POP 9

29 0 0
                                    

Nallyza Lutevilla

Kahapon ay umuwi na din kami ni Hellen sa bahay. Hindi na kami nag tagal doon dahil kapag nag stay pa kami ay makakabayad pa kami. Tutal ok na din naman ako. Wala na akung gagawin na ikakasira namin ng anak ko.

Balak ko na din na magtrabaho ulit. Baka hinahanap na ako dun. Tatlong araw ko pa lang ata yun tapos may bad record na ako.

"Ohhh bat parang binagsakan ng langit at lupa yang mukha mo?"nakasimangot akong tumingin kay Hellen na nag aayos ng damit niya sa kabinet. Dito na din siya titira sa bahay. Sinabi niya kay Tita Bellen na buntis ako na kailangan may magbabantay sakin. Pumayag naman si Tita. Tutal hindi naman araw araw nandun si Tita, nagtatrabaho Kasi daw siya kaya minsan overnight pa. Bibisitahin na lang din ni Hellen minsan yung bahay pag my time sya.

Ano tingin nya sobrang layo ng pagitan ng bahay ko sa Bahay nya .. eh ilang bahay lang naman ang lalakarin?

"Oh!! Ano na naman yan? Gusto mo bang ibalik kita sa hospital? Mukhang di ka pa ok. Kanina nakasimangot ka, ngayon naman parang naiinis ka. Sintomas ba yan sa pagiging buntis mo o baliw ka lang?"

Mabilis naman akung kumuha ng unan at tinapon sa kaniya.

"Aray ko!! Ano ba talaga problema mo ha!!"ayan na sumisigaw na.. sya ata may problema.

"Wala!! Hindi ako nakasimangot kanina ok? Nag alala lang"

Tumigil muna siya sa pagliligpit at namewang sa harap ko sabay taas ng kilay "nag alala ka naman? At saan naman yan ha!!"

"Ssh. Trabaho inaalala ko ok hindi ibang tao o bagay jan"tumango naman siya at nagligpit ulit. "Baka ano na sabihin ni Aling Pasing sakin. Kakasimula ko lang eh tapos matatanggal ako agad"

Pambihirang buhay to!! Kung saan kailangan ko na talaga ng Pera...

"Jusko lord"

Humiga ako sa kama at tumihaya.

"Pano kung tanggalin nga nila ako. Saan na ako magtatrabaho?"

May trabaho pa bang malapit sa bahay namin? O di kaya magiging tambay na ba ako nito??

"Hindi ka matatanggal"

"Pinapagaan mo lang loob ko pero alam kung hindi talaga yan mangyayari"bulong ko "Aw!!" Kinuha ko ang binato nitong damit sa mukha ko. Bumangon at binato siya pabalik

"Hindi ka naman natamaan nung binato kita ah!!"

Ang sama!!

"Tumigil ka nga sa kakangawa mo Jan. Hindi ka matatanggal ok. Trust me"ngumiti pa sya. Pero yung ngiting alam mong may masamang binabalak

"Oh oh!! Hellen?"seneryoso ko ang tinig ko kaya nawala ang ngiti nya.

"W-hat?"pinalika niya pa ang mata niya.

"Ano ginawa mo?"

Baka may plano na to, kailangan kung pigilan baka lalo akung mawalan ng trabaho.

Umiling naman "Couz. Wala ok! Don't be so nega. Pustahan tayo Hindi ka matatanggal. Baka ikaw pa ang mag tanggal sa sarili mo"

"Huh?"

Ako pa ang magtanggal sa sarili ko? Sarili ko? Nahihirapan na nga ako dito tapos guguluhin nya pa utak ko.

"Alam mo hindi ka nakakatulong. Jan ka na nga. Magligpit ka mag isa mo"

Mabilis akung bumaba sa kama at dumeretso sa pinto. Tumingin mo na ako sa kaniya at kumendat.

"BUTI NGA SAYO!!!! BLEEEH"

"YAA!!! NALLY BUMALIK KA DITO"

Mag ayos ka ng ilang oras jan hahaha!! Yun gamit niya Kasi na naligpit na niya hinila ko kaya ang ending ligpitin nya ulit. Ayaw nya yun. Magsasama pa sila ng matagal hahaha

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon