Chapter 2: Don't Wanna See Her Hurt

13 0 0
                                    

"Hello, Amie? Bakit ka napatawag?" sabi ko sa kanya pagkasagot ko sa phone.

Tahimik lang siya, at naririnig kong malalim ang paghinga niya.

"Amie? Huy, bakit? Okay ka lang ba, ha?"

"Greg-" tapos bigla siyang umiyak.

Yung tunog ng pag iyak niya, ang sakit sa tenga pakinggan. Hindi dahil malakas yung pag ngawa niya, o dahil grabe yung paghagulgol niya, kundi dahil ayoko marinig ang pag iyak niya. Ayoko marinig na nasasaktan siya.

"Amie! Ano nangyayari? Bakit? Asan ka? Pupuntahan kita!"

Iyak lang siya ng iyak at hindi siya makasagot saken. Binaba ko agad agad ang phone at kinuha ang susi sa kotse ko. Dali dali akong nagpunta sa bahay nila.

"Tao po? Amie?"

Lumabas ang Mama niya, "Oh, Greg, naparito ka?"

"Goodevening po, tita," bati ko sabay ngiti, "Si Amie po ba nandyan?"

"Ay nako, wala pa nga eh. Dumiretso siya sa lakad nila ni Lawrence pagkagaling niyang school kanina,"

Kinabahan ako. Mag aalas diyes na ng gabi wala pa siya sa kanila. Hindi naman siya ganun kalate umuuwi galing sa gala, sa school pwede pa.

"Hindi din siya sumasagot sa mga text ko," pagpapatuloy ni tita.

"Sige, tita. Ako na po bahala,"

Asan ka ba, Amie?

Kinakabahan na ako. Baka napano na siya. Baka kung ano mangyari sa kanya. Baka ...

Ah! Sa park!

Nagmadali ako sa pagpasok ng kotse at binilisan ang pagmamaneho papunta sa park. Pinuntahan ko siya kung saan ko siya nakitang nakatambay nung unang beses na napadpad ako sa lugar na ito. Yung tagong swing sa may likod ng puno.

Habang binabagalan ang pagmaneho para itabi ang kotse, naaninag ko na may taong nakaupo doon.

Si Amie! Thank God she's okay.

Lumabas agad ako ng kotse, tumakbo papunta sa kanya, at niyakap siya.

"Amie," bulong ko, "masyado mo kaming pinag alala ng mama mo. Grabe pag alala ko sayo alam mo ba yun? Bakit hindi ka nagsasalita kanina? Nanghula pa ko kung na saan ka. Paano kapag napamahamak ka, naisip mo ba yun? Alam mo ba kung anong oras na ha? Alas dyis na! Paano kung may masasamang loob na napagtripan ka? Naisip mo ba yun ha?"

Galit na galit ako, peo dahil yun sa kaba ko. Nag-alala talaga ako. Yung kabog ng dibdib ko sa mga naiisip kong pwedeng mangyari sa kanya kulang na lang himatayin nanaman ako.

Wala pa rin siyang kibo.  "Ano ba kasi nangyari?" tanong ko pero kalmado na ako. Nung hindi pa rin siya sumagot, inakap ko na siya, kahit na may chance na sapakin niya ako. Pero hindi niya ginawa yun, at ang nararamdaman at naririnig ko lang ay siguradong pruweba na umiiyak pa din siya.

Ano ba ginawa ng gagong yun sayo at nagkakaganito ka?

Nung hindi pa din siya sumasagot, binitawan ko siya sa pagkakayakap ko at pilit na inangat mukha niya kahit pilit niyang ayaw ipakita.

"Amethys, ano ba nangyari? Ha? Ano ginawa niya sayo? Bakit ka umiiyak?"

Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya, at tinignan ako sa mata. Ang lungkot lungkot ng mga mata niya. Hindi ko maipinta o masabi kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Basta alam kong sobra siyang nasasaktan. Naramdaman ko na din yan. Alam ko ang pakiramdam ng mga matang basa ng luha dahil sa sobrang sakit.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon