Chapter 4: Prove to Her

13 0 0
                                    

"Hindi naman lagi, diba?"

"I know that you know better than that, Greg. Bakit ba ang kulit kulit mo ngayon? May naloko ka nanaman ba?" pang-aasar niya. Kahit muka siyang masungit, nakangiti naman siya kaya okay lang na mangulit ako.

Kinurot ko siya sa pisngi, which she hates. "Ow! What was that for?"

Nginitian ko siya, "Hindi mo ko pinapansin eh! Kanina pa tayo dito sa swing nakaupo pero basa ka lang ng basa ng libro mo dyan."

"Uuuy. May nagtatampo?"

Kinurot ko ulit siya sa pisngi, "Aray! Ano ba!" sigaw niya na inis yung boses pero yung mukha niya nakangisi na. 

"Pansinin mo nga kasi ako! Seryoso ako dito oh!" demanda ko na parang bata, which she likes.

"Wow. Si Gregory Roque? Magseseryoso? O.M.G! Magugunaw na ba yung mundo?" pang-aasar niya nanaman pero hindi niya pa rin ako tinitignan at nakatuon pa rin yung atensyon dun sa librong binabasa niya. Kaya ang ginawa ko, tumayo ako sa kinauupuan kong swing set at bigla siyang binuhat ng parang sako.

Tumili siya at napakasakit sa tenga. Feeling ko nabingi ako.

"GREGORY VICTORINO ROQUE! IBABA MO KO NGAYON DIN! IBABA MO KO! GREEEEEEEG!"

Tawa ako ng tawa sa reaksyon niya. Wala akong pakielam kung pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan sa park, "Ayoko! Hanggat di mo ko papansinin, hindi kita ibababa."

"Ayoko! Hindi kita trip kausap! Bading ka bading! Ibaba mo na ko sige naaaaaaa!"

"Bahala ka dyan. Magwala ka all you want pero hindi kita ibababa hanggat di ka pumayag na kakausapin mo ko."

Narinig ko siyang buntong hininga, "Oo na, oo na. Kakausapin na kita ibaba mo na ko!"

Ngumiti ako pero hindi ko pa rin siya binaba. Dinala ko siya papunta sa kotse ko.

"Hoy, Greg! Sabi ko ibaba mo na ko!"

"Baka tumakbo ka pag binaba kita eh. Kaya sa loob ng kotse kita ibababa para wala kang takas."

Hinampas hampas niya likod ko hanggang nakarating na kami sa kotse, binuksan ko yung pinto ng passenger's seat at iniupo siya dun at kinabitan ng seatbelt.

"Ops," sabi ko, "oras na lumabas ka dyan hindi lang buhat aabutin mo saken."

Inirapan niya ko pero sumunod naman siya at kumalma na sa inuupuan niya. Nung nakasakay na ko, pinaandar ko yung kotse ko at nagdrive na ko.

"At saan naman tayo pupunta?"

"Wala, iikot ikot lang tayo dito sa village niyo. Baka may makita rin tayong nagtitinda ng kwek kwek or ice cream. Nagutom ako kakabuhat sayo."

"Sino ba kasi nagsabing buhatin mo ko ha? Nananahimik ako sa pagbabasa ng libro ko eh."

Ang cute cute niya talaga pag naiinis. Sarap kurutin ng pisngi niya sa kacutean niya.

"Oy!" sigaw niya, "Natulala ka dyan? Nagandahan ka saken ano?" pang-aasar niya.

"Oo, bakit? May reklamo?" sagot ko, at nilapit ko yung muka ko sa kanya. Tumigil din muna kami sa isang kanto, nakita ko kasi na may ice cream shop na malapit.

Hindi siya nakakibo at napansin ko ring namula siya. Kaya hindi ko napigilang matawa sa kanya. Ang cute cute niya rin pag biglaang kinikilig.

"Hmph. Ewan ko sayo."

"Tara, baba na tayo," aya ko, "May ice cream shop dun oh. Libre ko."

Nag-order siya ng banana split. Favorite niya yung ganun eh. Yung hindi niya kailangan mamili ng flavor kasi tatlo naman na ung flavor na nandoon, chocolate, strawberry, at vanilla or minsan mango. Tapos may banana pa sa taas at cherry. Sabi niya para medyo feeling healthy eating pa rin siya. Ako naman, cookies and cream lang inorder ko na nakacone. Mahilig ako sa ice cream pero may gusto talaga akong mapag-usapan namin.

"Amie, alam mo na ba yung sagot sa tanong ko nung isang linggo?"

Napatigil siya sa pagkain ng ice cream niya, "Paano kita mabibigyan ng chance?"

Tumango ako. Kinakabahan na tuloy ako bigla. Natatakot ako sa isasagot niya saken. Pero tatanggapin ko kahit ano. Kung hindi niya ako bigyan ng chance, siguro dapat maging masaya na ako na pumayag siyang maging friends pa rin kami. Atleast, atleast pwede ko pa rin siyang makasama.

"Prove it to me," sagot niya, "Prove to me na totoo yung nararamdaman mo para saken. And not just that. Prove to me na hindi ka na babalik sa dating ikaw na manloloko. Prove to me na hindi ka talaga kagaya nung mga ex ko, at hindi mo ako igagaya sa exes mo. Prove to me na hindi mo talaga ako iiwan. And prove to me na hindi mo talaga ako sasaktan."

Natulala ako. Hindi ko ineexpect yung sagot niya. Prove it to her? Pero paano? What if siya mismo naghohold back at ayaw maniwala saken? Paano kung I've done everything to prove it to her pero hindi pa rin enough sa kanya mga ginawa ko?

"How?"

"I don't know, Greg. Nasa sayo na yun. If your feelings for me are true, then you will find a way to prove those things to me."

Tumango lang ako, "Okay." Ngumiti siya saken at pinagpatuloy na yung pagkain niya ng ice cream.

Just you wait, Amie. I will.

Pagkatapos ni Amie kumain ng ice cream, nagdrive ako palabas ng village nila. Gusto ko sanang magdrive through kami sa McDonalds para bumili ng food. Habang nagbabasa siya ng libro niya sa byahe, nagpapatugtog lang ako ng music sa kotse. Madalas ganito yung bonding namin pag nagkikita kami ever since nung nagbreak sila ni Lawrence.

Pag gusto niyang lumabas ng bahay nila, susunduin ko siya sa kanila, tapos pupunta kami sa park na malapit sa kanila, or kung san man siya mag-aya. Masaya na akong ganito lang kami sa ngayon. Pero nung isang linggo, hindi ko natiis magtanong.

"Amie, just a rhetorical question," Whoo, sige Greg. Kaya mo yan. "What if may gustong manligaw sayo ulit? Papayag ka ba?"

"Paano naman tayo napunta sa usapang ganyan, Greg?"

"Wala lang. Napaisip lang ako," huminto ako kasi iniipon ko lahat ng lakas ko para sa susunod kong itatanong sa kanya, "Paano kung ako?"

Nagulat siya, nakita ko sa paglaki ng mga mata niya tapos nakatitig lang siya saken. Ako naman hindi siya matignan. Feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa kaba.

Wow. Ikaw? Kinakabahan? Umayos ka nga! Man up will you!

"Hm, siguro!" masaya niyang sagot, na ikinagulat ko naman. Masaya siya? "Hindi naman kasi ako bitter masyado sa love eh, di tulad nung iba," pagpapatuloy niya, "Okay ang saken na itry ulit na magmahal. Pero, hindi yung pilitan. Gusto ko yung... yung go with the flow lang. Ayoko na maghanap, gusto ko ako naman yung hanapin. For once, gusto ko maradaman na hindi lang ako yung nag eeffort na magstay. Hindi lang ako yung nagmamahal. Gusto ko, for once, hindi na ako yung unang babagsak."

Bigla akong nabalik sa reyalidad nung may dumaang pusa sa kalsada. Napapreno tuloy ako ng malakas. Buti na lang nakaseatbelt siya. Narealize ko rin na malapit na kaming makalabas ng village nila.

"HUY GREG!" sigaw niya sabay hampas ng malakas sa braso ko, "Magdahan-dahan ka nga! Madidisgrasya pa tayo dahil sa pagdedaydream mo eh!"

"Sorry na, di na mauulit."

"Ano nanaman ba kasi iniisip mo? Parang ikaw tong brokenhearted sa atin ah?" pang-aasar niya.

Inignore ko siya, "Ano gusto mo for dinner? Bilhan na rin natin sila tita,"

"The usual," sagot niya. Which is para sa kanya, Crispy Chicken McBurger with Large fries and Monster Coke McFloat, tapos para kela tita, ang lagi niya lang pinapabili ay tig-two piece chicken sila. Oo, gusto niya sa kanya yung special. Ang cute cute niya talaga minsan.

"Okay, ma'am. The usual it is then," sagot ko, at nginitian siya. Medyo namula pa nga siya. Pero binalik na ulit niya yung focus niya sa binabasa niyang libro.

Nasa main road na kami at nagdadrive na ko papunta sa pinakamalapit na Mcdo, pero thirty minutes pa yung byahe. And within minutes, she was already sleeping. Antukin kasi siya eh. Basta nasa malamig na lugar, mabilis siyang antukin tapos may soundtrip pang kasama. At ang sarap niyang panourin matulog. Ang himbing. I really love this girl.

At bukas, I'm gonna start proving to you that I have really fallen for you.


Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon