tanga."

"Ano ba karapatan mo para sabihin saken yan ha? Alam kong tanga ako! Wag mo na ipagdiinan!"

"Yun naman pala eh! Edi tumigil ka na sa kakaiiyak! Alam mo naman na palang tanga ka eh."

Natahimik ulit siya. Pero tumigil na din siya sa pag iyak. Tapos bigla na siyang tumayo.

"Alam mo, Greg, tanga man ako, pero atleast alam ko kung paano magmahal ng totoo. Eh ikaw? Kailan ka magseseryoso?"

Ako naman ang natahimik.

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko! Kaya pwede ba, wag ka magsalita na parang kilala mo buong pagkatao ko!"

Tinitigan niya ko. Para bang alien language yung sinabi ko at hindi niya maintindihan.

"S-sorry. Hindi ko naman.."

"Of course you don't know! How would you? All you know is that I'm a cold-hearted bastard. That I happily break any girl's heart who comes my way. That I don't give a damn with any of my exes. Well, surprise! I did have a heart before. I felt love before. And I don't wanna feel it ever again!

Hindi niya ko kinibo. Nakatingin lang siya saken. Pero kitang kita ko sa mga mata niya na unti unting siyang nalungkot. I saw pity. Hindi ko kailangan ng awa niya. Wala akong kailangan sa kahit sino mang babae.

"Satisfied? Now can you just leave and let me be!"

Hindi pa din siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung bingi ba siya o talagang nang iinis lang siya.

Ilang seconds din siguro kaming ganun lang. Nakatitig lang sa isa't isa at wala sa aming nagsasalita. Kaya iniwas ko na mata ko at yumuko.

Huwag kang iiyak. Bading lang ang umiiyak. Hindi umiiyak ang lalaki, okay? Kaya mo yan. Ngayon ka pa ba iiyak kung kelan manhid na manhid ka na?

"Alam mo, Amie," sabi ko sa kanya na kalmado na ang boses ko, "I don't really know why I need to explain myself to you. Hindi naman kita naging ex or kahit ano. Hayaan mo na yung kaibigan mong-"

"Naiintindihan ko na ngayon."

"Ha?"

Naiintindihan ang alin?"

"Gets ko na kung bakit ka ganyan. Gets ko na kung bakit parang wala kang puso."

Tinignan ko ulit siya, pero hindi siya nakatingin saken kundi sa damuhan.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Tumigil ka nga."

"Kaya ka ganyan, na parang walang puso," tsaka niya ako tinignan, at nakita kong naluluha siya, "kasi wala naman talaga sayo puso mo. Nasa kanya pa, kung sino man yang minahal mo ng sobra. At kung nasa sayo nga, durog na durog na. Kaya hindi mo na mapagana ng tama."

Ano bang trip mooooo. Tantanan mo na kooooo. Tignan mo, kung anu ano pa nasabi ko ng wala sa oras.

But.. It felt good.

"Oh, ano nanamang problema mo? Bakit ka nanaman umiiyak dyan?"

Tumawa siya bigla. Maganda siya ngumiti. Nakakapagpakalma.

Hoy, Greg. Magtigil ka pwede.

"Eh kasi eh," mahinang sagot niya, "naiiyak ako sa love life mo. Ang saklap naman pala."

"Ano naman sayo kung ganun nga ha?"

"Eh atleast alam ko na kung bat ka ganyan sa mga babae. Pero hindi pa din yun excuse para lokohin mo sila"

Pwede ba wag ka mangielam.

"Wala ka nang pake sa kung ano gusto kong gawin sa buhay ko, okay? Pwede ba umalis ka na. Gusto ko mapag isa."

"Ayoko." At tumabi nanaman siya saken.

"Ano ba! Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Inis na inis ko nang pagtanong.

"Ikwento mo saken."

"Ang alin?!"

"How did you get your heart broken?"

What the hell does she want with me! This is just pure torture!

"No way! You mind your own business and get the hell out of here!"

"No! I won't leave until you do so"

Uuuuuuggggghhhhhhh! Masasakal ko na tong babaeng to!

"Ugh! Can you just stop?"

"A-YO-KO!"

Hindi ko siya pinapansin ng ilang minutong pangungulit niya saken.

"Ikwento mo na kasi," sabi niya, "Gagaan pakiramdam mo promise. Masama kasing kimkimin lahat. Nakakasama yan sa heart."

Nagflashback bigla saken yung araw na yun. Lahat ng sakit naalala ko nanaman. Lahat ng sakit naramdaman ko nanaman. Lahat lahat.

At sa sobrang tagal kong pagkikimkim lahat ng emosyon na to, bigla na lang akong bumigay. Bigla akong umiyak.

Bading ka! Bading bading bading! Bakit ka umiiyak? Muka kang tanga! Umayos ka nga hoy! Magtigil ka! Get yourself together.

Then I started to tell her everything. Mula umpisa hanggang sa nakita ko na ulit siya.

I became weak for those moments. But somehow, saying all those things after keeping it all inside for years, it eased the burden. It eased the pain.

It made me stronger. It helped me start moving on.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon