chapter 13

315 5 3
                                    

In spite of unseasonable wind, snow and unexpected weather of all sorts - a gardener still plants  and tends what they have planted ...believing that Spring will come.

- Mary Anne Radmacher

“With the power vested in me I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride.”

Hindi ito isang panaginip. Ito talaga ang totoo nangyayari sa mga oras na ito. Sino ba ang ayaw maikasal sa taong halos lahat na ata ng magandang katangian nasa kanya na? 

Siguro kikiligin ako sa tuwa kung ibang sa ibang pagkakataon ito nangyayari. Hindi ko lubos maisip na hindi pa man ako nakakatapos ng pag aaral at hindi ko pa natutupad ang aking mga pangarap ay heto ako at ikinasal na sa taong hindi ko naisip na magiging kabiyak ko sa buhay.

I love him…as a friend siguro more than that baka. Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa bilis ng pangyayari.

“Devon, may I?”mahina nyang tanong sa akin na pumukaw sa aking pag-iisip. Kahit nalilito ako sa bilis ng pangyayari ay tumango ako at pilit na ngumiti.

Ayaw kong ma disappoint si inay kung tatanggi ako at magpapakita ng hindi kaaya-aya. Alam kong ito ang panagarap nya para sa akin ang makita akong ikasal sa lalaking pinili nya para sa akin.

He kissed me on the lips tenderly. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kanyang labi. Ganun ba talaga ang first kiss akala mo may libu-libo…hindi milyung-milyong boltahe akong naramdaman. Its just a short kiss pero halos lahat ng balahibo ko ay nagtayuan.

Ano nga bang dahilan kung bakit ako ikinasal sa araw na ito. Masyado atang naging OA si inay ng makita nyang magkatabi kami ni Rick sa kama na magkayakap kaninang umaga habang natutulog.

Ewan ko ba sa lalaking ito ang alam ko sinuotan ko siya ng kamiseta ng gabing iyon. Kinaumagahan ng pumasok si inay sa kwarto para gisingin ako ay nakita nyang hubad baro si Rick na nakaakap sa akin. 

Pang itaas lang naman ang wala kay Bes at ako naman ay kumpleto ang saplot sa katawan ngunit di pumayag si inay na di ako pakasalan ng magaling na lalaking ito. Dahil sa kabiglaan at kalituhan ay pumayag agad kaming dalawa ng hindi nag-iisip.

Kaninang umaga ay kinausap agad ni tatay Romeo ang kanyang kumpare na judge na siyang nagkasal sa amin ngayon. Tinalo pa naming ang mga whirlwind Romance ng mga artista sa bilis ng pangyayari.

Kagabi lang nagkaayos na kami ngayon mag-asawa na agad kami. Di man lang kami dumaan as gf/bf stage. Nawiwindang talaga ako sa pangyayari.

Inakap agad ako ni inay at ni tatay Romeo matapos kaming ikinasal. Kasama naming ang malapit na kamag-anak nina tatay na si Tita Annie at Tito Rowel na nagsilbing witness n gaming kasal.

Halos maluha-luha si nanay ng matapos ang kasal ganun din si tatay Romeo na para bang di sila makapaniwala na maikakasal kaming dalawa ni Bes.

“Maligaya ako anak at ikinasal kana kay Rick. Wala na akong mahihiling pa. Nawa ay maging maayos at maligaya kayo.”at inakap na ulit ako ni inay.

“Mareng Elena, siguradong matutuwa si pare saan man siya naroroon sa pag-iisang dibdib ng ating mga anak. Rick, anak pakamahalin mo si Devon at alagaan. Alam ko naman kung gaano mo ito kamahal nawa ay wag sanang magbago.”sabi ni tatay romeo habang inakap si Rick at ako.

Pagkatapos ng seremonyas ay kumain kami sa isang sikat na restaurant. Napansin ata nina inay na hindi ako man lang naibo ang aking pagkain. Hinawakan ng inay ang aking kamay.

“Anak, may problema ba? Hindi mo ba gusto ang pagkain?”sunod-sunod na tanong ni inay.

“Wa nyo po akong alalahanin inay. Masyado lang ata akong overwhelmed sa nangyari.”sagot ko dito. 

“Kain po kayo. Wag nyo po akong intindihin. Excuse po muna at punta lang po ako sa restroom”paalam ko sa kanila.

Pagdating ko sa loob ay nagbasa ako ng mukha parang hindi mahalata na umiiyak ako. Ilang beses akong naghilamos para maibsan ang sakit ng ulo ko.

Pagkalabas ko ay nakita kong nakasandal sa pader at waring hinihintay ako sa aking paglabas. Hinila nya ako sa isang sulok at inakap.

“Sorry, sa mga nangyari Devon. Nabigla rin ako sa pangyayari.”sabi nito habang akap-akap nya ako at hinahaplos ang aking likod.

Wala naman akong dapat ikagalit sa nangyari. Pareho naman na di namin kagustuhan ito. Wala akong karapatan na magalit sa kanya kasi pumayag din ako sa kagustuhan ni inay na ikasal kami. May pagkakataon naman na pigilan ko ito ngunit hindi koi to ginawa bagkus sumangayon ako.

“Wala ka dapat ihingi ng tawad. Pumayag ako diba? Hindi ako galit, naguguluhan lang ako sa bilis ng pangyayari.”paliwanag ko dito.

 Inalis ko ang pagkakayakap nya at hinawaka ang kanyang mukha. 

“Di naman ako lugi na ikaw ang naging asawa ko eh. ENDANGERED SPECIES at ALL OF THE ABOVE ka nga diba? We will make this marriage work not because of our parents but because WE WANT it work. ” at hinalikan ko siya sa labi.

Sabi nga nila”Everthing happens for a reason” siguro may dahilan kung bakit siya ang binigay ni God na maging asawa ko. Hindi lang maganda ang panlabas na anyo ni Rick kundi pati kalooban nito.

 Afterall dapat pa ba akong maging choosy?

unofficial loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon