POP 10

26 0 0
                                        

Nallyza Lutevilla POV

"Here's your change po. Thank you"

Ngumiti sakin ang Isang babae na bumili ng chocolate at drinks. Paglabas ng babae ay umalis ako sa counter at kumuha ng walis. Nag linis lang ako habang naghihintay ng customer. Hindi naman gaano kalaki yung store kaya mabilis lang akung natapos.

Dumating ang gabi ay parami na parami na ang mga customer. Ang iba ay nasa labas na nakaupo.

"Good evening ma'am. Ito lang po ba?" Tanong ko sa isang babae na may dala dalang cup noodles and C2.

"Yes"

"Wait a minute"

Ini scan ko na at lumabas sa computer ang total ng binili niya.

"41 po Ma'am. Thank you" kinuha ko ang bayad nya na 50 at sinuklian ito ng 9 pesos. Habang nilalagay ko sa plastic bag ang binili niya ng magsalita siya

"By the way, this convinence store is really good" tumingin pa siya sa paligid

"Ammm Yes? First time niyo po?"tanong ko

"Yes, I'm just move here yesterday"

Mayamanin ata to. Puro English.

"Really? Come often Ma'am"sabay abot ko ng binili niya.

"Thank you"ngumiti ito at tumalikod.

Napabuga na lang ako ng hangin. Sobrang daming customer ngayon. Ang iba ay medjo kilala ko na. Tinanong pa nga ako kung bakit wala ako ng dalawang araw. Sinabi ko na lang na emergency.

Napaisip ako kung pwede ba ako mag palit ng shift. Ang alam ko kapag buntis dapat maaga natutulog. 10 pm pa off ko kaya baka mapano ang anak ko.

Biglang napunta ang kamay ko sa tiyan ko. Hinimas ko ito. Hindi pa naman halata na buntis ako. Wala lang nakakapansin. Pag malaki na at mahihirapan na akung gumalaw baka mag stop na ako sa pag t-trabaho.

"Sana maging sapat yung peramg maiipon ko dito" mapait akung ngumiti. Hindi ko maiwasan mag isip ng negatibo. Anong mangyayari sa pagpapanganak ko? Kung saan ako kukuha ng ipang gagastos sa kaniya. Kung kaya ko bang alagaan siya. Sobrang daming tanong. What if.

"Bahala na nga"

Lumipas ang gabi at 9 pm na. Pa kunti kunti na din ang mga tao. Hanggang sa wala ng natira. Ay meron pala pero hindi tao kundi mga kalat.

May 1 hour pa naman ako para mag linis. Nagsimula ulit ako mag linis. Nagpupunas ako ng mesa ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Tinigil ko ang pagpupunas at kinuha yun bago sagutin

"Hello Hellen"

[Nally!]

"Yes Heleen. Bakit?"

Inipit ko sa tenga yung cellphone ko tapos nagpatuloy sa pagpupunas.

[Mamaya ka pa ba uuwi?]

"Malapit na ata. 30 to 40 min. Off ko na. Bakit? May ipapaibili ka?" Tuwing uwian ko kasi nagpapabili siya. Chichirya or noodles. Depends sa kung ano gusto niyang kainin. Minsan nga ay kahit gabi kumakain pa siya ng ice cream.

[No. May lakad kasi kami ni Mama]

Lumipat ako sa kabilang mesa at pinunasan yun "Oh!! Ede go. Bonding nyo yan ni Tita"

[Hahah Hindi no. May pupuntahan lang na importante. Inaalala lang kita kasi wala kang kasama. Hindi naman kami makadaan jan kaya tinawagan na lang kita]

"Ano ka ba. Wag mo ko isipin. Make sure to closed the door ok. May duplicate naman ako kaya itago mo na lang yang sayo"

[Sure ka?]

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon