Chapter 17
'Nothing is as burdensome as a secret."
French Proverb
Matapos namin na mag agahan ay inihatid na ako ni Rick sa school. Halos hindi kami nagkibuan. Sa akin inalisko na agad sa aking isipan yung nangyari. Ayoko munang isipi ang mga bagay na magiging hadlang sa aking mga pangarap. Alam ko naman na maiintindihan ito ni Rick at nangako naman siya na maghihintay siya.
“Rick” “Devz” sabay pa kaming nagsalita. Mabuti na lang at andito na kami sa parking lot ng school.
“Ah, eh ikaw na muna” sabi ko.
“Hindi, ikaw na muna.”nahihiya nitong sabi. Bumuntung-hininga ito bago siya nagsalita.
“Devz, sorry kanina sa nangyari. Nangako pa naman ako sa iyo. Hayaan mo hindi na mauulit” malungkot nitong humingi ng paumanhin.
“Rick, wala yun. Ako rin naman ang may kasalanan kaya nangyari yun. Saka, hwag kana na ma guilty dyan ginusto ko rin naman e” nahihiya kong sabi. Napangiti si Rick ng sinabi koi yon. “Pero, hindi na dapat maulit baka kasi wala ng cellphone na tutunog sa sususnod na pagkakataon”
“Opo, mahal ko. Magkokontrol na ako kapag umatake ang kapilyahan mo sa akin. Ikaw naman kasi aminin mo na. May HD ka naman talga sa akin diba” pabiro nitong sabi.
“Hmmmp! May HD HD ka pa na nalalaman. Sige na at baka ma late na ako”bubuksan ko n asana ang kotse ngunit pinigilan nya ako.
“Steady ka lang dyan at ako ang magbubukas para sa iyo, mahal ko.”at lumabas ito ng kotse at ipinagbukas ako ng pinto.
Sige na feelingera muna ako. Feeling ko ang haba ng hair ko. At lumabas na ako. Tuloy-tuloy na sana ako sa paglalakad ko ngunit pinigilan nya ako.
“Hep! Mahal ko, may nakakalimutan ka ata?” nakabusangol nitong sabi sa akin.
Tiningnan ko ang aking gamit at baka may nahulog sa kotse ngunit kumpleto naman.
“Rick, wala naman akong naiwan. Kumpleo naman ang mga gamit ko. Sige at baka hinahanap na rin ako nina Kathryn” dali-dali kong sabi.
“Hayzz! Devon, ganun na lang ba yun? Hinatid nga kita ngayon ni wala man lang bang pakunswelo sa gorgeous husband mo?”
“Naku, Rick straight to the point. Ano bang nalimutan ko at pati paghahatid mo e nasali sa usapan natin”natatawa kong sabi dito.
“Hayzz! Mahal ko. Wala man lang bang goodbye kiss? Grabe talagang wala man lang kusa”nakasimangot nitong sabi.
“Sus! Yun lang pala e ang dami pang pasakalye. O siya at ako naman ay madaling kausap” at dali-dali akong nag kiss sa cheeks sabay walk-out at baka kung saan pa mapunta.
Nakangiti akong lumakad. Hindi ko na nga ako lumingon at baka magpahabol pa ako ng kiss sa lips. Masaya ako. Para nga akong nakalutang. Siguro ganito ang feeling ng high sa drugs.
Ng biglang nag ring ang cp ko. Ang kulit talaga ng baby ko. Baby? Baby damulag kamo. Mukha kasi siyang baby kapag nagmamaktol.
“Rick,”sagot ko.
“Ikaw talaga ang daya mo”
“Anong madaya? Naka quota kana kaya kaninang umaga” nangingiti kong sabi habang patuloy ako sa paglakad.
“Hehehehe, oo nga ano. Sige mahal ko ingat. Baka gabihin ulit ako ng dating. Maaga kang matulog ok”
“Opo, ikaw ang mag-ingat. Gumagamit ka ng cp habang nag mamaneho”paalala ko dito.