K / NO HAPPY ENDING

12 4 0
                                    

K (MARCH 21, 2021)

Tatlong modules nalang ang hindi ko pa nasasagutan at inaantok na ngayon. Ngayon ang deadline pero hindi muna ako nagpasa kasi hindi pa ako tapos. I'm trying to finish it tonight para maipasa ko na bukas ng umaga.

Humihikab ako habang nakatingin sa modules na nasa harap ko. Bakit ba kasi ang hiraaaaap?!

Napatingin ako sa cellphone ko na katabi lang ng libro. Kung i-message ko kaya si Ma'am at magpaalam na bukas nalang ako magpapasa? Medyo strict pa naman 'yon kapag late.

Nagtext agad ako kay Ma'am. Medyo nanginginig pa ako habang nagta-type.

Me: Good evening, ma'am.
        Pwede bukas nalang po ako papasa, ma'am?
        Kasi inaantok na ako, ma'am.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang reply ni Ma'am at kulang nalang ihagis ko ang cellphone sa inis.

Ma'am: K

K?! Anong K?! Tsk! Mukhang nagalit ata. Dapat kasi hindi nalang ako nagtext.

Me: Galit ka, ma'am?
        Maya nalang ako matutulog, ma'am.
        Ayusin muna natin 'to.

Hindi na nagreply si Ma'am sa last text ko kaya tinapos ko nalang ang modules hindi para makatulog ako, kundi para maipasa ko na ito kahit gabi na.

Humihikab ako habang naglalakad papunta sa bahay ni Ma'am. Hindi naman ito malayo sa amin kaya ipapasa ko nalang. Kumatok agad ako nang makarating sa tapat ng pinto. Medyo napatalon ako sa gulat ng buksan ni Ma'am ang pinto nang nakakunot ang noo.

"Ito na po ang modules, Ma'am. Sorry po kung late." Sabi ko at iniabot sa kanya ito.

Kinuha naman niya ito at tumango. "K."

Napaawang nalang ang bibig ko sa sinabi ni Ma'am. Nang maisara ni Ma'am ang pinto ay tumalikod ako at sumuntok-suntok sa hangin.

"Tangina, K! Inaantok na ako't natatakot tapos K?! Kinginang K!" Pagrereklamo ko nang walang lumalabas na tunog sa bibig ko habang sumusuntok pa rin sa ere.

@cloudnine

••••

NO HAPPY ENDING (MARCH 30, 2021)

"How do I look?" I asked my mother while finishing my make-up. Pagkatapos kong mag-lipstick ay tinignan ko ang sarili sa salamin.

"You look beautiful, my dear." My mom hugged me from behind and gently kissed the top of my head. "Our princess is gonna be someone's queen in a few hours. I'm so happy for you."

"Mom, don't make me cry. My make-up's gonna be ruin." Natatawa kong sambit habang maingat na pinunasan ang isang takas kong luha. Mom just chuckled at inalis ang pagkakayakap sa akin.

"Mauuna na kami sa simbahan." Paalam ni Mom at hinalikang muli ang ulo ko saka lumabas ng kwarto.

This is it, this is the day I'm gonna marry the man of my dreams.

I smiled at my self in the mirror one last time. Tumayo na ako at kinuha ang bulaklak na dadalhin ko sa small table saka lumabas ng kwarto. Dumiretso na ako sa kotse na kanina pa naghihintay sa akin.

"Ready ka na po, Miss Theandra?" tanong ng family driver namin na si Manong Tom. Siya ang magda-drive sa akin ngayon dahil ayoko ng ibang driver.

"Ready na, Manong." I answered and sighed heavily.

Pina-andar na ni Manong ang sasakyan at umalis na kami papunta sa simbahan. Habang nasa byahe, I can't help but to reminisce all our challenges together. How my family didn't approve when I first introduce him. How a girl tried to ruin our relationship. How his family and my family tried to separate us.

Maraming pagsubok ang dumating sa amin but we remained strong. Pinaglaban namin ang isa't isa at hindi sumuko ng basta-basta.

I smiled and took out my phone. Pagkabukas ko ay picture naming dalawa ang bumungad sa akin. The picture of us is my wallpaper.

"Wait for me, my king. I'm coming." Ibinalik ko sa bulsa ng gown ang phone at tumingin ulit sa daan at hindi ko inaasahan ang nangyari.

A truck hit the car!

Nagpagulong-gulong ang kotse at nauntog rin ako ng paulit-ulit. The car stop spinning pero naka-upside down ito. Iminulat ko ang mata ko and I can feel the blood dripping from my head. Unti-unti na ring bumibigat ang paghinga ko na para bang kinukuhanan ako ng oxygen.

My phone vibrated and I tried reaching for it. Kahit medyo wala na akong lakas, kinuha ko pa rin ito sa bulsa at sinagot ang tawag.

"H-Hello?"

"Theandra, are you okay?!" It was Liam. Hinihingal ang boses niya na para bang tumatakbo siya.

"L-Liam.."

"I'm coming, baby. Wait for me, okay? Don't sleep!" 'Yon ang huli kong narinig bago ko nabitawan ang cellphone.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas at bumibigat na rin ang talukap ng mata ko.

"I.. I'm s-sorry, ba.. baby.. I'm.. I'm s-sleepy.. I-m so.. so.. sorry if I.. can't w-wait for y-you.. I l-love you, my.. king."

That was the last thing I said before closing my eyes. Guess there's no happy ending for me.

@cloudnine

(This one shot is actually a spoiler, secret muna kung saang story.)

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now