POP 14

56 1 0
                                    

Nallyza Lutevilla POV

Today is Sunday. Ngayon araw ang check up ko. Hinanda ko na lahat ng gamit ko bago bumaba.

Mula sa sala ay naabotan ko si Hellen na kumakain ng tinapay. Napatingin naman siya sakin.

"Aalis ka na"

Tumango ako.

"Kailangan maaga ako. Mahirap ng maabutan ng hapon. Sobrang taas ng pila"

Nakasanayan ko din maging maaga kung may pupuntahan ako. Pag tapos kasi ng lunch dagsaan na ang mga tao kaya minsan aabotan ka pa ng gabi sa sobrang taas ng pila. Minsan nga mag baon ka na lang para hindi ka lang maalis sa pila.

"Alis na ako"

"Sige ingat"

Lumabas na ako ng bahay at naghintay ng masasakyan.

Pagdating ko ng hospital ay dumeretso na ako kung saan ako mag papa check up para sa mga buntis. Napangiti na lang ako ng makitang kunti pa lang ang tao. Bago ako maupo ay sinulat ko na mo na ang buong pangalan ko isang bondpaper , para kung sakali na ako na ang susunod ay tatawagin lang nila ako sa aking pangalan. Pang apat ako na papasok.

Pag upo ko ay diko maiwasan na pagmasdan ang tatlong babae na kasama ko. Kasama nila ang mga asawa nila.

"Ako lang pala ang walang kasama"mahina kung bulong sapat na ako lang makadinig.

Huminga ako ng malalim at tinoon na lang ang pansin ko sa mga dumadaan.
Ilang oras po ay nagsimula na sila magpapasok. Habang naghihintay ay Bigla akung kinausap ng katabi ko.

"Hi"bati nito at ngumiti. Ginantihan ko naman ito ng ngiti "Hello"

Tumingin siya sa tiyan ko. "Hindi pa masyado halata"

"Ahhh opo. One month pa po"

Ako naman ngayon ang tumingin sa tiyan. Malaki na ito. "Kayo po ilang buwan na po?"

"7 months na to"hinimas niya ang tiyan nya. "Gusto mo hawakan?" Agad agad akung tumango kaya natawa siya. Humarap siya ng kunti sakin. Dahan dahan ko nilapit ang kamay ko sa balat nya. Paglapat pa lang ay nadamdam ko na agad ang pagsipa ng baby.

"Hahaha mukhang nagustuhan ka nya" dahan dahan ko na itong hinaplos. Ramdam na ramdam ko ito. Habang hinahaplos ko ito ay iniisip ko kung ganito din ba ang mangyayari sa baby ko kapag umabot na siya ng pitong buwan.

Ilang minuto ko din itong hinaplos bago ko ito bitawan.

"Kung ano man naramdaman mo. I'm sure ganun din mararamdaman mo pag ganito na baby mo" hinaplos ko ang tiyan ko tsaka ngumiti

"Salamat po Ate?" Natawa naman siya. Hindi ko naman alam pangalan nya kaya nakiki Ate na lang ako. Mukhang mas matanda naman siya sakin ng kunti.

"Call me Terra. Ate Terra"

"Ate Terra. Nallyza po" nakipagkamay ako sa kaniya. Mga ilang minuto din kami nag kwentohan hanggang sa tinawag na siya. Nagpaalam pa siya sakin bago pumasok kasama ang asawa nya.

Dumating ang oras na ako na tinawag kaya naghanda na ako papasok.

"Hmmm. So far you're baby is ok" binaba ni Doc. Hez ang hawak nitong pang ulra sound. "Maging maingat ka lang minsan. Hindi pa masyadong buo ang baby mo kaya delikado pag hindi ka maingat" tumango ako. Madami pa itong sinabi gaya ng mga dapat kung gawin. Kumain ng masustansya at mag ehersisyo araw araw para daw kumapit ng mahigpit ang bata.

Natapos ang check up ko sa araw na yun. Bumalik na daw ako ulit pag may naramdaman daw akung kakaiba.

Ngayon ay nasa karenderya na ako. Nagutom ako sa check up ko kaya naisipan ko na lang na kumain. Malapit na din naman mag lunch.

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon