Chapter 10: She's Had Enough

20 1 0
                                    

"My heart just got fed up with how I felt about everything that it decided to quit caring and stop feeling anything."

Totoo to. Totoong totoo to. Siguro tama na nga. Siguro okay nang hanggang dito na lang. Siguro sapat na yung sakit na naramdaman ko dahil lang sa nagmahal ako.

Ayoko na. Ayoko na ata magmahal. Nakakapagod pala talaga. Akala ko kasi madali lang tiisin lahat. Akala ko kaya ko intindihin bawat "sorry" at ang mga kasunod na explanation niya. Akala ko kasi.. Akala ko kasi this time hindi na ako masasaktan.

Akala ko lang pala lahat ng yun. Mas masakit pa ngayon. Kasi dati kay Josh, hindi ko kinailangan magpakahirap intindihin na ginusto niya din yung nangyari sa kanila nung babae.

Pero itong kay Lawrence, wala namang iba eh. Walang ibang tao na involved. Kami ang problema. Oras ang problema. Wala nang time para sa isa't isa.

Nakakapagod nang magsabi ng, "Okay lang. Naiintindihan ko." Nakakapagod nang magpanggap na hindi ka nagtatampo kasi yun na lang yung oras na magkakausap kayo, tapos mag aaway pa kayo. Kaya mas pipiliin mo na lang manahimik at kimkimin na lang lahat. Nakakapagod. Nakakasawa.

Alam niyo kasi, yung araw na libre siya at nag aya siyang lumabas, nun ko napagdesisyunang sabihin sa kanya na nakakatampo siya. Sabi ko sa sarili ko nun bahala na kung ano mangyari, pero ito ang nararamdaman ko. At kailangan niyang malaman to.

"Babe, may kailangan tayong pag usapan,"

Tinignan niya ako, "Ano yun, babe?"

"Kasi babe-"

Tapos biglang nag ring phone niya, "Wait babe, I need to get this. Partner ko kasi sa project,"

Tumango ako.

Hanggang dito ba naman?

"Hello," sagot niya, tapos bigla siyang ngumiti, "Oh, Hannah? Bakit?"

Aba! Nak ng tipaklong nga naman oh! Babae pa pala ang partner! Kaya naman pala. Kaya naman pala busy na busy. Pangiti ngiti ka pa diyan!

"Oo, natapos ko na. Isesend ko sayo sa email mamaya para maimerge mo na yung sayo,"

Pwede ba ako na kausapin mo? Tayo yung nagdedate dito oh!

Tinignan ko na siya ng masama, at nakita niya.

"Oo, oo. Um, Hannah? Mamaya na lang natin pag usapan yan ah? Wala pa kasi ako sa bahay eh. May lakad kasi ako,"

Bakit hindi mo masabing kasama mo ako? Na kasama mo girlfriend mo? Hindi na din ba uso yun sa sobrang kasipagan niyong gumawa ng project na yan, ha?

"Oo. Sorry. Sige sige. Babye. Oo, sige. Mag iingat. Ikaw din,"

Wow. Buti pa siya sinasabihan mong mag ingat!

Binaba na niya yung phone niya at humarap na saken, "Oh, babe, game na,"

"Ayoko na," bulong ko.

"A-ano?"

"A-yo-ko na," dahan dahan kong sabi at mas malakas na boses ko. Tinignan ko siya, pinakita ko sa kanya na naiiyak na ako. Para makita niya na pagod na yung mata kong pigilan lahat ng luha na nagpupumiglas sa mga mata ko tuwing nararamdaman ko na wala na talaga siyang oras para saken. Para samen.

"Ano, babe? Anong ayaw-"

"Ayoko na!" sigaw ko, at napatigil siya, "Di ko na kaya to, Lawrence. Nakakapagod umintindi,"

"Teka, babe. Bakit bigla kang nagkaganyan? Wala naman yun eh. She was just-"

"Tapos ngayon ganyan! Di ko na nga alam kung ano iisipin ko pag di ka tumatawag o nagrereply, tapos ngayon mapaparanoid na ako lalo!"

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon