POP 18

40 0 1
                                        

Nallyza Lutevilla POV

Buhat buhat ko si Baby Zen nang bumaba ako sa sasakyan ni Lebnie. Mahibing na itong natutulog sa baliat ko. Gusto pa sanang dalhin ni Lebnie si Baby Zen sa taas pero humindi na ako. Nasabi niya saakin na kailangan niyang umuwi sa Mama niya. Dito na kasi siya dumeretso kaya sabik din siyang makita Mama niya.

"Salamat sa lahat Lebnie"

Nag enjoy din naman ako. Hindi ko itatanggi yun.

"Yan ka na naman"

Ngiti lang ang ginanti ko sa kaniya.  Napansin niya ata na hindi ako naging kumportable dun. 

He sighed ang look at me directly in my eyes. 

"Pag isipin mo sana sinabi ko Nallyz. I'm serious"

Tumango lang ako. Hindi na ako sumagot pa. Wala din naman akung alam na sasabihin sa kaniya. Tinignan ko lang siya na pumasok sa kotse niya at umalis sa harap ko,

Mukhang hindi pa nakakauwi si Hellen dahil sarado pa ang bahay. Gamit ang duplicate ng bahay ay nabuksan ko ang pinto at nakapasok ako. Umakyat ako sa taas at pumasok ng kwarto ko. Dahan dahan kung binaba si Baby Zen sa kama. Nang masigurado ko na maayos na pagkakahiga niya ay nag ayos din ako. Pinalitan ko lang ng pampatulog ang suot ko kanina. Humiga ako sa tabi ni Baby Zen at natulog.

"ANO??!! SINABI NI LEBNIE YUN SAYO??ARAY KO!!" ang hawak kung sandok kanina sa pagluluto ay mabilis na lumipad sa ulo ni Hellen. 

"Hinaan mo nga boses mo. Baka may makarinig sayo akalain pa nila nasunugan tayo" pinanlakihan ko siya ng mata

Sa lakas ng boses niya panigurado pati kapit bahay namin magigising. Sinamaan nya ako ng tingin at hinimas ang ulo niya. Masakit yun panigurado

"Sorry naman. Pero" umayos siya ng pagkakaupo at tumitig sakin ng seryoso. Chismosa talaga ang g*ga. "Seryoso? Umamin talaga siya sayo"

Tumango ako. Akmang sisigaw ulit siya ng makahawak agad ako ng baso. Mabilis niya naman tinakpan ang bibig nya gamit ang dalawang kamay niya at nanlalaking mata na tumingin sakin.

"Bitiwan mo yan Nally. Sinasabi ko sayo mas masakit na yan. Baka hospital na mapuntahan ko nyan" binatawan ko ang baso.

Takot ka din pala.

"Seryoso na nga. Ok umamin siya sayo diba?" 

"Ulit ulit?" saan ba utak neto at nagiging slow.

"Sabi ko na nga ba" nagulat ako ng bigla itong tumayo at pumalakpak. Yung itsura niya akala mo nanalo sa mga  tayaan sa kanto. Nakangisi pa siya. Pagkatapos nya gawin yun ay bumalik siya sa upuan at ngising ngisi na tumingin sakin. "Una pa lang alam ko na may gusto yun. Denial ka kasi" umiling iling pa siya.

Bigla sumagi sa isip ko mga pinagsasabi niya noon. Tama siya. Noon niya na pala sinasabi. Hindi naman sa indenial ako sadyang mahirap lang talaga paniwalaan na may gusto siya sakin. 

"Oh ano naman sabi mo?" 

"Huh? Anong sabi ko?" nalito naman ako. May dapat ba akong sabihin?

"Kung ano nasabi mo nung umamin siya. Like yes or no ganun" 

Inalala ko yung nangyari kahapon. Kung may sinabi ba ako. 

"Wala naman " Pagkatapos niya kasi umamin nagpatuloy na kami sa paglilibot. May hiya lang ng kunti pero masaya lang naman kami.

"Ay! Hindi mo man lang siya sinagot. Kawawang Lebnie basted agad ouch" napahawak sa kaniya puso at umarteng nasasaktan.

"Anong basted ka jan? Di naman siya nanliligaw ah?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAST OR PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon