Nallyza Lutevilla
2 weeks. Dalawang linggo na ang nakaraan ng putulin ko ang communication ko kila Rhyniel. Umuwi ako sa probinsya kung saan ako lumaki. Kung saan ako pinanganak at kung saan ko siya nakilala.
Mag- isa na lang ako ngayon. Patay ng magulang ko. Nililigawan pa lang ako ni Rhyniel nang unang mamatay Tatay ko dahil sa sakit sa puso. Sumunod naman si Nanay pagkatapos kung magkapagtapos ng grade 12. Isa din yun sa dahilan kung bakit mas pinili kung sumama kay Rhyniel sa Manila at piniling mag pakasal sa kaniya. Dahil mahirap ang mag isa kaya akala ko habang buhay makakasama ko siya. Ngunit nagkamali ako. Hindi naman ako nagsisi na minahal siya dahil kung hindi ko yun ginawa hindi ko siya makilala. Hindi ko naman hawak ang tadhana kaya wala akung dapat sisihin. Kung may pinagsisihan man ako, yun ay tinigil ko ang pangarap kung maging doctor para lang bumuo ng pamilya kasama siya.... nakakatawa.
"Hahanap ka ba ng trabaho ngayon? Balita ko naghahanap ng tindera si Aling Pasing. Bat dika dun magtrabaho. Malapit lang siya dito"umupo sa tabi ko si Hellen.
Si Hellen ay pinsan ko. Anak ng Kapatid ni Nanay na si Tita Ann. Nabalitaan niya kasi na umuwi ako kaya pumunta siya dito para kamustahin ako hanggang sa lagi lagi na siya nandito kung minsan nga ay dito na siya natutulog para daw may kasama ako.
Close ko si Hellen. Since elementary mag kasama kami. Pareho kasi kaming only child kaya parang magkapatid na ang turingan namin. Kilala niya din si Rhyniel. Siya unang nag congrats sakin ng malaman na sinagot ko si Rhyniel bilang boyfriend ko. Saksi din siya sa mga pinaghirapan ni Rhyniel para lang mapasagot ako. Ang hindi niya lang alam ay nakasal ako sa kaniya. Ang akala niya sumama ako kay Rhyniel para magtrabaho. Sa loob ng 5 years na pagsasama namin ni Rhyniel ni minsan hindi ko siya natawagan para sabihin na kasal na ako. Pabor nadin sakin yun dahil ngayon na hiwalay na kami wala na din dahilan para sabihin ko pa yun.
"Si Aling Pasing yung may Convention Store sa kabila?"tumango naman siya. Kumakain siya ng piattos habang nagsasalita.
"Oo bumili kasi ako doon. Alam mo na malakas pandinig ko kaya narinig ko usapan nila Tanya. Gusto kasi nila magtrabaho dun"
Napailing naman ako. Malakas daw pandinig dipa sabihin na chismosa lang siya.
"Yun naman pala eh. Isa lang naman ata kailangan ni Aling Pasing. Siguro hindi ako makukuha dun. Baka nauna na sila dun o di kaya nagtrabaho na"
Kung kanina niya pa nadinig panigurado nag apply na yun sila. Baka nga nagsimula na sila mag trabaho.
"Nally hindi naman trabaho gusto nila dun"
"Huh? eh ano?"kumuha ako ng pagkain niya at sumubo. Hindi naman niya ako pinigilan.
"Dadating daw kasi anak ni Aling Pasing"
Kumunot naman ang noo ko "Oh tapos? Ano connect nun?"
Umikot naman mata niya. Abat tinarayan ako.
"Duh! Hindi mo alam? Madami nakapagsabi na gwapo daw anak ni Aling Pasing. Isang beses pa lang siya bumisita dito kasi hindi naman siya lumaki dito. Narinig ko nga na mayaman daw siya kasi mayaman Papa niya. Kaya ayun nakaya niyang bigyan Nanay niya ng Tindahan."
Gets ko na. So ang habol ni Tanya doon ay yung lalaki. Sa bagay High School pa lang kami ng makilala namin si Tanya. Dami na ng naging karelasyon niya. Maganda kasi siya kaya lapitin din ng mga lalaki. Yun nga lang kinulang sa aruga kaya ngayon mataas tingin sa sarili. Akala niya ata lahat ng bagay nakukuha niya.
"Hayaan mo na siya. Ayusin niya lang kamo trabaho niya baka magustuhan pa siya ng lalaking yun"
Baka isa din yun sa mahilig sa magaganda. Pumapatol sa mga babae basta maganda. Mga lalaki nga naman ngayon.
BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomanceNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...
