POP 15

22 0 0
                                    

Nallyza Lutevilla POV

Natapos na ako sa pagbili ng manok kaya patungo na ako sa sakayan ng biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko ang phone at tinignan ang caller. Huminto mo na ako sa paglalakad at sinagot ang tawag ni Hellen.

"Hello Hellen. Pauwi na ako. Wag ka naman masyadong ata---]

[NALLY WAG KANG UUWI DITO!! MAY BRUHA-- Can you please shut up!! Patahimikin mo nga yan]

Bigla akung kinabahan ng makarinig ako ng kalabog sa kabilang linya. 

"H-hellen anong nangyayari? Sino kasama mo jan ?"

Nagulat ako ng makarinig ako ng ibang boses at mas lalo akung nagulat ng makilala ko ito

[Hello Nallyza] kahit diko siya nakikita ay ramdam ko ang pagngisi nito.

"Kebian?" pangalan pa lang nya nakaka pagkulo na ng dugo. Nagsimula akung maglakad habang pinakikinggan ang tawa nito sa kabila.

[Well. Na miss kita b*tch. Baka gusto mong umuwi na ngayon]kinagat ko ang labi ko ng marinig ko ang sigaw ni Hellen sa kabila. Ang kaninang lakad ko ay patakbo na ngayon. Gustuhin ko man di umuwi dahil alam kung ikakapahamak ko yun pero iniisip ko si Hellen. Baka siya ang mapahamak.

Papara sana ko ng magulat ako ng may humintong kotse sa harap ko. Napatigil ako at pinagmasdan ang boss ko na bumaba at pumunta sa harap ko.

"S-sir?"

Ano ginagawa nito sa palengke? 

"Mamaya mo na akong tanungin. Get in"pinabuksan ako nito ng pinto ng sasakyan. Tatanggi na sana ako pero sumagi sa isip ko si Hellen. Napatingin ako sa phone kung nandun pa ang caller. Nang makita kung patay na ay hindi na ako nag dalawang isip pa at pumasok na ako sa sasakyan. Sinirado niya ang pintuan at umikot at pumasok.

Habang nasa byahe ay pahigpit ng pahigpit ang paghawak ko sa phone ko. Halo halo ang nararamdaman ko. May kaba para kay Hellen. May inis para kay Kebian at ay may galit para sa sarili ko. Galit ako dahil alam kung ako ang dahilan kung kayat may ganito. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarali ko kung may nangyari kay Hellen. Si Hellen na lang ang kakampi ko..

Ilang minuto ang tinagal namin at dumating na kami sa harap ng bahay. May itim na kotse sa harap ng bahay. Sigurado ako kay Kebian. Mabilis akung bumaba ng huminto ang sasakyan at tumakbo papasok ng loob.

"Hellen!!" ang kaninang pinipigilan kung luha ay nag sunod sunod na bumuhos ng makita ko si Hellen na nakahiga sa semento. Lalapitan ko sana sya ng may humarang sakin isang lalaki. Hahawakan sana niya ako my sumuntok sa kaniya kaya di nito natuloy ang kaniyang balak. 

"Don't your dare to touch her" inis na sambit ni Lebnie at sinipa ang tagiliran ng lalaki. Gustohin ko mang pigilan siya dahil baka mapatay na nito ang lalaki. Pero naisip ko si Hellen. Patakbo akung lumapit at lumuhod. 

"Hellen AHHH!"napasigaw ako ng may humila sa buhok ko. Sobrang sakit nito. Pakiramdam ko pati anit ko matatanggal. 

Hinila ako nito patayo kaya naka kuha ako ng tyempo para sipain ang paa niya na naging dahilan para mabitawan niya ako. Ako naman ngayon humila sa buhok niya. Sinigurado kung doble ang sakit ang mararamdamn niya gaya ng ginawa niya sakin.

"AAHhh!!! Let me go you b*tch"sigaw nito. Naging maagap ako ng maramdan ko na balak nitong abutin ang buhok. Bago pa nito magawa ang balak niya ay hinila ko pa mas lalo ang buhok niya.

"Ang kapal ng mukha mong lumusob dito ha! Sinaktan mo pa pinsan ko." mabilis ko siyang tinulak sahig kaya nadapa siya at napasobsob doon. Gustuhin ko man matawa sa naging itsura nya ay mas nangigibabaw sakin ang inis. 

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon