POP 8

12 0 0
                                    

Third Person POV

"Ano ng gagawin natin?"

Litong lito na ang magkasintahan na si Lester at Maria. Parehong hindi alam ang gagawin. Tatahimik lang ba Sila o mag iingay o isasawalang bahala na lang nila o hindi nila alam.

Pagkaumagahan pagkatapos nilang mag usap ng pinsan ni Hellen ay doon na nagsimula ang pag alala nilang dalawa kay Hellen.

"I think we need to tell this to Rhyniel"mabilis na pinatigil ni Maira si Lester sa biglang naisip nito

"Then what? Magugulo lang lahat Babe. Remember? 2 weeks from now ikakasal na si Rhyniel at Kebian. 5 months manganganak na din si Kebian. Hindi pwede yang iniisip mo"

Umiling ng umiling si Maira. Na sinasabi na masyadong delikado ang naisip ni Lester. 2 years na magkasama si Lester at Maira at sa loob ng 2 years na yun nakalilala na Niya ang nga kaibigan nito kaya alam niyang malaking gulo ang mangyayari sa oras na malaman ng lahat na buntis si Nallyza

Ginulo naman ni Lester ang buhok niya at umupo sa sofa.

"But Babe. Rhy needs to know the truth. Anak niya yun diba. May karapatan siyang malaman"

"Oo"mabilis naman sumang ayos ni Maira "Oo karapatan ni Rhyniel yun. But Babe.. Tayo!! Tayo ang walang karapatan dun. Kung may dapat magsabi nun si Nallyza yun. Sya ang Ina, Siya ang manganganak hindi tayo. Ano sa tingin mo magiging reaction ni Kebian pag nalaman niya ito. Do you think she will be happy? No. Pano kung sugudin nun si Nallyza"

"Eh buntis din yun. Mahihirapan yun gumalaw"bulong ni Lester na dinig naman ni Maira kaya sinapok naman niya naman ito sa ulo.

Napaaray naman si Letser at ngumuso. Hinimas nito ang ulo niya at nagpapasalamat sa bathala na hi di yun natanggal.

"Bubulong bulong ka pa. Ang lakas ng boses alam mo ba yun. Atchaka ano bang kalseng pag iisip meron ka ha!!. Bat ba ako nagmahal ng sobrang b*bo"

"HOY!! GRABE KA AH!! WAG NA----heheh Sabi ko nga tatahimik na ako I love u"nag piece na lang si Lester. Titiklop ka talaga pag yung kasintahan mo sasamaan ka na ng tingin.

"I'm serious Lester. Kilala mo si Kebian. Marami yung galamay. Baka nga ngayon may nagmaman man na kay Nallyza"

Pareho silang natahimik. Aminin man o hindi ay posibleng tama si Maira sa lahat ng sinabi niya. Kaya maaring delikado ngayon si Nallyza

Kahit naman na wala ng tiwala sa kanila si Nallyza hindi ibig sabihin nun ay dadagdagan pa nila ang kasalanan na nagawa nila. Tama na yung sakit na binigay nila kahit ngayon lang tutulong sila dahil hindi lang si Nallyza ang kasama dito pati ang bata.

"Tingin mo ba may balak pang sabihin ni Nallyza yun Kay Rhyniel pagkatapos ng lahat ng ginawa nila. Divorce na sila diba?"

Iniisip ni Lester kung anong gagawin ni Nallyza sa sarili niya. Baka mapahamak silang pareho ng anak niya.

"Gaya ng sabi ko, si Nallyza parin ang magdesisyon. Kailangan na Lang natin gawin ay bantayan ang mag Ina at hayaan silang mabuhay ng payapa"

Nallyza Lutevilla POV

Nagising na lang na umaga na. Ramdam na ramdam ko ang hina at sakit ng katawan ko lalo na ang tiyan ko..

"Oh gising ka na"

Bumangon ako at tumingin sa mesang maliit na nakalapag sa kama na hinihigaan ko. May kanin at ulam na din ang nandoon.

"Kumain ka muna. Alam kung gutooom na gutom ka. Isang araw kang walang kain kaya paniguradong nagwawala na alaga mo sa tiyan, maawa ka naman" hinaba pa nito ang nguso niya.

"Salamat"

Kumain na lang muna ako. Sa bawat sa subo ko alam kung pinagmamasadan niya Ako. Ramdam ko ang pag alala niya. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng ginagawa niya. Sapat na sakin na andjan siya sa tabi ko kaya hindi na ako nag iisa.

Tinapos ko ang pinagkainan ko. Nang makita niyang tapos na ako ay bibigyan niya ako ng isang basong tubig. Pagkatapos kung inumin yun nilagay ko sa plato na pinag kainan ko. Niligpit niya naman lahat yun kasama ang maliit na lamesa.

"Ohh ok ka na?"tanong niya.

"Oo. Salamat"

Ngumiti siya at umupo sa harap ko. "Nally. Hindi dapat ako mag dalos dalos diba? Pero kailangan kung malaman ito. Ano bang plano mo? Para sayo at sa magiging...."tumingin siya sa bandang tiyan ko at ngumiti sabay tingin sakin"anak mo?"

"Anak ko?"

Tama buntis nga pala ako hahaha. Hinawakan ko ang tiyan ko at dahan dahan itong hinaplos.

"Dapat ko bang sabihin sa ama mo baby? O dapat bang itago na Lang kita. Tutal patay na tayo sa paningin niya diba ano lang saysay para sabihin sa kaniya"

Ano pa ba dapat gawin? Kung sasabihin ko ba may magbabago? Babalik ba kami sa dati? Mamahalin nya pa ba Ako? Mabubuo ba kami? Lahat na ng tanong ko masasagot ba?
Hahahahha ang hirap.

"Nallyza. Kung nahihirapan ka. Wag na lang natin ipaalam sa kahit sino na buntis ka. Kung gusto mo magpakalayo layo tayo dito. Itatago natin siya"

Magpakalayo? Kaya ko bang makita ang anak kung lumaki na walang ama? Kakayanin ko ba?

"Sabihin ko na lang kaya Hellen"

Lumaki naman ang mata niya at agad na umiling. "No. Don't you dare!!"masama niya akung tinignan at tumayo "B*liw ka ba? Tingin mo ba aakuhin yan ng g*gong lalaking yun. Diba ikakasal na yun?"

Nagulat ako sa sinabi Niya. "Pano mo nalaman na ikakasal na sya?"

Ni minsan hindi ko naman na banggit sa kaniya si Rhyniel ah. Pwera na lang sa mga sakit na binigay niya.

Napatakip naman siya ng bibig. Tela nabigla din siya. May hindi ba siya sinasabi sakin

"Hellen"tinignin ko siya ng madiin.

"Ammm sasabihin ko lang sayo next year ok. Pagtoonan mo na natin ng pansin yang kalagayan mo ngayon" parang si flash yung sumapi kay Hellen. Sa sobrang bilis Niya magsalita hindi ko na naintindhan lahat pwera lang sa sinabi niyang huli.

Gusto ko man siyang pilitin pero tama siya si baby mahalaga ngayon.

"Wala na akung balak sabihin sa kaniya na may anak siya at wala na din akung balak na itago din sa kaniya"

Bumalatay ang taka sa mukha niya. Hindi niya ata naintindhan"Ano daw?"

Natawa na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Wala akung balak makigulo sa kanila Hellen. Ikakasal na siya at magiging ama na din.. hindi nga lang sakin"

"Y-you mean buntis yung kabit Niya?"mabilis na umupo siya sa harap ko kaya napatingin ako sa kaniya sabay tango.

"Hinding Hindi ko gagawin ang ginawa niya sakin. Hindi hindi ko aagawin sa kaniya si Rhyniel para lang pilitin at tanggappin kami bilang pamilya niya"

Kapag sinabi ko sa kaniya hindi din naman sigurado na pipiliin niya kami. Divorce na kami. Magiging pamilya na din sila. Kapag sinabi ko ako pa ang magiging masama. Sa paningin niya at sa paningin nilang lahat. Baka itakwil pa nila ang anak ko. Ok na ako matakwil wag na siya

Mas lalo siyang naguluhan. Minsan naisip ko matalino ba siya o sadyang slow lang ..

"Pwedeng paki short story lang hehehe"kumamot pa siya ng ulo.

"Hellen. Maliit lang ang mundo. Kahit itago ko pa sa malayo ang anak ko. Magkikita at magkikita pa din kami. At kahit na hindi ko sabihin sa kaniya na may anak siya. Malalaman at Malalaman niya pa din yun. At kung dumating ang oras na yun, handa na akong harapin siya."

Ako ang magsisilbing ama at Ina sa anak ko. Ibubuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kaniya na kahit wala ng matira pa sakin. Ang anak ko ang magsisilbing lakas at tapang ko.
Kaya sa oras na dumating yung araw na magkakaharap kami. At maisipan niyang kunin sa akin ang anak ko. Patawadin sana ako ng panginoon, lalabanan ko sila kahit na si kamatayan pa ang kaharap ko.

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon