POP 2

8 0 0
                                        


Nallyza Lutevilla POV

Hindi ko alam kung paano ako nakakain at nakatulog kagabi. Pati ata sa panaginip naaalala ko yung pinag usapan namin ni Lester kahapon.

Si Rhyniel at Kebian ikakasal na. Totoo ang sinabi ko kay Lester na wala na akung pake sa kanila. Pinaghadaan ko naman ito. Alam kung balang araw ikakasal sila. Pero , Bakit ang aga naman ata. Hayss.. Siguro inakala ko na papatagalin mo na nila kasi kakahiwalay pa lang namin. Akala ko pa may kunti pang natitirang konsensya sa kanila. Parang ako pa ang naging masama.

"Anong klaseng itsura yan ha!!"

Napatingin ako sa pinto. Lumapit sakin si Hellen na may subong lolipop sa bibig. Umupo siya tabi ko. Nasa sala kasi ako, balak ko sanang manood pero hindi ko alam kung saan naman lumipad utak ko.

"Wala may iniisip lang"

"Wag mong sabihing iniisip mo yung ex boyfriend mo?"umiling naman ako.

"Hindi ah!" kahit ang totoo yun naman talaga. Hindi ko pwede sabihin sa kaniya yun dahil kahit dinadaanan niya lang sa tawa mga problemo ko, alam ko sa kaloob looban nito ay nag alala siya sakin.

"Weeehh Di nga. Tologo ba?"mahina ko siyang hinampas.  Pano ba naman kasi. Nilakihan niya ang dalawang mata niya at pinalungkot ang itsura.

"Hahaha oo nga. B*liw na to"

Mahina naman siya tumawa at hinimas ang braso nito na hinampas ko. Kala mo naman ang sakit ng hampas ko. Mahina kaya yun.

"eh Ano ba kasi problema mo. Actually kanina pa ako sa pinto. Pagdating ko dito nakatulala ka. Makakalusot ang magnanakaw sa ginagawa mo eh--Aw!! sakit ah"

Hinila ko kasi buhok nito. Para maalog ang utak niya. Masyadong praning.

"Sobra ka ha!. Bat napunta sa magnanakaw. Hindi pwedeng nag iisip lang"

"Bakit may isip ka ba?"

Mabilis naman itong tumayo ng akma ko siyang hahampasin.

"Alam mo. Umuwi ka na lang. Sinisira mo araw ko eh" tumayo ako at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Sinundan naman niya ako.

"Ang drama mo naman. Change topic na nga. Kamusta lakad mo kahapon? Naka hanap ka na ba ng trabaho mo?"

Uminom naman ako ng tubig pagkatapos ay hinugasan ko na din bago ibalik sa pinagkuhanan ko.

"Ayon nga ang problema ko. Wala akung nahanap. Wala naman kasi akung nakitang naghahanap sila eh"

Malapit na ang bayaran sa kuryente at tubig. Saan ako kukuha ng pambayad.

"Sinabi ko na sayo, doon ka na lang kina Aling Pasing. Sure ako matatanggap ka dun"

"Tapos ano. Susugudin ako ni Tanya dito sabay sabing inagaw ko sa kaniya yun. Sus wag na. Trabaho hanap ko at hindi gulo"

Malakas pa naman boses nun. Hilig palagi ng away. Pag isumbong mo naman sa Nanay niya ikaw pa gagawing masama. Palibhasa magkasing ugali sila ng anak niya.

"Bumili naman ako kanina wala naman siya. Baka mamayang gabi. Alam mo try mo na lang puntahan mamayang hapon 3 pm. Kapag wala siya ede ikaw na. Paunahan lang yun, sige ka wala kang pera"

Natapos ang umaga na walang ibang ginawa kundi kulitin ng kulitin ako na mag apply doon. 1 pm na nung umalis siya. Bago siya umalis sinigurado muna niya na pumunta ako. Sinabi ko naman na samahan niya ako pero may lakad daw sila ng Nanay niya. Hindi naman pwede na pilitin ko siya kaya umoo na lang ako sa gusto niya

2pm ng matapos ako mag ayos. Nag suot lang ako ng simpleng tshirt at pants lang. Malapit lang naman yung kila Aling Pasing kaya dina kailangan na pumorma pa ako.

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon