Chapter 3: He Loved Too Much

42 1 0
                                    

Lahat ng kasiyahan ko nung sinagot niya ko, lahat ng saya ko kapag kasama ko siya, lahat ng saya ko pag napapangiti ko siya, paunti unting nawala. Akala ko pang habang buhay ko nang makakasama si Demi. I could see our future together. We would be happy. I would marry her, and we would have been the sweetest couple that ever lived. We would be the happiest family. We would raise our kids right and she would be a great mom, and eventually still a good-looking gradma.

Alam kong ang bata ko pa para isipin ang mga ganung bagay. Pero ganun ko siya kamahal. Gusto ko siya makasama ng matagal, at kahit na hanggang sa kabilang buhay pa.

Pero.. Walang forever. All those "we would be" turned into "we could have been" gradually.

Naging kami ng isa't kalahating taon. Promise, ang saya saya namin. I loved her will all my heart. What's mine was hers. Mayaman ang pamilya ko, so I was able to buy her anything she wanted. Minsan pa nga kahit hindi niya hinihingi. I wanted to give her the best of me. I treated her like she was already my beloved queen, and not just a princess I had to fight for.

But, sadly, I wasn't her prince charming.

Nung malapit na kami mag one year and seven months ni Demi, parang gumuho na lang ang mundo ko.

Ayoko mang aminin, pero pansin ko at dama ko ang paunti unti niyang paglayo saken, simula nung nag isang taon kami.

Nagsimula na yung maiikli na lang na reply at hindi madalas na pagsagot sa mga tawag ko. Nagsimula yung mas madaming tampuhan kasi nawawalan na siya ng time. Nagsimula yung mabilis na siya magalit. Nagsimula yung nakakaya na niya kong tiising hindi kausapin. Yun bang kitang kita mo ang pagkakaiba ng noon sa ngayon.

Tulad na lang nung nag one year and second month kami.

Mga ala una na ng madaling araw yun. Nakatulugan na niya ako kanina pang alas dos kasi pagod siya sa dami ng projects na inaasikaso niya. Ayaw niya kasing nagkacramming, kaya ginagawa niya lahat ng pwede niya magawa ahead of time. Ako step by step lang. Hinga hinga lang.

Hindi ako makatulog nun, at narealize kong monthsary na namin. Kaya binuhos ko lahat ng natitirang energy ko sa pagtetext sa kanya.

"Goodmorning, Babe! :*** Happy one year and two months to us.. and still counting :) I just want you to know that I am so grateful that I met you. Thank you for giving me the chance of a lifetime. Sorry kung minsan nadidisappoint kita sa mga di natin natutuloy na lakad. Sorry kung minsan baka naiisip mo I'm not a good boyfriend to you. I'm trying babe. I really am trying to be the best boyfriend for you. I hope I can reach that high standard of yours. I hope I won't bore you anytime soon. And I really hope and pray that you won't get tired of me. I love you, babe :* Soooo much. I love you so much I just wanna kiss and hug you and never let go. I hope when you read this, it will put a smile on your face. I love your smile. I love all of you. Happy monthsary, babe! :* I love you again and again and again :***"

Natulog na ko matapos kong isend ang text na iyan. Nagising ako ng 6 am, nagmadali akong kumain, maligo at magbihis dahil baka malate ako sa school. Kinuha ko sa ref namin ang binili kong chocolates para sa kanya, at nilagay sa bag kasama ng teddy bear na matagal na din nyang gusto. Binitbit ko na ang bag ko pati ang bouquet of roses, nagpaalam na ko sa Mom ko at sumakay na sa kotse ni Dad.

Habang nasa byahe, tinignan ko kung nagtext na siya. At nangiti talaga ako nung nakita kong may message galing sa kanya. Pero paunti unting nawala nung nabasa ko ang reply niya.

"Aaaww. Thank you babe :* Sorry din sa lahat. Happy monthsary to us. I love you too, babe :*"

Sa haba haba ng tinext ko, pinagpuyatan ko pa, yan lang talaga masasabi niya?

Sabagay. Bakit nga ba ako humingi ng kapalit? Sabi nga pag nagmahal ka ng totoo, hindi ka hihingi ng kahit anong katumbas nito.

Naging masaya naman ang araw na yun. Natuwa siya sa regalo at nag enjoy kami sa date namin matapos ang klase.

Pero matapos ng isang linggo, ayan nanaman. Pawala wala nanaman siya. Nagbago na. Hindi na kami tulad ng dati. Hindi na din ako nadadalas sa kanila kasi busy daw siya, at pag hindi naman sasabihi niya next time na lang at pagod siya kaya magpapahinga siya. Inintindi ko lahat yun. Mahal ko eh. Patuloy ko pa din siya tinetext at kinakamusta. Nag uusap pa din naman kami sa school na parang hindi kami nanlalamig sa isa't isa. Pero minsan, bumigay na lang ako at nag iiyak mag isa sa kwarto ko. Hindi ko na kasi alam iisipin ko o gagawin ko.

Eventually, she changed back into a stranger. A stranger I really loved so much.

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon