NALLYZA LUTEVILLA POV"TODAY IS SUNDAY!!!YEHEY!!"
At dahil linggo ngayon. It's my free time. I can do what i want.
Tumingin ako sa salamin at umikot. Nagsuot ako ng dress above the knee. Color yellow tapos shoulder bag na white. Nag piece pa ako sa salamin bago naisipan lumabas ng bahay.
Kasama ko sana si Hellen mag lakwatsa pero ang g*ga may ka date daw. Well ayoko naman sirain love life niya. Minsan nga makulit ko kung kailan siya mag kaka boyfriend. Pang ganti na din.
Palabas na sana ako ng gate ng mapansin ko ang bulaklak sa basurahan. Ito yung bulaklak na sinasabi sakin ni Hellen noon na para daw sakin.
Wala naman sana akung balak na itapon to dahil naawa din ako sa nag bigay. Kahit hindi ko alam kung saan at sino ang nagbigay pati ang dahilan nito ay naawa pa din ako. Ang ganda kasi ng bulaklak kaya nakakapagtaka na may nagbigay sakin.
Sabi kasi ni Hellen. Goodluck daw yung letter na kasama niya. Tinanong ko kung nasan yung sulat sabi nabasa daw kaya tinapon niya. Tapos pag uwi ko sinabihan niya ako na itapon dahil kung hindi panghihinalaan niya ako ng may secret admire ako kahit na wala.
Napailing na lang ako at lumabas na ng gate. Naglakad ako sa terminal na jeep. Sumakay ako at bumaba sa simbahan.
Pumasok ako sa loob at umupo. Kunti lang ang tao ngayon. Siguro dahil sa 8 am pa lang ng umaga. Mostly kasi hapon yung iba o di kaya gabi.
Pumikit ako at nagdasal.
"Lord, Alam kung alam mo ang laman ng puso ko. Alam mo kung ano kalagayan nito. Hinihiling ko po sana sa inyo na tulungan niyo ko maghilom ang sugat ko. Tulungan niyo po ako na ibalik yung dating ako. Please Help Me.. In jesus name we pray.. Amen"
"Pabili po ng sim card, Salamat po"
Inabot ko na ang bayad ko at naghanap ng mauupuan. Ng makahanap ay umupo ako at kinuha ang phone ko. Pinalitan ko ang sim card ko at binura lahat ng mga bagay na mga picture , video at madami pa.
Pagkatapos ay tinignan ko ang dati kung sim card.
"Tama si Hellen. Hindi na dapat akung umasa sayo. Sapat na ang isang buwan para tuluyan ko ng palayain ang sarili ko sayo"
Tumayo ako at tinapon ito sa basura na katabi ko lang. Napangiti ako. Ngayon makakangiti na ako na wala ng mabigat sa puso ko.
Maglalakad na sana ako paalis ng mapatigil ako.Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng hilo. Pumikit ako at hinilot ang ulo ko. Ilang minuto akung hinilot ng maramdaman kung ok na ay dumilat agad ako.
Bat parang napapadalas na pagkahilo ko. Kahapon pa ito ah.
Hindi naman ako nalilipasan ng gutom pati pagtulog ko sakto din. Napailing na lang ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pumunta ako sa supermarket at bumili. Naubus na kasi mga gamit kung panluto sa bahay.. like tuyo..suka..at madami pa. Balak ko sana sa palengke bumili pero naisip ko pupunta din naman ako sa mall bakit diko na isahan pa. Isang gastusan lang.
Ng masiguro ko na na sakto lahat ay pumila na ako at binayadan ito. Next na pupuntahan ko ay boutique.
Iniwan ko sa package counter yung pinamili ko. Pagkuha ko ng number ko ay tumalikod na ako para pumasok ng may tumawag sakin
"Nallyza??"
Sinundan ko ng tingin ang tumawag sakin. Nakita ko si Myra na tumatakbo palapit sakin.
"Nallyza ikaw nga!! Gosh nandito ka pala"
Myra Gamlot ang girlfriend ni Lester. Hindi kami masyadong close kasi hindi naman ako palalabas ng bahay. Hindi ko din siya minsan nakikita sa bahay nila Rhyniel dati. Tanging mga kaibigan niya lang pumupunta doon katulad ni Lester.

BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomanceNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...