Third Person POV
"Kayo na bahala dito ha?"
"Yes ma'am"
Nakangiting nag paalam sakanila si Nally. Sumakay si Nally sa kaniyang sasakyan na nakaparada lang sa harap ng shop. Habang nasa daan ay naisip niyang dumaan mo na sa isang milktea shop. Omorder siya ng dalawa. Habang hinihintay ang kaniyang order ay bigla may tumawag sa kaniya. Pagtingin ay si Hellen ang tumatawag.
Sinagot niya ito.
[Asan ka na bang bruha ka. Kanina ka pa niya hinahanap] hindi napigilan ni Nallyza na matawa ng mahina ng makarinig siya ng iyak sa kabilang linya.
"Pauwi na may dinaanan lang ako"
[k bye]
Napailing na lang siya sa naging sagot sa kaniya ni Hellen. Napatayo siya ng makitang natapos na ang milktea na binili niya.
"Here's your milktea maam" nakangiting inabot sa kaniya ng staff ang order niya.
"Thank you"gumanti din ng ngiti sa kaniya si Nally.
Lumabas na ng siya shop at nagpatuloy na pauwi sa bahay. Pagdating niya pinark mo na niya ang sasakyan sa gilid ng bahay. Bumaba siya ng sasakyan at dinala papasok ang dalawang milktea na binili niya.
Nasa pinto pa lang siya ng may sumigaw palapit sa kaniya.
"Mama!!"
Isang batang lalaki ang yumakap sa mga tuhod niya. Natawa na lang siya ng marinig ang malakas nitong iyak.
"Mama!!"
Gustuhin man tuksuin ito at paiyakin lalo ay hindi na niya nagawa pa. Malakas itong umiiyak sa mga tuhod niya at ramdan na niya ang pagkabasa ng patalon niya. Lumapit naman sa kaniya si Hellen at kinuha ang dala nitong milktea. Pagod na pagod ang itsura neto.
"Salamat Hellen"bulong lang iyon pero sinigurado ni Nallyza na aabot sa tenga ni Hellen e yon. Umirap lang sa kaniya si Hellen. Bago umalis ay bumelat pa mo na ito kaya natawa na naman si Nallyza. Dahil sa pagtawa niya ay lalong lumakas ang iyak ng bata na nakayakap parin sa kaniya.
'Nako po. Akala ata niya pinagtatawan ko siya'
Hinawakan ni Nallyza ang dalawang braso ng bata saka lumuhod sa harap niya. Napabitaw ang bata sa ginawa ni Nallyza pero agad din itong yumakap ulit at sa leeg na nito napunta.
"Bakit umiiyak ang baby boy ko hmmm?"malambing na tanong ni Nallyza.
Binuhat ni Nallyza ang bata at umakyat sila papasok sa kwarto nila. Nilapag ni Nallyza ang bata sa kama. Hinubad niya ang damit ng bata dahil basa na ito ng pawis at luha. Nang mahubad na niya ay gamit ang damit ng bata ay ipinunas nito sa buong mukha at katawan neto.
Lumapit siya sa electric fan at pinaandar yun. Tinapat niya ito sa bata para makaramdam eto ng lamig. Napansin naman niya ang pagpikit neto kaya pinahiga na muna eto saka hinayaan matulog. Siguro napagod ito kakalaro. Sinabayan pa ng iyak kaya yan nakatulog na. Lumapit ulit siya sa eletric fan. Nilagay niya sa number 2 ang andar ng electric fan para hindi sumobra ng init at hindi din sumobra sa lamig.
Nagbihis na din siya ng pambahay na damit. Bago siya lumabas ng kwarto ay isang halik sa noo ang binigay niya sa kaniyang anak. Pagbaba ay naabutan naman niya si Hellen sa sofa na umiinom ng milktea habang nanood ng korean drama.
"Asan yung isa?"tanong ni Nallyza.
"Nasa ref"
Tumabi sa kaniya si Nallyza at nakinood din. True beauty ang pinapanood nila. Habang nanood sila ay nakikiinom din si Nallyza sa milktea ni Hellen. Hinayaan lang siya ni Hellen dahil busy siya manood. Natapos ang ep 3 na puro tawanan at hampasan lang ginawa nila. Naubos na din ang milktie na iniinom nila. Sinubo pa ni Hellen ang natitirang yelo doon saka tumayo para patayin angg tv.

BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomantikNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...