Nallyza Lutevilla POV
"Here you change ma'am"
"Thank you' ngiting sambit ni ate ng iabot ko sa kaniya ang sukli nitong 7 pesos.
Natapos ang shift ko ng alas 3 ng hapon. Ang dating panghapon ko na shift ngayon ay naging umaga na. Dahil malaki na ang tiyan ko naisipan ni Lebnie na gawing pang umaga ang shift ko para daw exercise at hindi ako masyadong mahirapan. Kasama ko din si Hellen dito. Kinuha siya ni Lebnie para hindi daw ako masyadong mahirapan. Nasa casher ako habang si Hellen naman ang naglilinis sa store.
"Pahinga ka mo na Nally. Mamaya na daw dadating si Ate Amelia. Ma late lang daw siya ng kunti kasi may nangyari lang daw" tumango naman ako sa sinabi ni Hellen at hinayaan na palitan niya ako sa pwesto ko.
Umupo ako sa sofa at nagpahinga doon. Hinimas ko naman ang tiyan ko. 1 month na lang ang hihintayin ko at mahahawakan at makikita ko na siya. Matatawag na niya akung mommy at may tatawagin na din akung baby. Gustuhin ko man na maging babae ang anak ko kaso di ako pinalad. Hindi naman ibig sabihin na lalaki ang anak ko ay ayaw ko na. Sadyang nasabik lang ako sa babae. Yung tipong lahat ng gawain ko noong bata ko na para lang sa pangbabae ay maturuan ko sa kanya.
Ok na din yun. Happy at kontento na din naman ako sa anak ko. Mamahalin ko siya nang buo buo kahit na wala syang ama ay ako ang magiging ina at ama niya. Na kahit na lumaki siya ay hindi niya mararamdaman na may kulang sa kaniya. At hindi naman ako nag iisa. Anjan ang pinsan ko para sa kaniya.
Speaking of Ama.Pitong buwan ko ng nalaman na nawawala si Rhyniel. Hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung nasaan si Rhyniel. Wala din naman akung balak alamin. Nangako din naman sakin si Myra at Lester na wala silang pinagsabihan at wala silang karapatan magsabi sa kahit na sino na buntis ako at si Rhyniel ang ama. Buti na din yun. Sapat na sila lang ang nakakaalam para wala ng gulo ang mangyari.
Tungkol naman kay Kebian. Kahit na pareho sila ni Hellen ng pinagdalhan. Hindi ko na siya sinilip pa. Aaminin kong naawa ako. Masakit mawalan ng anak. Pakiramdam mo pati buhay mo mawawala din. Alam ko yun kasi grabe mag ingat sa bawat galaw basta hindi lang mapahamak ang tiyan ko. Sinabi nila Myra na kaya daw nawala ang bata ay dahil naging pabaya si Kebian. Labis daw na nasaktan si Kebian sa hindi pagsipot ni Rhyniel kaya ang naging takbohan nito ay alak. Masyadong madami daw ang kaniyang nainom na naging dahilan kung bakit hindi na nakita ng bata ang mundo. Kawawang bata nadamay pa.
Mula ng araw na iyon ay hindi ko na sila nakita pa. Hindi na din sila nagpakita pa kaya naging maayos ang takbo ng buhay ko sa loob ng pitong buwan.
Dumating si Ate Amelia sa isaktong 3:34. Humingi siya ng tawad dahil na late na siya ng 34 min. Tinawanan naman siya ni Hellen at sinabing ayos lang daw yun . sabagay ayos talaga yun. Nakakita ba naman ng gwapo kanina kaya ganyan.
Naiisipan namin ni Hellen na mag grocery na muna. Kakakuha lang ng sweldo namin kahapon kaya ngayon namin naisipan na maggrocery. Isasabay na din kasi namin ang pagbili sa gamit ni baby. Para kung lumabas na ayaw wala na din akung p-problemahin.
Paglabas ng store ay hindi na ako nagulat ng makita ko si Lebnie na naghihintay sa store. Nakasandal ito sa kaniyang kotse habang gumagamit ng cellphone. Naramdaman niya atang na may nakatingin sa kaniya kaya napaangat siya ng tingin. Saktong naman pag angat niya ay saakin natuon ang tingin niya.
"You here'
Sasagot na sana ako ng patakbong lumapit si Hellen sa kaniyang sasakyan at walang paalam na pumasok sa back seat. Bumelat pa ito sakin saka sinirado ang pinto.
Umiwas ako ng tingin kay Lebnie. Hindi ko kaya makipag titigan sa kaniya. Nakakahiya pinaggagawa ni Hellen. Nakalimutan ba niya na boss namin eto at hindi kung sinong tao lang.
BINABASA MO ANG
PAST OR PRESENT
RomanceNallyza Lutevilla ang babaeng niloko ng sarili niyang asawa na si Rhyniel Dave Accuña. Dahil sa ginawa nang kaniyang asawa ay bumalik siya sa kaniyang dating tahanan para magbagong buhay. Naghanap siya ng trabaho at duon niya makikilala si Lebnie Ge...