Chapter 9: Small World

25 1 0
                                    

"Grabe naman pala siya. Ang landi niya ha! Nakakainis. Hindi siya makuntento sa isa! Di man lang siya nahiya matapos ng lahat ng binigay mo sa kanya, at BINIBIGAY pa habang kayo at may nilalandi siyang iba! Kala mo kung sinong.."

Inis na inis siya, obvious naman diba? Pero ayaw ko na siyang pakinggan. Hindi dahil yamot nanaman ako sa kanya. Kundi dahil sinusuri ko sarili ko.

Bakit ako ganito? Ang tagal tagal na nun. Pero bakit parang biglang bumalik lahat ng sakit? Ang sakit sakit.

Bakit ayokong naririnig siyang pinagsasabihan si Demi ng mga ganung bagay? Nasabi ko din naman yun. Mas malulupit pa ngang mga salita ang sinabi ko noon sa sobrang pagkabitter ko kay Demi. Pero bakit ngayon, miski ako nasasaktan dahil sinasabihan siya ng malandi?

Bakit-

"Hoy, Greg!" sigaw niya sa tenga ko.

"Aray ko! Bakit mo naman ginawa yun ha?!"

"Kasi kanina pa ko nagsasalita dito pero parang hindi ka naman nakikinig!"

"Ayoko nang pakinggan. Tama na."

"Ha? Bakit? Hindi ba naka-"

"Wala ka na dun. Ngayon, pwede mo na ba ko iwan mag isa? Nakita mo na ko magmukang tanga, pwede ka na bang umalis?"

"Anong sinasabi mo dyan? Akala ko ba magkaibi-"

"Iyon lang naman gusto mo diba? Ang makita akong naghihirap kasi pinahirapan ko kaibigan mo. Oh ayan na. Kaya pwede ka na makaalis."

Hindi ako nakatingin sa kanya, nakatitig ako sa punong katapat ko pero malayo sa amin. May mga ibong dumadapo sa punong iyon, at ang sarap lang pagmasdan.

"Masyado ka na talagang-"

"Ano nanaman ba? Haven't you had enough!"

Natahimik ulit siya, at mamaya maya, tumayo na.

"Sige. Mauna na ako. Nice meeting you."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot at naglakad nang papaalis ng tuluyan, dahil kahit mag intay siya ng hanggang bukas ay hindi ko na siya kikibuin. Ayoko na magkwento tungkol sa nakaraang iyon. At ayoko na ding makinig sa mga sasabihin pa niya. Mamaya paikutin niya lang din ako. Dibale nang kamuhian niya ako, madami naman nang may galit saken.

What's the difference if another girl gets mad?

Nagdaan ang ilang linggo na hindi ako pumupunta sa bench na yun. Iniisip ko kasi baka bigla nanaman siyang sumulpot dun at kung anu ano nanaman ang sabihin saken.

Matapos ang isang buwan, nag gala ako sa mall kasama ng barkada ko. Kakatapos lang kasi ng final exams ng first semester kaya naisipan naming mag celebrate.

Lima kaming lalaking magkakabarkada simula pa nung highschool: Ako, si Eric, si Paul, si Kurt, at si Ralph. Sa aming lima, ako na lang ang playboy dahil nagtino na sila. Pero simula't sa umpisa si Paul at Kurt ay mga loyal na sa mga niligawan at mga naging girlfriend nila. Si Eric at Ralph naman medyo tagilid lang. Ako ang pinakamalala, simula nung nangyari yung samen ni Demi.

Madalas, kapag gumagala kami nitong mga tao, dala namin ang mga girlfriend namin. Noon paiba iba talaga kami ng dala dalang kadate. Pero ngayong nagcollege na kami, ako na lang yung iba ibang muka ng babae ang nakikita nila.

Kilig na kilig nga yung kung sino man ang girlfriend kong dadalin ko sa gala namin. Kasi natutuwa sila na ipapakilala ko sila sa mga kaibigan ko. Big deal sa kanila yun. Pero para saken, nagkataon lang na napag usapan naming may lakad kami kasabay ng gala naming barkada.

"Oh, ano na Greg? Bakit wala ka ata dalang chicks ngayon?" pang aasar ni Kurt.

Nakaupo kami sa foodcourt nun, nakatambay lang habang wala pang naiisip na gawin.

"Nagpapahinga lang, pre. Baka maubos ko na pera namin sa dami nila eh," sagot ko, at nagtawanan kami.

"Grabe ka naman, Greg. Kailan ka ba titino at magpapaka stick to one na lang?" tanong ng girlfriend ni Paul na si Sofie.

"Nako, Sofie, wag na tayong umasang magbabago pa yang si Greg. Eh tingnan mo ngang hindi na niya mabilang mga naging ex niya!"

"Malay niyo naman may makapagpatino sa kanya!" sagot naman ni Regina, girlfriend ni Eric.

"Sus! Yan pa! Enjoy na enjoy niyang madami siyang chicks eh. Diba, Greg?"

Ngumiti lang ako. Hindi ko na din kasi alam kung ano gusto ko ngayon. Hindi ko na ata kayang manloko pa ng babae. Oo, alam ko napakamanhid o at ang sama sama ko para lokohin lang ang mga babae, pero marunong din naman ako makonsensya.

Sumingit naman ang girlfriend ni Ralph na si Geselle, "Hay nako. Just you wait. There would be a girl who would make the heart of his beat again!"

"True! And that girl would be worth it! Kahit na masaktan ka pa niya, all the pain would be worth it," umaagree na sagot ni Joyce, ang girlfriend ni Kurt.

That girl would be worth it. Kahit na saktan niya ako, all the pain would be worth it.

Totoo ba to?

Gusto ko makapag isip isip at mapag isa. Kaya nagpaalam muna ko sa kanila.

"Mga tol," sabi ko, "and girls," tinignan ko sila, "hiwalay muna tayo. Magkikita na lang ulit tayo mamaya pag kakain na."

"Oh bakit? Saan ka nanaman pupunta?"

"Dyan lang. May titignan lang."

"Sus! Kung alam ko lang, maghahanap nanaman to ng chicks!"

Nagtawanan sila at nakitawa na lang ako.

"Oo naman ano! Papayag ba akong kayo lang may kadate?"

Naghiyawan sila at umalis na ako. Pumunta na lang ako sa music shop. FYI, hindi ako mahilig tumugtog. Ay mali, hindi NA ako mahilig tumugtog.

Dati kasi, tinutugtugan ko si Demi pag magkausap kami sa phone. Wala lang, gustong gusto niya kasi ang tunog ng gitara. Pero simula nung nagbreak na kami, hindi na ulit ako humawak ng kahit anong music instrument. Masaydong torture.

"Uy, Greg!"

Seryoso? Hanggang dito ba naman nastalk mo ko?

"Amie? Bakit nandito ka?"

"Bawal na ba ko maggala ngayon?" mataray niyang sagot, "Tsaka wag kang assuming. Di ako pumunta dito dahil sayo. Kasama ko yung kadate ko."

Hinila niya yung lalaking nakatayo sa may likuran niya, at ikinagulat ko kung sino.

"Greg, meet Lawrence, boyfriend ko."

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon