Third Person POV
"The gown looks good to you"tuwang tuwa na sambit ni Hanie kay Kebian.
"I'm sure. Mas lalong mahuhulog sayo si Rhyniel" dugtong ni Shella.
Hindi mapigilan ni Kebian ang mapangiti sa mga sinasabi ng mga kaibigan nya.
"Umikot ka nga" sinunod ni Kebian ang sinabi ni Hanie. Nagkatinginan naman sila Hanie at Shella at sabay na pumalakpak.
"Perfect!! Perfect!!"
"Thank you Hanie at Shella"laking tuwa ang nararamdaman ngayon ni Kebian. Sapagkat ang pinakakahihintay nito ay dumating na.
"Tatawagin ko si Rhyniel para makita ka nya" hinayaan na lang ni Kebian si Hanie dahil mas natutuon ang pansin nito sa gown na suot nito.
Sobrang ganda ng wedding gown nito. Pinagawa nya pa ito sa pinakasikat ng designer sa buong mundo. Kakarating lang nito kagabi kaya ngayon pa nila naisipan na isukat.
"Tuloy na tuloy na yan!!" asar ni Shella ng makita ang kaibigan na sobrang natutuwa sa suot nito.
"Of course. No one can stop us now. Tomorrow is our special day. Sa araw na yun ay tuluyan na akung magiging isang Mrs. Acuña"Sa isip niya palang ay sobrang natutuwa na siya pano pa kaya kung totoo na talaga. Pakiramdam niya ay hindi na siya makakatulog pa.
"Paano kung malaman niya ang totoo?" nawala ang ngiti ni Kebian sa biglang tanong ni Shella , sandali lang yun at bumalik din ang saya nito.
"Walang mangyayari kung walang kakanta"
Panatag si Kebian sa lahat. Wala ng magiging sagabal pa. Kung iisipin niya bukas na ang finale at siya na ang nagwagi.
"Nag aalala lang ako"
"Don't worry Shella. Everything is under my control. Ako at ako lang ang dapat na magwagi dito"
Tumahimik na lang Shella.
Bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at pumasok doon si Rhyniel na suot suot ang kanyang suit na gagamitin nito para sa kasal.
"What do you think?" Tanong ni Kebian at pinakita sa kaniya ang suot nito.
"You look beautiful my future wife"ngiting sambit ni Rhyniel
"You're handsome too"
Nagkatinginan na naman si Hanie at Shella. Ilang segundo pa ay nagtitili na ang dalawa at inasar si Kebian. Sabay na natawa ang dalawang magkasintahan sa ginawa ng magkaibigan.
"Kamusta mga ininvite mo aatend ba sila?" tanong Rhyniel
Si Kebian ang inatasan ni Rhyniel para ipamigay ang invitation card sa mga taong gusto nito magpunta sa araw ng kasal nila.
Ilang minuto ang tinagal nila sa loob ng kwarto ni Kebian ng dumating ang mga kasama ni Rhyniel para makisaya.
"Ready na ready si Lover boy ah! Hahaha" asar ni Chan kay Rhyniel ng makita ang suot nito.
"Aba dapat lang no!" Sabay silang natawang tatlo sa naging tugon ni Rhyniel
"Kailan ba uwi ni Lester? Alam ba nito na bukas na yung kasal?"napatigil sila pagtatawanan sa biglang tanong ni Win
"Hindi pa kami nagkikita simula ng umalis siya. Umuwi na ba?"
Umiling si Chan sa tanong ni Rhyniel "Maging ako ay hindi ko din siya nakakausap, tinawagan niyo na ba?"sabay na umiling si Win at Rhyniel.
"Tawagan nga natin" kinuha ni Chan ang cellphone nito at tinawagan nga si Lester.
Isa o dalawang buwan na ata na hindi nagpapakita ito sa kanila. Maging tawag at text man lang ay hindi nito ginawa kaya nagtataka ang mga kaibigan nito.

BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomanceNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...