Chapter 4: She Moved On

26 1 0
                                    

"In order to move on, you must understand why you felt, what you did, and why you no longer need to feel it."
— Mitch Albom

Nabasa ko to sa libro ni Mitch Albom na The Five People You Meet In Heaven. Ang ganda ganda ng librong yun. Isa yun sa mga paborito kong libro.

Sa libro kasing yun, pinakita at pinarealize sa bida kung ano ang naging epekto ng ibang tao sa buhay niya at miski ang epekto niya sa buhay nila.

At dahil patay na yung bida, kailangan niyang iaccept ang mga bagay bagay at magmove on, para makalagpas sa five stages na iyon.

It's been eight months since nagbreak kami ni Josh, and all I did was focus on my studies and magpakasaya kasama sila Gracie. I realized na kaya ko maging masaya kahit wala siya. And ito, second year college na ako at matatapos na ang first semester.

Narealize ko na kahit two years pa ang naging relasyon namin ni Josh, kaya ko mabuhay ng madami pang taon na hindi siya kasama.

I accepted what had happened, and I chose to move on.

Ayoko na kasing magmukmok at magdadrama. That would just hold me back sa pagiging masaya ko. Hindi ko kailangan sayangin luha ko sa hindi naman worth it na tao.

I just need to accept the fact that it's all over. Kailangan kong tanggapin na may purpose kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. Kung bakit naging kami pero hindi tumagal. Kung bakit siya nagcheat. Kung bakit ako nasaktan. At kung bakit kailangan ko kalimutan lahat para makabangon ulit.

Kailangan kong matutunan na mabuhay ulit ng wala na siya sa daily routine ko. Kailangan kong masanay na mag isa na lang ulit. Kailangan ko maging matatag. Kasi alam ko na dadating din yung taong para saken. Yung taong mamahalin na ko ng totoo. Walang lokohan. Walang sakitan. Walang iyakan.

Puro saya na lang.

Then I met Lawrence. Part siya ng pagmumove on stage ko. Pinakilala siya saken ni Gracie, friend daw siya ng kabarkada niya nung highschool, and recently naging single.

Sila yung nagset up ng date namin, and it went well. Sweet siya and isang gentleman. May itsura din siya. And sabi niya, he too is currently moving on from his ex. Di na namin masyado pinag usapan ang past. Mas napag usapan namin yung traits, favorites, yung mga basic topics pag first date.

Eventually umulit yun ng umulit hanggang sa tinanong niya ako if I could be his girlfriend. And I said yes.

Hindi siya kasing bongga nung kay Josh. Pumunta siya sa bahay and brought flowers and chocolates, and asked me directly. No banners. No cheers from other people. Simple.

Alam kong masyadong mabilis. Baka hindi pa ko totally nakakamove on kay Josh, and baka hindi pa din siya totally nakakamove on sa ex niya. Baka masaktan nanaman ako. Baka mag iiyak nanaman ako. Pero, ano naman? Gusto ko itake yung risk na ito. Kasi malay ko ba, baka hindi naman ako masaktan. Baka hindi naman ako umasa.

Baka this time.. Baka lang naman. Baka sakaling hindi na worth it na tong pagmamahal ko.

That day, pumunta kami ng mall. Just to celebrate our first day of being an official couple. Nilibre niya ako ng sine at kumain. Tapos pumunta kami sa isang music shop. Gusto ko kasi tignan kung nagdiscount na yung pinag iipunan ko na keyboard.

Hindi ako marunong tumugtog. Bibilin ko yun para sa kapatid kong si Mel, short for Melinoe. Ibibigay ko yun sa kanya para sa birthday niya sa december. Matagal na niya kasing gusto nun eh. Para daw matuto siya ng maayos at hindi lang nakakapanoud sa youtube. Kaya, nagpromise ako sa kanya na reregaluhan ko siya sa birthday niya. Pero grabe ang mahal talaga. Tipid na tipid ako sa baon ko everyday. And ang hirap mag ipon kasi madaming gastusin sa school, at tinatry ko ding tumulong sa gastusin sa bahay.

And the unexpected happened.

"Uy, Greg!"

Bakit nga ba nandito tong lalaki to?

"Amie? Bakit nandito ka?" iritang tanong niya.

"Bawal na ba ko maggala ngayon?" mataray kong sagot, "Tsaka wag kang assuming. Di ako pumunta dito dahil sayo. Kasama ko yung kadate ko."

Hinila ko si Lawrence para ipakilala siya kay Greg. Not that he cares. Pero for formality lang.

"Greg," sabi ko, "meet Lawrence, boyfriend ko."

Nanahimik si Greg. Parang gulat na gulat siya kay Lawrence. Tapos bigla na lang niyang sinapak.

What the-

Tumilapon si Lawrence at bumangga siya sa mga gitara, isa dun nasira, at madaming naging damage yung iba.

"Lawrence!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya. Tinignan ko si Greg na kung pwede lang ay makapatay na, "Greg, ano bang problema mo ha!"

"Niloloko ka lang ng lalaking yan!"

Wow ha? Sayo pa talaga nanggaling yan, Greg?

"Amie, siya yung-"

"REALLY? Coming from you, Greg? At ano naman ang karapatan mo sabihan siya niyan eh mismong ikaw isa kang walang hiyang manloloko!"

Hindi siya nakaimik.

Ha! Ano, tiklop ka no? Makapagsalita ka kala mo kung sinong hindi manloloko!

"Pwede ba, Greg?" dagdag ko, "Kung gusto mo maglabas ng galit dun sa ex mo, wag ka mandamay ng iba. Andami mo nang nilokong babae, idadamay mo pa kami ni Lawrence," at tumayo na ako habang inaalalayan si Lawrence sa pagtayo.

"Pero Amie-" sabi niya pero di ko na siya pinatapos. Ayoko siyang makita. Sinira niya ang magandang araw ko.

"Tumabi ka dyan!" sigaw ko  at hinawi ko siya sa daanan at lumabas na ng shop.

Laking harang peste!

"Ano, babe, okay ka na lang ba ha?" tanong ko nung naglalakad na kami palayo nung shop, "Patingin nga niyan, may sugat ba? Masakit ba?" hinawakan ko muka niya at nakita na namumula yung pisngi niya, na medyo nagkukulay violet na.

"Okay lang ako, babe. Wala lang to."

"Bwiset! Ang lakas ng topak niya! Ugh!" inis na inis kong sigaw.

"Mas affected ka pa ako tong nasapak," nagbibiro niyang sabi.

Ngumiti ako, "Eh kasi naman eh. Makapagsalita kala mo kung sino."

"Sino nga ba yun? Bakit kilala mo yun?"

"Ex yun ni Zoey. Ang dakilang Mr. Playboy ng bayan. Halos lahat na ata ng babaeng nakilala niya niloko na niya. Nakakasar! Sarap patayin!

Natahimik siya.

"Oh bakit?"

"Wala lang," sagot niya tapos ngumiti, "Ang cute mo magalit eh."

Ngumiti din ako at naglakad na kami palabas ng mall. Hinatid niya ako sa bahay at nag goodbye na.

Nung nakahiga na ako at matutulog na, inisip ko lahat ng nangyari kanina.

Ano bang nangyari dun kay Greg? Hindi naman ata yun magwawala ng ganun ng basta basta lang. Kahit ganun yun, nakita ko namang may good side pa din siya. Pero.. Bakit niya naman sasabihan ng ganun si Lawrence? Totoo ba yun?

Katulad nga ng sabi ko, hindi namin masyadong pinag usapan ni Lawrence ang past namin. Ang alam lang namin pareho, halos kakatapos lang namin sa isang relasyon.

Paano kung totoo? Paano kapag..

Hindi. Hindi. Si Greg ang may problema. Bakit kaya? Ano ba kasi meron. Kailangan ko malaman. Hindi ako mapipirme hangga't hindi ko nalalaman kung bakit nagkaganun si Greg.

Hindi kaya.. Nawawala na pagkamanhid niya?

Hay nako, Amethys! Wag kang assuming. Kaya ka nasasaktan eh.

Pero.. Greg, bakit?

Dito at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon