POP 11

41 1 0
                                    

Nallyza Lutevilla POV

Hindi ko alam kung anong oras na. Kung ilang minuto o oras na ako hindi makatulog. Pano ba naman kasi inaalala ko yung masungit kung Sir. Sanay ba yun matulog sa sofa? Baka di yun makatulog.

Dahil sa pag iisip na baka anong mangyari dun. Baka ibawas pa sa sweldo ko kapag may nangyari dun.

Bumangon at lumabas ng kwarto ko. Dahil tahimik na ang buong bahay ay nagdahan dahan na lang akong naglakad. Bumaba ako sa hagdan at dahan dahan na lumakad palapit sa sofa. Nang makadating ako ay sinilip ko lang si Sir.

Naka cross arm ito habang nakapikit. Tulog na siguro. Habang tinitignan ko siya ay hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Unang tingin mo pa halata mo nang nanggaling siya sa mayamang pamilya. Mula sa pananamit hanggang sa mga bagay na nakadikit sa kaniyang mga kamay ay mamahalin na.

"Siguro may girlfriend nato" bulong ko. Well hindi naman niya ako maririnig mukha kasi mahimbing yung tulog niya. Dagdag mo pang nakakumot siya. Baka lamigin malakas pa naman yung ulan.

Mayaman tapos may itsura pa. At siguradong ganun din yung girlfriend niya. Nako sana all na lang talaga.

"Siguraduhin mo lang talaga Sir na mag e-explain ka bukas sa girlfriend mo ha. Mahirap na baka paggising ko may naka bungad na sakin na baril. Alam kung OA ako pero nang iingat lang hahaha"

Baka paggising ko nasa gubat na ako at itutulak na lang sa bangin para mamatay.

Napailing na lang ako.

Kinaumagahan ay maaga ko nabasa ang text saakin ni Hellen na hindi daw sila makakauwi ngayon. Nag text na lang ako ng ok.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Lumapit ako dito at binuksan. Wala ng ulan. Nag unat mo na ako sandali pampawala lang ng katamadan.

Pagkatapos ay hinaplos ko ang tiyan ko.

"Good morning baby"

Napahagikgik na lang ako. Masaya na akong nararamdaman siya pero mas magiging masaya ako kapag nahawakan ko na siya.

Naisipan kung bumaba na para makapag handa na ng almusal. Pagbaba ko ay napansin kung wala ng tao sa sofa.

"Asan kaya si Sir? Umuwi na kaya" dahil sa naisip ko na baka umuwi na ay dumeretso ako sa kusina para magluto.

Simple lang niluto ko. Gagawa lang ako ng sandwich na may bacon. Ang bacon ay galing pa sa nanay ni Hellen.  Naghiwa Ako ng kamatis at repolyo. Naglagay ako ng butter at mayonnaise. Ilang minuto ang tinagal ko ay natapos na ako sa paggawa. Tatlo ang ginawa ko. Para kung hindi ko maubos ay may makakakin ako mamaya.

Iniwan ko mo na ito at pumanik sa taas. Hinanap ko yung pang ipit ko sa buhok. Masyadong buhaghag yung buhok ko. Nakakasagabal. Nang mahanap ko ay tinali ko ang buhok ko habang naglalakad pabalik sa kusina.

Pagbalik ko sa kusina ay nagulat na lang ako na makitang isa na lang ang naiwan sa sandwich ko

"Sino kumuha?"

Tumingin ako sa baba. Nagbabakasaling nahulog. Tumingin ako sa gilid.

"Wala naman. May pusa ba na nakapasok?"

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Salamat sa kumuha ha. Nagtira ka pa" sana marinig nya para alam niyang sarcasm yun.

Kumuha na lang ako ng fresh milk at sinalin ito sa baso. Binuhat ko ang baso at plato na may dalang gatas at sandwich. Sa sala na lang ako kakain para makanood din ng tv.

Pagpunta ko sa sala ay nagulat ako ng may lalaking kumakakain doon. Nagtitipa ito sa cellphone nya habang kumakain.

"S-sir"

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon