Nallyza Lutevilla POV
Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng matiwasay kahapon. Nakilala ko naman yung babaeng papalit sakin si Ate Amelia. Hindi na kami naka pag usap ng maayos. Siguro dahil sa nawalan ako ng gana dahil sa nangyari.
Bakit kasi sa dami dami na pwedeng mangyari bakit yun pa. Baka isumbong ako non kay Maam. Kakapasok ko pa lang eh!! Grave naman
"Yan kasi, Puro ka nega. Mukang mawawalan ka pa ng trabaho"sabay subo niya ng pagkain
Tuwing magkikita kami puro na lang pagkain dala niya.. siya lang naman kumakain. Umagang -umaga binobolabog ako. Kinamusta kung na tanggap ba ako kaya kinuwento ko sa kaniya lahat. As in lahat hanggang sa lalaking yun.
"Teka!! Bat parang kasalanan ko pa?"
Taka naman niya akung tinignan "Bakit hindi nga ba? Kung hindi ikaw ehh di sino may kasalanan? yung lalaki?"
"Ako"mahinang sambit ko. Akmang magsasalita siya pero inunahan ko siya "Pero hindi ko yun sinasadya. Malay ko bang anak pala yun ni Maam. Atchaka ang weird kasi ng outfit niya kaya akala ko magnanakaw. Kung tutuusin mali din Yung lalaki. Aba!! Paano kung may makakita sa kaniya tapos gayahin siya ede lagot ako"
Totoo naman ah, Sino di manghihinala. Naka shades at mask? Kulang na lang tawaging sindikato yun eh..tapos paano may gumaya. Akala ata nung lalaki perfect siya eh no
"Hindi ba pwedeng naging active lang ako sa trabaho. What if hindi pala anak yun ni Maam tapos hinayaan ko lang. Makakatapal pa ako"
Tumango naman siya na parang naiintindihan sinabi ko. Diba? Tama naman ako. Hindi naman sinabi sakin kaya bakit ko naging kasalanan.
"Sabagay tama ka. Ehh pano yan Nally. Ano gagawin mo mamaya? Baka mamaya magpunta yun doon"
"Yun na nga problema ko. Pano ko siya haharapin"
Bat kasi napaka malas mo Nallyza eh. Ang ganda ganda na ng trabaho mo eh. Tapos isang araw mawawala lang.
"Eh nally diba sabi mo gwapo siya?"
"Oo?"
Hindi ko naman kailangan mag sinungaling. Totoo naman na gwapo siya. Laking mayaman. Maputi. So para saan pa kung obvious naman
"Kung hindi mo na kaya andito lang ako ha! Pwede kitang palitan, tutal sabi mo naman hindi ka makaalis dun kung wala kang kapalit so.. Free ako"
Nung una ay naguluhan pa ako. Nang mapag tagpi tagpi ko ang lahat ay doon ko na naintindihan ang gusto nitong mangyari.
"Hellen Mae Chavez"sinamaan ko siya ng tingin. Alam na niya na kapag sa oras tawagin ko siya sa buo niyang pangalan ay hindi na ako natutuwa pa. Mabilis naman ito napainom sa juice na pinagtimpla ko sa kaniya kanina..
"B-bakit?"utal nitong tanong. Hindi ko padin inaalis ang tingin ko sa kaniya.
"Magsabi ka nga ng totoo. Kaya ba gustong gusto mo ako makapagtrabaho doon dahil gusto mo makita yung lalaking yun ha!?"sigaw ko. Napatakip naman siya ng tenga at umiwas ng tingin..
"Hindi ah!"
Hindi ako naniwala. Nag cross arm pa ako para ramdam niyang nagagalit talaga. Tumalab naman ito kasi napainom pa siya lalo hanggang sa maubos nito ang juice. Nainis naman siya.
"Fine" bumuntong hininga siya . Magsasalita rin pala. Kailangan pang takutin. Tinanggal ko naman ang pagka cross arm ko at hinintay siyang magsalita.
"Ginawa ko talaga yun para sayo. Alam kung kailangan mo talaga ng trabaho. Pinilit kita dahil una ,malapit siya dito kaya dimo na kailangan mamasahe.. Tapos"tumigil siya tumingin sakin.
"Gustokomagkaroonkangboylet"mabilis itong tumayo at tumakbo. Natigilan naman ako at inintindi ang sinabi nito. Sa sobrang bilis ng pagkakasabi niya hindi ko masyadong naintindihan.
Mabilis na lumaki ang mata ko ng mag sick in sa akin ang sinabi nito. Mabilis akung tumayo at hinabol siya. Umikot ito sa sofa kaya sinundan ko siya..
"Waaahhh!! Wag ka na magalit Nally!!"Sigaw nito.
"Anong di magagalit? G*ga ka. Trabaho gusto ko. Trabaho ,trabaho ,TRABAHO!! Naiintindihan mo"
Kumuha ako ng unan sa sofa at tinapon sa mukha niya. Natamaan siya. Mabilis akung tumakbo sa kaniya at kiniliti.
"Yaaahh!! Hahaha Na Hahaha Nally hahaha tama hahaha tama na haha"
"Hindi. Bagay yan sayo. Ito pa "
Natawa na lang ako ng maghina ang tuhod niya at bumagsak sa semento. Tinigil ko na ang pagkiliti kasi napansin ko na sa mata niya ang pagod. Unti unti nawala ang tawa niya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa semento at umupo doon.
"Pero Nallyza totoo ang sinabi ko. Gusto ko makahanap ka na ng maging boyfriend mo"
Nawala ang ngiti ko. "What do you mean?"
Sumeryoso ang mukha niya at tinignan ako ng seryoso. "Sa tingin mo ba hindi ko malalaman na hindi mo pa din binubura ang picture mo ng ex boyfriend mo or should is say ex husband mo"
Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin sa malayo. Alam ko naman na malalaman niya din kasi siya lang ang nakakaalam ng password ng cp ko. Pero hindi ko inaakala na malalaman niya agad.
"I saw your wedding picture in your phone. Hindi na ako magtatanong kung bakit itinago mo saakin na kinasal ka, pero ang tanong ko sayo. Bakit hindi mo padin binubura ang picture niyong dalawa? at bakit hindi mo pa din pinapalitan ang cp number mo. Para saan? Wag mo sabihing hinihintay mo tawag niya? Text niya? Ganun ba Nallyza"
Tinikom ko ang bibig ko at dahan dahan na tumango. Narinig ko ang pagmura nito.
"Nallyza naman"ramdam ko ang galit niya. "Why? Why are you doing this to yourself Nallyza. Do you still love him?"
Hindi ako sumagot.
"Please answer my f*cking question to you Nallyza. Do.you. still.love. him? Nall--"
"Oo!! Oo I still do"sigaw ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Hindi naman yun nawala eh. Siya lang nawala pero yung pagmamahal ko nandito pa din. Nandito" tinuro ko ang puso ko.
Kung kaya kulang tanggalin matagal ko na ginawa. Matagal ko na sana iniwan sa kanila kung kaya ko lang.
"5 years. 5 years kaming nagsama Hellen. Idagdag mo pa yung pagsasama namin nung naging kami. Pano ko maaalis yun. Paano?... Siguro tama ka. Kaya hindi ko pa napapalitan yung sim ko kasi umaasa ako. Umaasa ako na kahit isang sorry lang. Isa lang. Kahit i text niya pa wala yung problema. Gusto ko lang malaman kung, kung wala na talaga. Kung nagsisi ba siya sa ginawa niya.. yun lang naman eh.. yun lang"
"Nally"
"Wala na eh. Hindi na siya sakin. Hindi ko na siya pag aari. Wala na akung karapatan sa kaniya. Kahit sa picture man lang. Kahit doon lang. Gusto ko maramdaman na ako pa. Na ako pa din yung mahal niya. Kahit ang totoo hindi niya ako minahal . Ang sakit Hellen. Ang sakit"
Sa picture na lang siya makikita na habang nakatingin sakin. Yung ngiti niya na naging dahilan bakit ko siya minahal ng sobra. Sa picture ko na lang siya nahahalikan kahit hindi na na niya iyon maramdaman. Sa picture ko na lang masasabi na akin siya. Yun na nga lang yung natira sakin. Yun na lang .hahahah...pambihirang buhay naman ito
Mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako. Yumakap naman ako at humagolgol sa kaniya.
"Sssshh iiyak mo lang. Nandito lang ako"
"Gusto ko bumalik sa panahon na hindi ko pa siya kilala. Sa panahon na ang inaalala ko lang kung paano ako makakapasa sa exam. Kung paano tatakas kila mama para lang makagala tayo. Kung paano Ako magdadahilan sa teacher ko kapag wala akung assignment. Gusto ko balikan yun. Hindi ganito. Ayoko ng ganito Hellen. Ayoko. Ayokong masaktan"
Kung pwede ko lang ibalik lahat. Hindi ako masasaktan ng ganito. Hindi ako luluha ng ganito. Kung alam ko lang na taong mamahalin ko ay sasaktan at lolokohin lang ako. Hindi na sana ako magkakaganito.
Naramdaman ko ang paglabo ng mata ko. Hanggang sa dumilim na ito.
"Nally!!NALLY!!"
BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomanceNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...
