“Because what’s worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?”
― James Patterson, The Angel Experiment
Sam’s POV
Ibang-iba talaga si Devon sa mga kakilala kong mga babae. Naramdaman ko ang pagiging totoo nyang tao. Hindi siya user na akala ko sa kanya ng una. Never siyang nag take advantage sa kalagayan nya. Nahihiya talaga ako sa mga sinabi at ginawa ko sa kanya dati.
Akala ko nga hindi nya ako kayang tanggapin bilang kaibigan. Ngunit nagkamali ako. Tinanggap niya ako ng bukal sa loob nya na maging kaibigan.
Ang tulad nya ay hindi mahirap mahalin. Ewan ba? Basta dumating na lang isang araw na parang kulang kung hindi ko siya nakikita o nakakusap. Gusto ko lagi ko siya mapasaya at laging nakangiti. Napansin ko lang nitong mga huling araw lagi siyang malungkot. Napag alaman ko rin sa kanya na mayroon silang di pagkakaunawaan ni Rick.
Masakit isipin ngunit alam kong may pagtingin ito sa kanyang kaibigan. Hindi man nito aminin ay halata sa mga ikinikilos nya. Napakaswerte naman ni Rick sa kanya. Kung hindi man kayang pahalagahan ni Rick si Devon gagawin ko ang lahat mabaling lang ang atensyon nito sa akin. Ibibigay ko sa kanya ang di kayang ibigay ni Rick.
“Kuya, kanina ka pa na dumating?”tanong ni Kathryn ng makita nya ako na nakaupo sa may hardin.
“Kanina pa.”sagot ko dito.
“Kuya may problema ba?”
“Wala naman. Bakit may dapat ba akong problemahin?”balik tanong ko dito.
“Ok, kung wala. So kamusta ang pagsama mo kay ate Devon?”
“Hindi naman kami masyadong nagtaga sa bar. Umuwi na kaagad kami ng matapos silang mag-usap ni Rick.”
“Sa totoo lang kuya naiinggit ako kay ate Devon. Ang swerte nya na may pagtingin si Rick sa kanya.”
“Si Rick may gusto kay Devon?”nababahala kong tanong.
“Correction kuya, mahal ni Rick si ate.”malungkot na sabi nito sa akin.
“Weh, di nga? Bakit malungkot ang baby girl ko? Ngiti kana. Wait may gusto ka kay Rick?”tanong ko dito. Ngunit hindi ito sumagot bagkus nag buntunghininga ito.
“Remember the last time we went to their home. Napansin ko na kakaiba ang pagtingin ni Rick kay ate Devon. Akala ko ng nung una dahil magkaibigan at magkakababata sila. Pero hindi ganun ang dahilan. Nakikitang kong mahal na mahal ni Rick si Ate Devon” paliwanag nito.
“Do you think she loves him too?” Nararamdaman ko na may pagtingin si Devon kay Rick gusto ko lang kumpirmahin kung totoo.
“I don’t know kuya. She never told me anything about her feelings for him. One thing for sure she values him that much kaya ngayon meron silang misunderstanding ganun siya ka affected.”
“Do you like him too?”
“Kuya, it doesn’t matter if I like him or not. Kahit ano naman ang gawin ko I think di na mababago kung anuman ang nararamdaman nya for her. Saka mahirap makipagkumpetensya sa taong halos buong buhay nya kasama at karamay nya. Unless, magbago ang nararamdaman nya para dito. I don’t think na mawawala yung love nya for her. Ikaw kuya? Don’t tell me you are falling for her?”
Hindi ko kaagad nasagot ang simpleng tanong ni Kathryn. Kasi ang alam ko I am falling for her.
“Why did you ask?” balik tanong ko dito.
“I ask you a question and you answer it with a question. I guess, you are falling for her. Aren’t you kuya?”she ask again while smirking.
“Now I get it! Why all of the sudden you change your treatment to her. I knew it!” nakangiti nitong sabi.
“You need lots of luck para mapansin ka nito. Sa mga ginawa mo ba naman sa kanya before. Alam ko kuya na chick-magnet ka pero di ko lang sure kung gumagana ba yan kay ate Devon.” biro nitong sabi.
Iniwan na ako ni Kathryn after namin na mag-usap. Hindi na nya ako kinulit sa aking nararamdaman para kay Devon. Alam nya na ang pagtahimik ko ay nasagot na ang kanyang katanungan.
Pumasok na rin ako ng bahay at umakyat sa aking kwarto. Hanggang sa mga oras na ito naiisip ko pa rin ang pinag usapan namin magkapatid.
Tama naman si Kathryn ano ba naman ang laban ko kay Rick? Si Rick na halos buong buhay na kilala at kasama nya. Alam kong suntok sa buwan ang aking gagawin pero hindi ako susuko. Ngayon ko lang naramdaman muli ang umibig at di ko papalampasin na iparamdam ang malinis kong intensyon sa kanya. Gagawin ko ang lahat para magkaroon ako ng espasyo sa puso nya.
Hindi ako sugarol pero para sa kanya susugal ako para makuha ang pag-ibig nya.
I will fight my love for her.