PEEK A BOO

24 2 0
                                    

(JANUARY 21, 2022)

My name's Sync and I have a sister named Axe. I was only nine years old and she's five when our parents died in a car crash. Hindi na sila binigyan pa ng funeral wake kasi para saan pa raw kung hindi na makilala pa ang mukha nila.

Nakatira na kami ngayon kasam si Lola dito sa probinsya. Tahimik lang ang buhay namin at walang gulo. Medyo creepy nga lang ang bahay ni Lola kasi pang-sinauna pa. Idagdag pang walang kuryente dito kaya kandila lang ang nagsisilbi naming ilaw.

Minsan nga, kapag nagigising ako ng hating-gabi, may naririnig akong parang naglalakad pero kapag sinisilip ko wala naman.

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay. Nakaupo at pinagmamasdan ang mga puno na sumasayaw sa hangin.

"Peek a boo!"

Bigla akong napalingon nang may gumulat sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Axe na tumatawa. Mukhang naramdaman niya naman ang titig ko kaya tumigil na siya sa pagtawa pero ngumingiti pa rin.

"How many times do I have to tell you na tigilan na 'yang panggugulat?" pagsesermon ko. "Paano kung gantihan ko nung ginulat mo at gulatin ka rin?"

"Eh, ikaw lang naman ang ginugulat ko, Ate. Gaganti ka ba?" mapang-asar niyang tanong.

"Hindi. Pero alalahanin mong may sakit ka sa puso at bawal kang magulat." Tumayo ako at inakbayan siya. "Let's go inside. Malapit nang gumabi."

Naabutan namin sa kusina si Lola na may hinihiwa. Napuno ng dugo ang lababo at pati na rin ang apron na suot niya. Medyo malansa rin ang amoy pero wala lang sa akin kasi hindi naman ako nababahuan.

"Anong ulam, Lola?" tanong ko at pinaupo si Axe.

Nilingon niya kami. "Dinuguan, apo. 'Di ba't paborito niyo iyon?"

Nakangiti kaming tumango. Pinanood lang namin si Lola na magluto at simula sa gabing 'yon ay palagi na kaming kumakain ng masarap.

••••

"Mga apo, may bisita tayo," sabi ni Lola na kakapasok lang ng bahay. Nakaupo kami ni Axe sa sala habang naglalaron ng sungka.

"Sino naman po, 'La?" tanong ni Axe.

Niligpit ko na ang nilalaro namin at nilagay iyon sa ibabaw ng cabinet. Saktong pagharap ko sa pinto ay ang pagpasok ng sinasabing bisita ni Lola.

"Ito na ba ang mga apo mo, kumare? Aba'y parehong maganda," sabi ng bisita ni Lola na isang matandang babae. May kasama siyang babae na halatang ka-edad lang namin.

"Saan pa ba magmamana? S'yempre sa akin," biro ni Lola at tumawa.

"Ito nga pala ang apo ko, si Rose," pagpapakilala ng kumare ni Lola at hinawakan sa balikat ang babae.

Kumaway ako sa babaeng kasama ng kumare ni Lola at ngumiti pero inirapan niya lang ako at pinagtuunan ng pansin ang lollipop na kinakain niya.

Inaya na sila ni Lola papunta sa kusina dahil magluluto raw sila at tutulong ang babae. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nawala na rin ang ngiti ko. Naiinis ako sa babaeng 'yon.

Pumunta nalang kami ni Axe sa kwarto at doon namalagi. Naglaro kami ng kung anu-ano para malibang.

Mag-iisang oras na kaming nandito sa kwarto nang makarining kami ng isang sigaw. Hindi na sana namin papansinin pero naulit na naman ang sigaw kasunod ng isang malakas na tunog na parang may binalibag.

Bumungad sa amin ang gulo-gulong sala. May bahid ng dugo sa mga dingding at sahig. Nakatumba rin ang mga upuan na parang dinaanan ng delubyo.

Dumiretso kami sa kusina at nadatnan si Lola na may hinihiwang kamay. Oo, kamay.

Nagkatinginan kami ni Axe at ngumisi at sabay na lumapit kay Lola.

"Do you need some help, Lola?" tanong ko na hindi maitatago ang excitement.

Tumawa ng mahina si Lola. "Pakihanap naman itong apo niya." Ininguso niya ang ulo ng kumare niya na nasa chopping board at nababalot ng dugo. "Hindi tumalab ang pampatulog ko kaya nakatakas. Bilisan niyo, baka wala na tayong masarap na hapunan."

Agad kaming umalis ni Axe para hanapin ang babaeng 'yon. Dumiretso kami sa gubat dahil sigurado akong doon siya papunta. Wala naman kasing ibang daanan paalis mula sa bahay namin kun'di ang gubat.

"Rose, Rose! C'mon, Rose. Come here, Rose," tawag ni Axe sa nakakatakot na boses kaya mahina ko siyang hinampas sa balikat.

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa ginagawa habang ako ay tahimik lang na naghahanap nang may napansin akong bahid ng dugo sa isang puno.

I smirked when I saw a trail of blood.

'You can run, Rose, but you cannot hide.'

Sinundan ko iyon at kapag sinuswerte ka nga naman, nandito ang hinahanap ko. Nakatago siya sa isang puno pero nakikita ko ang buhok niya. I took the knife that I always keep in my pocket and slowly walked towards her.

"Peek a boo!"

Napalingon siya at makikita ang takot sa mukha niya. Sisigaw na sana siya pero hindi natuloy dahil sinaksak ko sa mukha niya ang hawak kong kutsilyo.

Tumalsik sa mukha ko ang dugo niya. Dinilaan ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko.

'Hmm, delicious.'

@cloudnine

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now